Chapter 33: Fall for me again

33.5K 894 519
                                    

Mckendall's.



"ATE KO!!"



"What the fu—!" Bulalas ko at agad ding natigilan. Nabitiwan ko ang kutsarang hawak ko dahil sa gulat. "Ashlieh!" Asik ko. Tumawa lang ang lokaret. "Aatakihin ako sa puso dahil sayo eh."



"Paano ba naman, ate. Feeling ko wala ka rito."



"Ha?"



"Kanina pa ako nagsasalita rito, hindi ka naman pala nakikinig. Tinatanong kita tapos tulala ka diyan. Hindi mo pa nga nagagalaw 'yang pagkain mo oh," sabi niya pa. Nagbaba naman ako ng tingin sa pagkain ko at wala pa nga itong bawas. "Kagabi ka pa parang wala sa sarili. Ano bang nangyari sa date mo kahapon at umuwi kang ganyan?"



"Anong ganyan?" I frowned.



"Ganyan!" Duro niya sa'kin gamit ang hawak niyang tinidor. "You're spacing out, ate. Ang lalim ng iniisip mo."



"Wala akong iniisip," kaila ko.



"Maglolokohan pa ba tayo rito, ate?"



Napamaang ako sa naging tugon niya. "Wala nga akong iniisip! Kung makipag-usap ka sa'kin, feeling ko mas ahead kana eh." Pumalatak ako at nagsimula na lamang kumain. Hindi ko rin alam kung bakit bigla na lang akong nawawala sa wisyo. Sus, hindi mo ba talaga alam o nagmamaang-maangan ka? Hays, either way hindi ko pa rin sasabihin. "Finish your food. May pasok ka sa school 'di ba?"



"Hehe," she faked a laugh and made a poker face. "Kanina pa ako tapos kumain ate at mamaya pa ang pasok ko sa school. Babalik pa nga akong mansyon eh. Pero sagutin mo muna 'yung tanong ko."



Nagpatuloy lang ako sa pagkain. "Ano bang tanong mo?"



"Anong nangyari sa date mo kahapon? Kwento mo naman. May nangyari bang hindi maganda kaya ang aga mong umuwi?"



Mabilis kong nalunok ang sausage na ngunguyain ko pa lang sana dahil bigla na namang sumagi sa isip ko ang nangyari kahapon. Pambihira! How to forget about that?! Agad akong napainom ng tubig saka sinagot ang tanong ng kapatid ko, ang kapatid kong nakataas na ang kilay ngayon at nakatingin sa akin ng mapanghinala.



"Okay naman. Kumain lang naman kami roon. May business meeting pa kasi siya kaya hindi rin kami nagtagal." Turan ko. Hindi naman ako nagsisinungaling sa part na 'to. "It was great. Maganda ang lugar."



The date went well naman talaga. We managed to talk about what happened to our day despite of what happened before he got in there dahil nauna ako sa kanya. I don't like keeping secrets to him pero sa tingin ko'y hindi na niya kailangang malaman 'yon. Baka nagkamali lang talaga ang babae. Baka lasing lang or...who knows baka baliw lang talaga.



"Sure ka ba dyan?" I nodded. Hindi ko rin sasabihin sa kapatid ko ang nangyari dahil baka kung anong isipin niya. Kakaiba ang takbo ng isip ni Ashlieh at hindi na ako magtataka kung mas paniwalaan niya pa ang side ng babaeng 'yon kaysa sa akin, at ayaw kong isipin niya na sumusunod na ako sa yapak ni Ate Alex. Hindi naman sa ayaw ko pero alam ko sa sarili kong lalaki ang gusto ko. "I doubt. Pero sana kasi hindi na kayo nag-Tagaytay. Nagsayang ka lang ng gas. May Starbucks naman dito sa malapit ah."



LIVING WITH HER (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon