Chapter 30: Living in dullness

37.3K 931 420
                                    

Winter's.



"See what happened? This is what I'm talking about when I said that she's not safe with you, young lady! Were you able to protect my granddaughter?! No! Because SHE PROTECTED YOU INSTEAD! And, we're already on the edge of losing her BECAUSE OF YOU!"



"I—i'm sorry."



"No. You're never sorry."



"Sir, please...let me see her. Just once...please, at least once. I want—to see Mckendall...bago niyo man lang siya ilayo sa'kin."



"Enough is enough. Hindi mo na siya makikita pa. Can't you see? Tadhana na mismo ang naglalayo sa inyo dahil hindi talaga kayo para sa isa't-isa. Kalimutan mo na ang apo ko. Magsimula kang muli nang wala siya at maghanap ka na lang ng iba."



"Sir..."



"You heard me."



"I can never do that. Sa tingin niyo ba ganon lang kadali 'yon?! Mr. Mourff, you're—asking for an impossible! Apo niyo ang gusto ko. Mahal ko siya! Please—!"



"Yon nga ang problema, iha! Mahal mo lang siya, at nang dahil don nag-aagaw buhay siya ngayon! Anong magagawa niyang pagmamahal mo?! Naisalba ba niyan si Mckendall?! Hindi! Napahamak lang siya! Ilang beses ko pa bang kailangan ulitin na hindi kayo para sa isa't-isa?! Itigil niyo na ang kalokohang 'to! Tumigil kana!"



"Sir, you don't understand—!"



"I DO UNDERSTAND! Mas alam ko ang nakabubuti sa apo ko. At, hindi ikaw 'yon! Hindi kita gusto para sa kanya!"



_______________

"YOO!" Maagap kong nahawakan ang laptop na nasa lap ko nang muntik nang malaglag matapos mapabalikwas sa pagkagulat. Bumalik ako sa wisyo mula sa pagkalutang at napatingin kay Nikkie na nakatayo na pala sa harapan ko, magkacross ang mga braso. "Akala ko hangin na kausap ko eh. Kanina pa kita tinatawag, hindi mo 'ko pinapansin."



"What do you want, Nikkie? Kita mo namang nag-aaral ako," malamig na sagot ko sa kanya. Umupo ako ng maayos at walang anumang binalik ang atensyon sa screen kung saan may binabasa ako.



Kasalukuyan kaming nandito sa bahay namin ni Mckendall sa City Fine. Dito ako nag-aaral o kaming dalawa ni Amber kapag may kailangang pagtuonan ng pansin kagaya ng exam ngayong paparating na linggo. Lagi kaming nandito kasama ang panggulo na si Nikkie na walang ibang pinagkakaabalahan kundi kulitin kami. Hindi na ibinenta pa ng parents ko itong bahay kagaya ng napagdesisyonan nila. Nakumbinsi ko silang i-keep na lamang dahil may plano akong iparenovate ito balang araw. I really did everything to convince them as I can't afford losing this place. Ito na lamang ang meron akong alaala sa kanya. It's my safe haven. Our home.



"Talaga? May nag-aaral bang mas malalim pa sa balon ang iniisip? Tigilan mo nga ako." Naiiling na sagot niya saka tumabi sa'kin sa couch. Pinagmasdan niya ako. "Okay ka lang ba?" Sa halip na sagutin ang kanyang tanong, huminga lang ako ng marahan at tumango ng tipid. "Tch, of course you're not."



"Nikkie, I'm fine. Just let me study in peace. Mamaya na ako kakain."



"Winter, puro ka mamaya!" pagalit niya at kasunod nun ay ang kung anu-ano nang lumabas sa bibig niya. "Yoo, uso ang magpahinga. Bakit hindi mo gayahin si Amber na mas marami pa ang pahinga kaysa sa pagr'review na ginagawa? Alam niya kasing kaya niyo namang ipasa kung ano man 'yan. H'wag ka ngang mapagpanggap! Ang dami mong time para mag-aral. Bigyan mo rin ng time ang sarili mo. Burn out na burn out na kayo oh. Do things that can keep your body and mind moving nga di'ba?" Sabi niya pa. Hinayaan ko lang siya. Hindi ko siya pinansin dahil wala ako sa mood makipag-usap. Sanay na ako sa kadaldalan ni Nikkie. Kung noon naiinis ako pero ngayon parang wala na lamang. At isa pa, tama naman siya. Nakakaburn-out nga talaga. I know she's just concern about me kaya hindi ako kumukontra sa kakulitan niya. Kinuha ko ang isang libro sa tabi ko at pinatong sa keyboard ng laptop. I opened it and scanned the pages. "Oh, are you ignoring me? For real?! Yoo, kinakausap kita. Kakain na nga. Kanina ka pa nakaharap lang dyan sa laptop. Hindi ba sumasakit ang mata mo?"



LIVING WITH HER (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon