Chapter 4: Karate, what???

44.2K 1K 156
                                    

McKendall's.



ANO???!!



Halos maibuga ko ang iniinom kong juice sa harapan nilang dalawa. "A-ano? A-ako?" nauutal at hindi makapaniwalang tanong ko.



Sabay pang tumango ang dalawa, si Jeon at Yunlee. Ang dalawang pinagkakatiwalaang tauhan ni lolo. Sila rin ang nagbabantay sa'min ng kapatid ko simula noong medyo napapabayaan na kami ng sarili naming magulang. Nakipagkita sila sa'kin dito sa isang exclusive restaurant at sa akala kong kakausapin lang ako tungkol sa pag-aaral ko'y iba pala ang pag-uusapan namin.



"Yes, young lady." Sagot ni Jeon na kahit ilang beses kong sabihan na h'wag akong tatawaging ganon ay ito pa rin siya't paulit-ulit. "Si Don sir na mismo ang may gusto nito. This is for your own good and protection."



Napangiwi ako.




Ayun pa rito sa dalawa, lolo wants me to learn martial arts. Yes, martial arts! For Pete's sake, ako talaga na hindi makabasag pinggan? That sounds cool pero hindi ko kaya. Hindi ko maimagine ang sarili kong nakikipagbardagulan o nakikipagkaratehan. Sino namang magiging kaaway ko? Sa bait kong ito? Kung si taglamig lang naman...hindi ko na kelangang mag-aral pa nitong bagay na 'to para mapabagsak ang taong yon.



Tinanggihan ko nga rin si Tyrant at Cyprixille tapos dadagdag pa itong dalawa?



Iniisip ko palang ang magiging training and to think na itong dalawang kaharap ko pa ang magtuturo sa'kin? Gaano ako papahirapan ng mga 'to? Mga secret agents ang mga ito at istrikto. Baka pagsuntukin nila ako ng kahoy gaya ng mga napapanuod ko or paigibin ng tubig tapos bubuhatin ko paakyat ng bundok.



Omg, nooooo!!!



Ano ba kasi 'tong naisip ni lolo? Nakakaloka siya ah.



"So...." basag ni Yunlee sa katahimikan ko sa tagal kong hindi umimik. "Kahit naman mag-isip ka dyan, wala kang magagawa. Lolo mo ang may gusto nito, Kendall."



"Edi sana siya nalang, siya naman pala may gusto!" Parang bata na maktol ko. Natawa naman sila.



"Sa kanya mo sabihin yan, hahaha." Jeon.



"Kami naman ang magtuturo sayo eh. Hindi ka namin pahihirapan at mga basics lang ang ituturo namin like kicking, striking, and parries. Just simple moves na kayang-kaya mong gawin for self defense."



I snorted. "Dapat ba akong matuwa na kayo ang magtuturo sa'kin, Yunlee? Look, yeah, that sounds easy pero kasi...hindi para sa'kin 'to. Look at me!" Turo ko pa sa sarili. "This face, this looks...pwede ba 'to?"



They chuckled. Ipinatong ni Jeon ang dalawang braso sa table at pinagcross. "Walang pinipili ang martial arts, young lady. Everyone can learn it. There's no requirements needed to be qualified. Pwede 'to sa lahat. Even the gorgeous girl on earth like you can learn it and you must."



Ngumiwi ulit ako pero ngumiti rin. "Bolero ka!" Napabuntong hininga ako at napasandal na lamang. Tumingin ako sa kawalan. Hindi ko na alam ang mga nangyayari. "Hindi ba pwedeng pag-isipan ko muna? Pakisabi naman kay lolo bigyan ako ng time para pag-isipan 'tong offer niya."



"Hindi naman 'to offer na may choice ka kung tatanggapin o tatanggihan mo, young lady. Wala kang choice rito."



Nashock naman ako. I dramatically hold my chest. "Ganon ka-unfair?!"



LIVING WITH HER (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon