Chapter 32: Vague

30.1K 874 365
                                    

The wind gently blows my hair and whispered sweetly to my ears with her name when I heard that familiar soft and charming voice. My heart abruptly start pounding and skipped a beat. Parang sa isang pelikula, para bang sa isang kwento na nababasa lang sa isang libro...panandaliang huminto ang takbo ng oras kasabay ng aking paghinga nang maramdaman ang presensiya niya sa aking likuran.



Panaginip na naman ba 'to? Naisip ko agad.



Nakakapagod nang umasa. Ilang beses ko na siyang napapanaginipan at nakakatakot nang magising sa katotohanang...sa tuwing nakapikit ko na lamang siya nakakasama at nakikita.



It's me, Mckendall.



Then, there you go...her voice. Napapikit ako ng mariin. My heart is going crazy inside my chest and making me unable to breathe as a strong spark is kicking in. Mas malakas ang tibok ng puso ko ngayon kumpara sa normal na tibok nito noon sa tuwing kasama ko siya. Pinagbibigyan na nga ba ako ng tadhana? Tapos na ba ang matagal kong paghihintay? Tahimik ang lugar ngunit mas namayani pa ang katahimikan nang mangibabaw ang pangungulila ko sa kanya. My heart beat swallowed all the sounds my ears could hear and an echo conquered my consciousness when her name repeatedly played through my head.



I slowly gulped for an air. Dahan-dahan akong nagmulat ng mata para hindi na ako magulat kung sakaling kisame ng kwarto ko ang bumungad sa akin. Ngunit hindi, ang kakambal ko pa rin ang nasa harapan ko. His sight is fixed behind me. To someone behind me.



"Mckendall..." usal nito. Tumingin siya sa akin at mas ngumiti pa. And he's clearly happy for me. Mas natigilan lang ako. "Babalik muna ako sa loob. Solohin mo muna siya. Mag-usap muna kayo," sabi niya pa.



"T-twin..."



Sinundan ko ng tingin ang papalayo kong kapatid. Sa hindi malamang rason...may namumuo sa aking pangamba. Bakit ako kinakabahan? Mas parte sa akin ang excited at may parteng nag-aalangan. Ayaw kong madismaya kinaumagahan na nasobrahan lang pala ako sa tulog, at wala naman palang totoo sa mga nangyayaring ito. Baka nga ganon. What would I expect? Lagi namang ganito simula nang mawala siya sa tabi ko.



"What's his problem?" Narinig kong muli ang pamilyar na boses.



I gulped. That was really her voice. That soothing tone of her that I really missed and I've been longing to hear again.



Huminga ako ng malalim at dahan-dahang lumingon. Inaasahan ko na kagaya ng madalas mangyari sa panaginip ko'y bigla na lamang siyang mawawala pagharap ko at magigising na naman akong malungkot. But, this time...it didn't happen. Kung gaano kabagal ang pagpihit ko ay siya namang bilis ng pagpatak ng mga luha ko at pagragasa ng puso ko nang makita ang taong nasa likuran. A pair of confuse beautiful eyes met mine. By that, I know I'm no longer dreaming. Alam kong siya na itong kaharap ko. Ang taong hinihintay ko. Nandito na ulit ang mahal ko.



"Love..." I whispered faintly.



Hindi ako gumalaw, hindi ko pa magawa. I'm still overwhelmed. Tinitigan ko lang siya. Pinasadahan ko ng tingin ang bawat sulok ng kanyang magandang mukha. Her mesmerizing almond eyes with that intimidating angled eyebrows, her perfect celestial nose, rosy cheeks, and her perfectly shaped kissable lips. That's still the gorgeous fresh-faced I know. Mas gumanda nga lang siya ngayon. Sobrang ganda. Bukod doon, parang may nagbago na hindi ko matukoy.



LIVING WITH HER (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon