One year later...
Winter's.
"Anong petsa na ba ngayon? Twelve? Thirteen?"
Napatingin ako sa kapatid ko na hindi talaga nauubusan ng itatanong o sasabihin kahit pa sinabi ko nang gusto ko ng katahimikan. Kasalukuyan siyang nagmamaneho ngayon kung saan papunta kami sa bagong building na binili ni daddy para sa bago niyang kompanya. Ngayon ang grand opening nito kaya kailangan naming dumalo. Hindi sana ako sasama dahil wala naman akong ibang gagawin doon kundi makipagkamay sa mga bisita na hindi ko naman maalala kahit ilang beses ko nang nakasalamuha sa mga parehong kaganapan. Kung hindi lang sa ayaw kong magtampo si daddy, nasa bahay lang sana ako ngayon. Mas gusto ko doon.
"Ah, thirteen." Sagot niya sa sariling tanong. "Valentines na pala bukas, twin."
"Ano naman ngayon?"
Valentines na nga bukas. Araw ng mga puso. Christian Feast day. Ni minsan hindi naging exciting sa'kin ang pagdiriwang na kinagisnan na natin. Normal na okasyon lamang ito sa'kin lalo na ngayon kung saan pakiramdam ko'y hindi naman ako kompleto. We can celebrate love whenever and wherever we want. We don't need a specific date to make everything or something special. We can even do it everyday with our friends and family. Pero dahil nga naging tradisyon na natin ang ipagdiwang ito tuwing buwan ng Pebrero...siguro nga iba pa rin talaga. How I wish she's here para naman may saysay ang araw ko bukas. Naghihintay pa rin ako sa kanya. Naghihintay pa rin akong bumalik siya. Paano kaya kung bigla na lamang siyang magpakita bukas, ano? I'll probably mark that date as the most special and unforgettable of all, but that's impossible. Tomorrow will be just the same day as today, a busy but still dull day. Maybe I'll just spend the rest of it focusing on other important things, like school of course since we have classes where I'm already losing my mind for too much information my brain had been processing these past few months. But again, that would be much better than going out.
"Date tayo."
I gave him a look. "Ayaw na ba sayo ng girlfriend mo?"
"She's not here. Umalis kahapon. Pumuntang Japan para bisitahin ang grandparents niya." Sinulyapan niya ako. "Ayaw mo bang maka-date ang kapatid mo? Nadate ko na sina mom and dad. Ikaw na lang ang hindi, twin. Gusto ko lang bumawi."
"Bumawi sa mga pangb'bwesit mo sa'kin? Nice."
He snickered. "Parang ganon na nga. Pagbigyan mo na ang kuya mo oh."
"I would appreciate if you can stop that," sabi ko pa. Hindi talaga ako natutuwa kapag sinasabi niyang mas matanda siya sa akin dahil bini-baby niya ako. Una lang naman siyang iniluwal. Kung tutuosin mas matanda pa nga akong mag-isip sa kanya. "May pasok ako bukas. Bahala ka sa buhay mo." Naiiritang dagdag ko.
"Twin naman. Hindi ka naman mabiro. Totoo namang mas matanda ako sayo." I glared at him. I know naman na hindi niya talaga ako titigilan. "Wala kang choice. Susunduin kita pagkatapos ng klase mo. I just want to celebrate it with you, with my twin sister!" Ngumiti siya ng pagak na ikinangiwi ko naman ng may pandidiri. "Oh, come on. Namimiss lang kita. Dapat last year kaso super sungit mo nun and super busy mo pa."
"Tch."
"Twin..."
"Anong akala mo, hindi ako masungit ngayon? Hindi ako busy?!" Sarkastikong sagot ko.
BINABASA MO ANG
LIVING WITH HER (COMPLETED)
Teen FictionFake relationship • devoid of any real love or emotional connection. ------- A bit cliche, but not really a typical love story. Have you heard of fake relationships? In the business world, it's ubiquitous. McKendall and Winter were used as a means o...