1 year later...
Alexianne/Alexis'.
It took over a year and finally the long wait is over. Nadelay nang nadelay ang paghihirang sa akin. Ang akala ko noong malapit na'y mas lumayo pa dahil sa pabago-bagong desisyon ng ama ko. Nagdadalawang isip siyang ipagkatiwala sa akin dahil sa maraming pagtutol at maraming reklamo niyang naririnig mula sa mga taong hadlang at ginagawa ang lahat para pigilan ako. It's just that...they can never win over me. I am better than they thought in the game they started.
Ang mismong araw na ito ang nakatakdang opisyal na paglilipat ng titulo ng paaralan sa ilalim ng pangalan ko, at ang tuluyang pagpapakilala sa akin bilang tagapagmana ng Paradise University. At the same day today, they will witness the mysterious owner of this place. Their question will be answered. Most importantly, they will know why I have been chosen? Why me out of those in higher ups?
Kasalukuyan akong nakadungaw sa bintana ngayon kung saan tanaw ang kabuuan ng campus. Wala akong makita kahit na isang estudyante man lang, napakatahimik ng paligid na kahit konting tunog ay wala kang maririnig. Nakakapanibago kung iisipin. Walang putok ng baril, walang nag-aaway, walang nagsisigawan, at walang biktima. Ngunit hindi pa rin ito ang katahimikan at kapayapaan na minimithi ko. Ito ang katahimikan na may dalang pangamba.
Sa malawak na Conference hall nitong paaralan gaganapin ang seremonya. Hinihintay ko na lamang ang hudyat sa paglabas ko. Nilingon ko ang salaming malayo sa aking kinatatayuan para pagmasdan ang repleksyon ko doon. Kitang-kita ang kabuuan ko sa black suit na suot ko ngayon. Inayos ko ang nectie ko at ngumiti ng tipid saka umismid.
Dadaluhan ng matataas na sangay ng paaralan ang seremonyang ito kasama ang mga; directors per divisions, presidents from different organizations, and most of all...the Mafia bosses. Inimbitahan ko rin si Mourff, ang aking lolo. At, nakiusap din akong isama niya si Mckendall para kahit papaano'y masagot ang kung anumang katanungan pa ang mayroon siya sa'kin. Iba ang araw na ito kung ikikumpara sa ibang araw na lumipas, malaya silang makakapasok ngayon at walang gagalaw o haharang sa kanila. Gusto kong masaksikan nila ang unang araw at ang simula kung saan may magbabago sa paaralang 'to sa pamamagitan ng mga kamay ko at sa ilalim ng pamumuno ko.
Sa kabilang banda'y ang bunsong kapatid ko'y hinayaan ko na lang muna lalo pa't masakit pa rin sa kanya ang kaalaman niya sa pagkawala ng aming ama. Ayaw kong mabigla siya sa mga impormasyong ito. This will be too much for her and I don't want her to overthink on any of it.
Umupo ako sa swivel chair at pinaglaruan sa kamay ang weapon pen. Napatitig ako rito. Ito ang bagay na araw-araw nagpapa-alala sa isa sa pinakamahalaga at pinakamamahal kong tao sa buhay ko, ang aking lola. Ang simpleng pen na ito ang minsan nang nagligtas ng buhay niya bago niya pa ibigay sa akin, at ang bagay na nagpapaalala rin sa'kin ng sakit na hindi man lang kami nagkita ulit bago siya nawala. Hindi ko man lang siya nakasama sa huling sandali niya.
Kung nakikita niyo man ako ngayon...gusto kong malaman niyong miss na miss ko na kayo at ayos lang ako rito. Salamat sa araw-araw niyong gabay sa akin. Naging mahirap man ang buhay ko nang nalayo ako sa inyo ngunit...siguro nga ito ang sinasabi niyong naiiba kong tadhana. Wala akong pinagsisisihan sa mga nangyari kahit pa naging mahirap para sa akin ang mga pinagdaanan ko dahil sa huli'y hinubog din ako ng mga karanasan ko. Kung may nakakapanghinayang man, 'yon ay ang sa sana kahit man lang papa'no nakasama ko kayo ng matagal. Sana...nakapagpaalam ako.
"Baby..." bumalik ako sa isipan. Napatingin ako sa tumawag. Nakatayo sa bungad ng kwarto ang napakagandang girlfriend ko sa suot niyang red dress. Napamalik-mata pa ako dahil tila nagliliwanag siya sa paningin ko. She's so beautiful. Magmumukha na naman akong bodyguard sa tabi niya. "Maganda ba?" Tukoy niya sa ayos niya.
BINABASA MO ANG
LIVING WITH HER (COMPLETED)
Novela JuvenilFake relationship • devoid of any real love or emotional connection. ------- A bit cliche, but not really a typical love story. Have you heard of fake relationships? In the business world, it's ubiquitous. McKendall and Winter were used as a means o...