Chapter 7: She kissed me

42.1K 1.3K 429
                                    

"There she is."



Nagtago ng bahagya ang lalaki sa sasakyang nakaparada sa isang tabi nang makitang papalabas ng bahay ang panganay na anak ng mag-asawang Lacson, si Mckendall. Kagaya ng ilang araw na rin niyang ginagawa, nakamatyag na naman itong muli sa kanila.



Ilang araw na siyang nasa lugar kung saan nakatira ang dalawang dalaga. Nagbabantay, nagmamasid, at umaasang may makikitang kaduda-duda sa kanila. Ngunit bigo siya. Kung meron man siyang napansin yon ay ang ni minsan hindi niya pa nakikitang lumabas ng magkasama ang dalawa.



'Yun lang ang napansin ko sa ilang araw na pagsubaybay ko sa kanila pero hindi yun sapat at walang basehan para gumawa ako ng sarili kong konklusyon. Ang gusto kong impormasyon ay ang malaman kung may relasyon nga ba sila o wala.' Aniya sa kanyang isip. Ayon pa sa kanya at kagaya ng ipinangako, isang pabuya ang matatanggap niya kapag nagtagumpay siya sa ginagawa. 'Kapag nagkataon, maliligo ako sa salapi.' Napangisi siya sa isiping yon.



Agad na kinuha ng lalaki ang pagkakataong lumapit nang mapansin na palabas ng village ang dalagang Lacson. Isa ito sa mga pagkakataong hinihintay ng mga ito...ang makausap man lang ang sinoman sa dalawang dalaga. Nagbabakasakali na may makalap man lang na kahit na konting impormasyon.



"Magandang umaga!"



Hindi maitatagong nagulat si Mckendall sa biglang paglapit ng lalaki. Nangunot ang noo niya pero sa huli ay agad ding bumawi ng ngiti at nag-aalangang binati pabalik ang taong kaharap at hindi niya kilala. "Good morning. May maitutulong po ba ako?"



"Ah, ako nga pala si Russ. Your new neighbor. Diyan lang ako nakatira sa malapit. Kakalipat ko lang kahapon." Tango lang ang naisagot ni Mckendall pero may pagdududa nang namumuo sa isipan niya. "Uhm... gusto ko lang sanang magpakilala at para na rin makilala ko kayo bilang mga kapitbahay ko. Alam mo na...bago ako rito, mas maganda siguro kung...may kaibigan hehe."



Ngumiti ng sapilitan si Mckendall. "Kakalipat mo lang ba? Pero bakit matagal na kitang namamataan dito?"



Natigilan ang lalaki.



Hindi niya inaasahang ganon ang sasabihin ng dalaga. Hindi niya akalaing napansin pala siya nito sa palihim niyang pagmamatyag sa kanila unang araw palang noong lumipat ang mga ito rito. Hindi siya makapaniwalang napansin siya ng dalaga sa kabila ng lahat nang pag-iingat na ginagawa.



Napakamot siya ng ulo. Natagalan bago makaisip ng isasagot. "Ah ganon ba...a-ano kasi... naghahanap palang ako ng malilipatan noong mga araw na yon." Halos ay hindi na niya mahanap ang sariling dila para lang maituwid ang mga sinasabi.



"Wait lang, total gusto mong makipagkilala. Ako si Mckendall," pakilala niya rin. "I'm living with my fiance, her name is Winter. Wanna meet her? Kaso tulog pa siya. Maybe some other time?" Walang kagatol-gatol na sabi niya habang deritso ang tingin sa lalaki.



"S-sure! May ibang araw pa naman para makilala siya. Maganda ang bahay niyo ah," komento niya at nag-iwas ng tingin sa dalagang iba na ang dating ng tingin na ipinupukol sa kanya. Nararamdaman niyang pinagdududahan na siya nito.



"Thanks. It's simple and sophisticated, right?" Ngiting sabi ni Mckendall sabay sulyap sandali sa bahay nila bago muling bumaling sa lalaki. "Binalak mo bang dito sana lumipat sa bahay namin or may balak kang bilhin 'to?"



"Huh? Anong ibig mong sabihin?"



"Well...lagi kasi kitang nakikitang nakatingin dito sa bahay namin. Kahit kahapon nakatingin ka rin dito. Interesado ka ba o may kelangan ka?" Mckendall is smart enough to turn the table. Gusto niyang iparating sa kung sino man ang nag-utos sa taong 'to na hindi siya basta-basta. "Kung may tao lang na nagpapahanap sayo ng lilipatan, please tell him na h'wag dito at h'wag kami. This place is taken and...I know what's goin' on here."



LIVING WITH HER (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon