(Alternative 40: The continuation...)
"Sure ka bang gusto mong pumunta rito, Kenny?"
Matapos naming maihatid si Nikkie sa kanila'y nakiusap ako kay Cyprixille na dalhin ako sa isang lugar na matagal ko nang gustong-gusto puntahan simula nang bumalik ang alaala ko. Ang abandunadong lugar na ilang taon din naging usap-usapan sa media, ang nag-iisang lugar na saksi sa buong nangyari tatlong taon na ang nakakalipas.
Bumaba ako ng sasakyan.
The place is still the same, abandunado pa rin; ang kaibahan...mas tahimik ito ngayon kumpara noon. Ang mga lumang gusali noon, wala na sa paningin ko ngayon, at tanging bakas na lamang ng mga pinagtayuan nito ang natira sa paligid. Wala na ring mga puno na dati ay nagsisilbing panakip pa nitong buong lugar; nilinis nila ito, wala silang iniwan ni isa. Wala na rin ang mataas na sementong bakod, pinalitan nila ito ng stun-lethal electric fence na kahit sino ay hindi gugustuhing hawakan. May malaking warning sign din na nakapaskil at nagsasabing mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok at paglapit ng tatlong metro mula sa fence, may puting guhit silang inilagay sa lupa bilang sukat at palatandaan. Hindi ko akalain na ganito na ito ngayon. Wala man ni isang gwardiya ang nakabantay sa lugar, hindi ka naman makakalusot sa kaliwa't kanan na CCTV cameras. It's all over the place. No one would even dare.
"Government property na ba 'to ngayon?" Tanong ko kay Prix.
"Ang alam ko hindi." Lumapit na rin siya at tumabi kung saan ako nakatayo. "Someone bought it. Naging news headline pa nga pero hindi naman binanggit kung sino," sabi niya pa habang nasa loob din ang tingin. "It actually beats me, like paano siya nabenta? Sinong nagbenta?"
"What do you mean?"
"Your Tito Henry was the first owner of this place, right? Kung wala na siya, paano naibenta 'tong lugar? May secretary ba siya or caretaker nito?"
"Maybe." Tumingin ako sa isa sa mga cameras. "Baka si Ate Alex."
"Yan din inisip ko nun pero sabi niya wala raw siyang nakuha ni ano mula sa tito niyong matanda."
"Hindi ko alam ah..." humalukipkip ako at tumagilid ng bahagya kay Prix, "pero curious din talaga ako kung sino ang bumili nito," mahinang dagdag ko. "At sinong matinong tao na maglalagay ng magkakadikit na CCTV? Hindi ba sila malilito kapag ni-review nila."
"Baka may nakabaon na ginto sa loob kaya ganyan kadami." Muli akong tumingin sa isa sa mga camera dahil nab'bother ako. "H'wag kang mag-alala, 'di recorded 'tong pagbisita natin ngayon. Pabigla-bigla ka kasi, buti na lang kamo ay dala lagi ni JB ang laptop niya nang itext ko siya."
Nangunot ang noo ko sa pagtataka. "JB? Kailan mo pa naging tropa si Justin Bieber?"
"Hindi 'yon. Si Johnny Bravo." Lumapit siya at bumulong. "Si Tyrant. Code name niya yon."
My frowned even more. "Kailan pa kayo nagkaroon ng code name?"
"Kamakailan lang. Lagi niya kasi akong natatawag sa name ko. So, since matalino ako, I thought about having a code name kapag nasa labas kami for business," proud pa siyang nagtaas baba ng kilay. "Walang palag 'yon sa'kin kaya pumayag sa Johnny Bravo."
BINABASA MO ANG
LIVING WITH HER (COMPLETED)
Fiksi RemajaFake relationship • devoid of any real love or emotional connection. ------- A bit cliche, but not really a typical love story. Have you heard of fake relationships? In the business world, it's ubiquitous. McKendall and Winter were used as a means o...