Chapter 9: It seems odd

38.3K 1.2K 795
                                    


"Sinong kasama mo rito sa inyo?"



Ubos ang pasensya akong napabuntong hininga. Kung anong dedma ko sa kanya ay siya namang mas naging daldal niya. Hindi man lang nauubusan ng sasabihin. Kanina pa ako naaalibadbaran sa lalaking 'to, ang secret bodyguard slash fake boyfriend na gustong ipabuntot sa'kin ni lolo.



Hay nako!



"Ahh...fake fiance mo nga pala kasama mo."



"Oo, kagaya mong fake boyfriend. Sa susunod hindi mo ako kelangang ihatid dahil kaya ko naman ang sarili ko! Baka may makakita pa sa'tin at kung ano pang isipin sa'kin. May fake fiance na, may fake boyfriend pa!" Reklamo ko.



"Sumusunod lang po ako sa utos, ma'am." Matamis siyang ngumiti na mas lalo kong ikinairita. Gwapo sana 'to kaso hindi ko rin type. Ano nga bang type ko? "Hayaan mo lang ang sasabihin ng iba. Ako naman to, isang Blake Winsley. Masanay kana dahil sasanayin kita," he winks.



Akala niya ba nakakakilig yon?



"Okay...Blake. Blake, huh?" I snorted. Tinuro ko ang bahay namin. "Ayan yung bahay namin oh! H'wag mo na akong sunduin bukas. Hindi na kailangan."



"Hindi pwede. Hindi papayag ang lolo mo, babe."



Hindi makapaniwala akong napasinghap. What the! BABE?! EW. Hindi ko magawang magsalita sa pagkapuno. Sumasakit lang ang ulo ko. Embes na sumagot, bumaba na lamang ako dahil baka kung ano pang masabi ko.



"Wala bang thank you, babe?" Pahabol niya pa habang nakadungaw sa bintana.



"Thanks!" Sarkastiko kong sagot at mataray siyang tinalikuran. Narinig ko pa ang mahina niyang pagtawa na ikinairap ko. Nagwawala ang kaibuturan ko sa ginawang 'to ni lolo.



Padabog kong sinara ang pinto nang makapasok. Napasandal ako at napahingang malalim. Whoo! "Nakakainis talaga!"



"Sinong kaaway mo?"



"Oh sheee——!" Muntik na akong atakihin sa puso nang may bigla na lamang nagsalita. "Xenon!!!" Sigaw ko at pinaghahampas siya. Badtrip na nga ako, ginulat niya pa ako. "Aatakihin na talaga ako sa puso!"



Mamamatay talaga ako ng maaga dahil lang sa gulat, kaloka.



Natawa naman siya. "Sorry naman po. Galit na galit? Haha, what happened?"



"Hay nako, long story. Bakit ka nga pala nandito? Para patayin ako sa gulat?" Sarkastikong tanong ko. Hindi pa rin nawawala ang pagkairita ko at mukhang mandadamay pa ako. Ugh, Mckendall. Kumalma ka nga!



"Wooh! Chill, dude. Masungit kana rin ngayon? Is it because...hmm..." makahulugan niya akong tinignan. Tumaas lang ang kilay ko. "Nahawaan kana ng kapatid ko?" Saka siya tumawa ng malakas. Tinignan ko lang siya. Napailing ako. Ang lakas ng tama niya. "Ehem. Ang seryoso mo naman. Nag-away ba kayo? Saan nga pala siya, si twin? Kumusta kayo?"



"Dami mong tanong. Umuwi siya sa inyo, dun daw matutulog. Hindi ba kayo nagkita dun?"



"Nope. Kagagaling ko lang sa bahay. Wala pa siya dun." Nag-ikot siya ng tingin sa kabuuan ng bahay namin at nagpalakad-lakad. "Hindi naman ako umalis ng bahay kanina. Maybe she's with her friends. They hang out."



LIVING WITH HER (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon