"I knew it! Sabi na nga ba eh, maaga kang aalis ng bahay ngayon."Tumaas ang kilay ko nang makita si Cyprixille na nakangisi paglabas ko ng bahay. Nasa loob siya ng kanyang sasakyan at nakasilip sa bintana habang pinapasadahan pa ng tingin ang bahay namin at tila may hinahanap.
"Baliw. Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko habang palapit sa kanya. "May laro ka ba ngayon?"
"Mm, wala. Gusto lang kitang i-support." She smiled cutely. Nailing ako at napangiti rin. Ang supportive naman nitong kaibigan ko. "Pinauwi ko na ang gwapo mong driver ah. Hop in!" She smirks.
Inikutan ko siya ng mata. "Paano mo pinauwi? Nilandi mo?" Natatawa kong tanong saka umikot sa harapan ng sasakyan niya para sumakay at umupo sa shotgun seat.
"Dinilaan ko siya."
"Kadiri ka! Ano ka aso?" Humalakhak ang lokaret. Siraulo talaga 'to. Nagka-award na naman tuloy siya ng matunog na hampas mula sa'kin "Anong oras ang game ni Ty? Hindi ko siya natanong." Pag-iiba ko.
"Nako, Kennybels. Sabay na naman ang game niyo. Hindi talaga hahayaan ni tadhana na suportahan niyo ang isa't-isa."
"Ganon?" Napasimangot ako. Nakakalungkot naman. Kahapon ko pa gustong mapanuod ang laro nila ngunit walang pagkakataon, hindi tugma sa nararapat ang schedule ng laro namin. Ang laro lang ni Cyprixille ang napanuod ko kahapon matapos ang laban namin against Jap. Nanalo siya. Siya pa ba. "I-cheer mo naman siya mamaya. Kahit hindi ka muna manuod ng game namin," sabi ko.
"Yes, ma'am. Yon din ang plano ko and besides...alam ko namang mananalo ulit kayo." Pabiro niya akong siniko at tinukso. "Sana lahat zero loses."
"Ikaw rin naman ah."
"Hindi ko pa kasi nakakalaban ang nambabato ng racket HAHAHA." Natawa lang din ako. Loka-loka talaga. "Ay, wait..." Bigla siyang huminto sa kalagitnaan ng gate palabas ng subdivision namin. May tinignan siya sa sideview mirror at pilyang ngumiti. Tumawa siya nang mapatingin sa mukha kong lukot sa pagtataka. Parang baliw talaga siya. "HAHAHA, akala ko artista. Security guard niyo pala. Pakilala mo naman ako, mosh."
"Ewan ko sayo. Umalis na tayo." Angil ko. Pasilip-silip siya sa side mirror hanggang makalabas ng village ang kotse. Totoo naman ang sinabi niyang gwapo ang guard namin. Actually, dalawa sila diyan. Parehong may itsura. Hindi pa nga ako makapaniwala noong una dahil mas mukha silang modelo. "Ang galing mong humarot pero wala ka namang jowa," sabi ko pa.
"Kennybels, anong nagawa kong kasalanan para atakihin mo ako ng ganyan ah?" Inihinto na naman niya ang sasakyan. Anong oras kaya kami makakarating sa pupuntahan namin? Naningkit ang mga mata niya sabay duro sa'kin. "Wait lang, Kenny. Ano nang balita? Ano na namang ganap sa bahay niyo?" Ayan na naman siya sa chika skills niya.
Alam ni Cyprixille at ni Tyrant ang lahat ng nangyari sa pagitan namin ni Winter. Alam nila ang ginawa kong pag-amin maging ang nasaksihan ko. Kahapon kung kailan opisyal nang naging sila...tinawagan ko ang dalawa at umiyak ako sa kanila. Inilabas ko lahat ng nararamdaman ko. Sinabi ko kung gaano ako nasasaktan. Sinabi ko kung gaano kahirap sa akin ang magpanggap na ayos lang at hindi ako naaapektuhan.
BINABASA MO ANG
LIVING WITH HER (COMPLETED)
Teen FictionFake relationship • devoid of any real love or emotional connection. ------- A bit cliche, but not really a typical love story. Have you heard of fake relationships? In the business world, it's ubiquitous. McKendall and Winter were used as a means o...