Chapter 14: Game Changer

38.9K 1.2K 473
                                    

Nagsimula na ang programa para sa opisyal na pagbubukas ng paligsahan. Sampung unibersidad ang magsasagupaan sa walong palaro makuha lamang ang tagumpay at ang pwesto na siyang magdadala ng karangalan sa buong paaralan.



Sa malakas na sigawan na naririnig ko at sa napansin ko kaninang dagsaan ng mga tao...nasisiguro kong puno ang kabuuan ng oval arena. Marami ang nagsidatingan na estudyante mula sa kanya-kanyang paaralan ng mga kalahok para magpaabot ng kanilang suporta. May mga nagdala ng mga maliliit na bandila, mayroon rin namang nagdala ng mga naglalakihang banner at tarpaulins, at hindi rin mawawala ang mga nakacolor coding shirts. Lahat may pagkakakilanlan. Lahat may pinapanigan. Sa kabilang banda...kung may mga kilalang bisita, mayroon din namang mga outsiders o mas tinatawag ditong guest audience. Sila ang namamagitan sa crowd at malayang sumusuporta.



Dumagundong ang buong area nang magsimula ang pagpapakilala sa bawat delegasyon. May kanya-kanyang entrance ang bawat unibersidad kung saan lalabas at maglalakad patungo sa gitna ng lugar at doon magtitipon kung saan tanaw ng lahat.



Mabilis at sunod-sunod na tunog ng tambol ang aming narinig. Unang ipinakilala at lumabas sa entrance ang Harrison College. Tumanggap sila ng malakas na palakpak at hiyawan mula sa mga nanunuod. Isa sila sa mga dinagsa ng mga tagasuporta .



Mula sa Harrison, sumunod naman ang Sactuary University. Sila ang pinakamatinik pagdating sa boys volleyball game. They always kill it. Lagi silang naghahari sa larong 'yon.



Sa pangatlong koponan na tinawag, lumabas mula sa entrance ang Jap International College, kasunod nito ang kapatid niyang paaralan na Jap University. They are our secret enemy when it comes to the battle of ratings. But, of course, that's a different matter. Iba ang sagupaan na mangyayari rito.



Hindi makontrol ang hiyawan at lakas ng pagwawala ng mga tao. Walang gustong magpatalo. Lahat nagkakasagutan sa bawat palakpak na may kasamang sigaw na kanilang binibitiwan. Matapos ang pang-apat na delegasyon, panglimang tinawag ang isa pang paaralan na pag-aari ni lolo, ang Dalash International School. Kung ang Sanctuary ay matinik sa boys volleyball, pangmalakasan naman itong nabanggit na paaralan sa girls volleyball game. They are actually unbeatable. Ito ang pinagmamalaki ni lolo sa kanila. Volleyball ang pride ng paaralang ito sa tuwing darating ang paligsahan. Malakas ang mga manlalaro nila.



Hindi magpapahuli ang Hades University wearing their red like fire uniform. Malalaki at matatangkad ang mga manlalaro nila. Softball and baseball team lang ang binuo nila kaya hindi sila karamihan. Malakas ang koponan nila pagdating sa baseball. They are always a finalist.



And for the seventh team, ang New Generation University kung saan ako kabilang. Madilim ang waiting area namin kaya ganon na lamang ang pagkasilaw ko paglabas ng entrance. Mas naging malinaw sa pandinig ko ang malakas na sigawan at palakpakan ng mga tao. Napayakap ako sa sarili sa kakaibang pakiramdam na bumalot sa'kin. Ganito pala. Nakakapanindig balahibo ang pagtanggap nila at ang mga nakikita ko ngayon. Nawala ang lungkot na aking nararamdaman. Natupad na rin ang kagustuhan kong makapaglaro sa ganito karaming manunuod. Naiiyak ako sa tuwa. Hindi ko napigilan ang ngiti ko.



Umawang ang labi ko sa pagkamangha. Napatingin ako sa team captain namin nang akbayan niya ako. Ngumiti ako sa kanya. Sumunod kami sa may hawak ng delegation flag namin which is the blue one with a black and white logo and print. Pumila kami kasunod sa hilerang ginawa ng Hades. Sobrang nakakataba ng puso ang maging parte ng ganitong palaro, para bang pride ka ng buong bayan. Sobrang daming tao daig pa ang nasa olympics kaya naman hindi ko rin maiwasang hindi kabahan.



LIVING WITH HER (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon