Chapter 37: Winter's season

34.9K 979 778
                                    

Author's note: This chapter is the turning point, I'll be wrapping up the story from here. I just want to give a heads up na medyo komplikado 'to since I love making things complicated and confusing you guys hahaha. At bilang nahirapan din ako sa build up nito, I made a little changes sa alignment before ending. Balikan niyo na lamang ang chap na 'to kapag bigla kayong nalito hahaha.

Ps. I'm tired of happy endings. Chour.

_______________
__________________

Tyrant's.



NEIGHBOR's dogs are barking, tires screeching like there's a race somewhere , sirens blaring from a distance, and unknown random voices conversing around. That's what exactly I imagined, but this night turns out to be strangely inharmonious. Hindi ako sanay sa mga ganitong tahimik na kaganapan sa tuwing nandito ako sa labas bilang hindi pangkaraniwan, hindi bilang si Tyrant Weck na isang Engineer at young investor. I'm here as a concealed agent. A secret guardian.



I looked down at my watch and stared on it's long hand...slowly pointing at each number. Hindi ko inalis ang atensyon dito habang papalapit nang papalapit sa numero na siyang alam kong magiging sanhi ng pagtunog nito. And, it did. The alarm I set beeped. Dinala ko ang aking tingin sa gate kung saan walang pinagbago ang paligid magmula pa kanina nang una kong idako ang tingin doon.



"It's taking way too long," I drawled.



Time check, 10: 42 pm.



Nandito ako ngayon sa loob ng aking sasakyan na nakaparada sa labas, hindi kalayuan sa entrance gate ng City Fine, ang subdivision kung saan nakatira noon sina Winter at Mckendall—ngayon ay isa na lamang sa kanila. I know. I'm spying again, fellas. Sa katunayan ay kanina pa ako nandito at baka dito na lamang ako magpalipas ng gabi dahil mukha namang aabutin ako ng umaga sa ganito katahimik na lagay ng lugar. I'm completely invisible here in my chosen spot, I shut my car off to be completely unnoticeable and I set up a monitoring system nearby if in case someone sneak around to surprise me to death.



Si Arquiles ang dahilan kung bakit ako nandito. Naging mainit siya sa mga mata namin ni Cyprixille nang malaman namin na konektado siya sa organisasyong Blacklist, ang organisasyon kung saan marami kaming alam na kahina-hinalang tao na parte ng samahang iyon. Ang samahan na matagal na naming pinag-aaralan ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin namin alam kung para saan. Too private to be accessed, too protected to be cracked, too mysterious to be known. Arquiles' tattoo code on his ankle could mean that he's one of them dahil minsan na naming nakita ang markang 'yon kung saan. So, we know that that means something too. If not, then what else could it be? We can't even give him the benefit of the doubt because we're just so sure. So, eventually, we decided to change our plan. Ito na ang huling beses na bubuntot kami sa kanya na siya sanang parte ng plano para malaman ang tunay niyang pakay kay Winter, but we kind of underestimated him. Mailap siya. He acts so impulsive, careless, and being too transparent, yet he managed to hide his real identity as a person behind. He knows what he's doing. May iniingatan siya sa likod ng bawat galaw niya. Pino, puro, matalino, at pinag-iisipan. For us that means—hindi basta-basta ang napili naming kalabanin. Pwede rin namang mali kami ng binangga ni Cyprixille.



Either of the two, we need to caught him in act dahil sa huli...alam naming si Mckendall pa rin ang puntirya nila.



Sinulyapan ko ang laptop na nasa tabi ko, sa passenger seat. I hacked the community's security system to check the CCTV footage. Gusto kong malaman kung may kakaiba ba sa lugar na ito nitong nakalipas na bente-kwatro oras. Sa nakikita ko ngayon, mukhang normal pa naman. I'm not yet half through it kaya alam kong may mabibingwit ako sa mga footages na ito.



LIVING WITH HER (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon