Chapter 5: Love is sick

38.6K 1K 422
                                    

Mckendall's.



Pagkatapos kong sabihin sa mommy ni taglamig ang plano kong ipaalam sa buong campus ang tungkol sa relasyon kuno namin ay agad din naman siyang pumayag, tuwang-tuwa pa nga. Alam ko namang sasang-ayon siya kaya naging madali lang sa'kin ang sabihin sakanya.



Kasalukuyan kaming nasa student lounge ni Prix dahil luckily absent ang professor namin kung saan may recitation sana kami at hindi ako nakapag-aral. Buti nalang talaga wala siya dahil kapag nagkataon baka masabon ako and that's a no, no. Isang malaking kahihiyan sa kagandahan ko.



Nasa kalagitnaan ako ng pakikinig sa chika ni Cyprixille nang magvibrate ang phone ko. Text na naman galing kay Jeon. Parang kanina lang nagtext din siya para ipaalam na hindi pa ngayon ang simula ng training ko dahil may importante raw silang lakad. Kung natutuwa ako na wala ang guro namin ngayon, mas nakakatuwa ang naging balita niya.



Nag-aalangan kong binuksan ang message niya na baka nagbago ang isip niya at hindi tuloy ang anumang agenda na meron sila ni Yunlee today sa halip training ang matutuloy. If that so, hindi ako papayag. Wala nang bawian yun!



From: Jeon

'Tomorrow exactly 8 o'clock at the rooftop of Demi Tower.'



Hindi naman pala binawi pero kumunot ang noo ko sa nabasa. Demi Tower? Seryoso ba siya? Ang alam ko isang pribadong gusali yun na pag-aari ng isang British. Anong gagawin namin sa high class building na yon? Sino namang matinong tao ang gagawing training ground ang ganong lokasyon? Mygosh. Hindi nga sila matinong dalawa.



'Dun talaga?' reply ko. Kung gaano kaikli ang reply ko, ganon din katipid ng pagsagot niya ng 'oo'.



Napailing ako.



Tsk. Bahala na nga.



"Tara na," kalabit sa'kin ni Prix.



"Saan?"



"Sa puso mo." Umasim ang mukha ko. Corny nito. "Hahaha, sa circle! Hindi mo ba narinig? May announcement daw. Sino ba kasing katext mo? Wala ka namang boyfriend."



Mabilis kong ipinasok sa bag ang phone ko bago niya pa tangkaing agawin. Inirapan ko siya at doon naman lumabas ang nakakaloko nitong ngiti, nang-aasar. Tumayo na ako at iniwan siya.



Nagsisimula na akong kabahan. Wala pa man, alam ko na ang announcement na mangyayari. Parang masyado akong nagpabigla-bigla ah. Pwede pa bang magquit? I changed my mind. Hindi ko alam na ganito pala ang idudulot na kaba nito sa'kin.



Ginusto mo 'to di ba?!



"May textmate ka, no?" Si Cyprixille na mabilis na sumunod.



"Che! H'wag mo nga akong itulad sayo!" Asik ko. Inismiran ko siya.



I wonder, ano kayang magiging reaksyon ni Cyprixille mamaya?



Tinungo namin ang circle kung saan madalas tinitipon ang lahat ng estudyante sa tuwing may announcement or overall meeting. Maingay at okupado na agad ang kabuuan ng lugar pagdating namin. Marami nang tao at may nagsisidatingan pa. Hinila ko si Cyprixille at nakipagsiksikan para makarating kami sa unahan malapit sa grandstand. Ang bilin kasi sa'kin kanina ni Ms. Yoon ay doon daw ako sa harapan kung saan tanaw niya ako during the announcement. Kaya siguro mas lalo akong kinakabahan dahil live announcement pala ito. Bakit kasi ganito? Hindi naman ganito ang ine-expect at hiniling ko ah. Hindi ba pwedeng...magpost nalang sa mga bulletin boards and billboards or sa broadcast ng school namin? Ang daming way para gawin ang announcement bakit sa ganitong paraan pa? Hindi maganda ang kutob ko. Sana hindi ko pagsisihan ang desisyong 'to.



LIVING WITH HER (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon