Mckendall's."Naguguluhan ako," ang sabi ko kay Sophie.
It's lunch time here at school and we're sitting in the lounge. Wala akong mapaglabasan ng nararamdaman ko dahil busy si Cyprixille at ganon din si Tyrant kaya kay Sophie ko na lamang ibinahagi ang mga hinaing ko. Ikinuwento ko sa kanya ang tungkol kay Winter; ang mga ginagawa nitong pagpapadala ng bulaklak at pagkain, mga letters at kung anu-anong pakulo which includes announcing to the public that we are lovers. She did that recently kung saan nagalit na naman ako sa kanya. Hindi ko ito nagustuhan. May mga nasabi akong hindi maganda. I was thinking she did that to satisfy herself, na maybe hindi niya man lang inisip ang posibleng sabihin ng tao. Hindi niya man lang hiningi ang permiso ko bago gawin 'yon. As if papayag ako. Paano na lamang kung makarating 'yon kay lolo o kay mommy? Worse makarating pa kay Drake. Ibinahagi ko rin kay Sophie ang mga panaginip ko, ang pakikitungo sa akin ni Winter doon, kung gaano ito kamaldita sa akin, at maging ang ginawa niyang paghalik sa'kin noong una naming pagkikita. In short, lahat ay sinabi ko at wala akong itinira ni katiting na detalye dahil gusto kong marinig ang komento niya ukol dito.
"She's crazy," dagdag ko.
"She is." tugon niya. Tumingin siya sa'kin, kunot na kunot ang noo. "She did that? She kissed you and...said those hard to believe stuff?"
"Y-yeah."
"How did you react?"
Nagbaba ako ng tingin. "Nagalit ako sa kanya, hindi ako naniniwala. Kaso...she's so persistent tapos close pa sila ni Ashlieh kaya naguguluhan ako, like what if...nagsasabi siya ng totoo? Hindi naman ako pwedeng magtanong sa kapatid ko dahil bukod sa laging limited ang sagot niya, alam kong natatakot siyang sabihin sa'kin lahat." Mahabang sabi ko. Huminto ako sandali at sumandal. "Naintindihan ko naman siya dahil maging ako'y natatakot din sa posibleng mangyari."
Alam ko rin na ang ginagawang pag-iwas ni Ashlieh sa mga tanong ko'y para rin sa'kin.
"Anong gagawin mo kung sakaling nagsasabi nga siya ng totoo?" Tanong niya na hindi ko nasagot. Minsan nang sumagi sa isipan ko ang tanong na 'yan at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung ano bang gagawin ko kung sakaling ganon nga ang sitwasyon. Pipiliin ko ba siya o kakalimutan na lamang at magsisimulang muli sa lalaking pinapasok ko sa buhay ko? "I don't know Ku that much since we...are some sort of enemy," she said. Napatingin ako sa kanya na nakasandal na rin at nakatingala sa kisame. "Langit siya, langit din naman ako. Pareho kami ng kinatatayuan ngunit hindi kami magkasundo dahil magkaibang-magkaiba kami sa lahat ng aspeto. She didn't know that she was once an interesting person for me...not until she started butting into my business, and not until I found out that she's also homophobic which turns me off."
Naalala ko ang nangyaring sagutan sa pagitan nila roon sa condo unit ko. So, I asked. "She was...homophobic?"
"She IS homophobic!" diin niyang baling sa'kin, emphasizing it. "That won't ever change, Apo ni Mourff."
I don't...think so.
For me, it's a matter of understanding. Minsan kailangan mo lang ipaliwanag sa isang tao ang mga bagay na hindi nila maintindihan, hindi nila matanggap o mga bagay na bago sa kanila. It takes time for them to get used to it, at sa tingin ko'y ganon naman talaga. We all need time for new things, for us to learn and familiarize it. Kung sakaling hindi pa rin nila makuha pagkatapos ng lahat ng ginawa mo for them to get it, then they are the problem, not you. At least you tried to educate them and your job there is done even though it's not really your responsibility in the first place to explain yourself to them.
BINABASA MO ANG
LIVING WITH HER (COMPLETED)
Teen FictionFake relationship • devoid of any real love or emotional connection. ------- A bit cliche, but not really a typical love story. Have you heard of fake relationships? In the business world, it's ubiquitous. McKendall and Winter were used as a means o...