I groaned as I opened my right eye upon hearing a weird noise. Naalala ko alarm ko pala yon. Kinapa ko ang phone ko na alam kong nasa kama ko lang din habang antok na antok pa.
I turned off my alarm. Gustuhin ko mang matulog pa'y baka madala ako at anong oras na naman ako magising. Gusto kong pumunta ng maaga sa mansyon. Ayaw kong paghintayin si lolo at baka magbago pa ang isip niya.
It's already eight o'clock—teka, alas otso na?! Napabalikwas ako para kumpirmahin ang nakikita sa screen ko. Did I just set my alarm at eight instead of seven? Ugh, Kendall!
"Naboang na." Natampal ko ang noo ko.
Inis sa sarili akong tumayo sa higaan at pumasok sa banyo para maligo. Muntik pa akong madapa sa sobrang pagmamadali. Hays, ang aga-aga! Mukhang hindi magiging maganda ang araw ko ngayon ah.
Patakto akong bumaba ng hagdan nang makalabas ng kwarto. Halos pagkasyahin ko ang thirty minutes sa pagligo at pag-aayos lang ng sarili kahit kulang na kulang yon para sa katulad kong matagal maligo. Wala mang sinabing eksaktong oras si lolo, gusto ko pa ring pumunta doon ng maaga, and besides may pasok ako sa school mamayang tanghali.
Naabutan kong nag-uusap si Butler John at taglamig sa sala. Sabay silang napatingin sa gawi ko nang makuha ko ang atensyon nila sa pagmamadali kong bumaba. Awkward ako napahinto at ngumiti ng pilit. Kagaya nitong mga nagdaang araw, hindi ko kayang salubungin ang mga mata ni Winter. Ang totoo, hindi namin kayang tumingin sa isa't-isa. Pareho kaming umiiwas, at tingin ko naman'y mas makakabuti yon sa aming dalawa.
Nagkabati na kaya sila ni Justine?
"Aalis kana? Magbreakfast ka na muna," sabi ni Butler.
"Dun na lang sa mansyon. Feeling ko kasi late na naman ako. Alis na ako ah." Paalam ko at tinungo ang pinto.
"Wala namang binigay na eksaktong oras si Don sir pero sige, ikaw bahala."
Ngumiti na lamang ako ng tipid at lumabas na. Hindi ko kakayaning magtagal sa loob ng bahay. Hindi maganda ang tensyon sa paligid.
_____________
"Kuya sure ka wala nang maibibilis 'to?" Tanong ko sa taxi driver nang mapansin na five minutes na lamang nine-thirty na. "Pwede po bang pakibilisan ng konti? Please."
"May speed limit tayo sa daan madam. Ito na ang pinakamabilis. Pasensya na."
Seryoso ba? Kung ganon, byaheng langit lang talaga magmaneho si Blake. Hay nako, bakit nga ba hindi ko naisipang magpasundo sa isang yon?
Napabuntong hininga nalang ako at sumandal na lamang saka tumingin sa labas ng bintana. Makakarating din naman ako doon, ano bang inaalala ko?
Napatingin ako sa bag ko nang magvibrate ang phone kong nasa loob. I took it out only to see a text message from my team captain, Sophie.
'Good morning. Where are you?'
Huh? Bakit niya tinatanong?
Binalik ko na lamang sa bag ang phone ko. Hindi ko naman siya marereplyan dahil wala akong load, considering na hindi naman talaga ako nagpapaload. Display lang ang mga simcards ko, walang kwenta.
BINABASA MO ANG
LIVING WITH HER (COMPLETED)
Teen FictionFake relationship • devoid of any real love or emotional connection. ------- A bit cliche, but not really a typical love story. Have you heard of fake relationships? In the business world, it's ubiquitous. McKendall and Winter were used as a means o...