Chapter 18: When it hurts

39.7K 1.3K 487
                                    

Mabilis na lumipas ang mga araw. Bumabalik na sa dati ang unibersidad at unti-unti nang umaangat. Nakakalungkot man isipin sa parte ko na matatapos na ang sitwasyon na mayroon kami, ang sitwasyong nagugustuhan ko na at hinihiling na sana magtagal pa, ngunit hindi na maaari. Sa tingin ko nga ay hindi ko na kakailanganin pa ang tulong ni grandad para mapabilis ang proseso.



Nagiging maayos na ang lahat maliban lang sa amin ni Winter. Things between us are getting more complicated and confusing. There would be a day that we're fine like friends or her, faking the girlfriend role, doing sweet stuff and all. Getting jelous with Sophie or anyone else she thinks flirting with me. The next day, we're strangers again. I'm a stranger again. That's what I don't like about her. And I hate the fact that I just let her play with my feelings. Alam kong naguguluhan siya pero hindi naman tamang paglalaruan niya rin ang nararamdaman ko.



Hindi niya ba alam na nasasaktan din ako? Is she doing it on purpose?


Took almost a month bago kami tuluyang nakabalik ng bahay. Napag-alaman na ang kanang kamay nga ni lolo na si Joseph ang nag-utos sa dalawang lalaki na sumugod sa bahay para ipapatay ako. Matagal nang nagsususpitya si granddad sa tauhan niyang 'yon. Alam niyang tatraydurin siya, at yon ang bagay na kinasusuklaman niya. Ayaw ng lolo ko sa taong traydor. Hindi ko lubos maisip na darating ako sa puntong ito kung saan manganganib ang buhay ko at madadamay pa ang mga malalapit sa akin. Hanggang ngayon hindi pa rin alam ang dahilan o ang plano ni Joseph kahit nasa mga kamay siya ni lolo. Hindi pa rin siya nagsasalita o umaamin tungkol sa nangyari. Tila ba may pinuprotektahan siyang mas makapangyarihan. Kung sino man yon, iyon ang taong kailangan naming iwasan. Doble ingat na ako ngayon sa bawat kilos ko lalo pa't alam kong ako ang habol nila.



Ano bang meron sa'kin para maging target nila? May nakakaalam na ba?



"Woy! Lutang ka na naman." Sinamaan ko ng tingin si Cyprixille na bigla na lamang ako siniko. "Tawag ka ni sir, gaga." Nguso niya sa pisara.



"Gaano ba kalalim yang iniisip mo Ms. Lacson? Hindi ka mahal non kaya tigilan mo na yan." Prangka at walang pasensya na sabi ni Sir Balendo.



He's just trying to joke around but, he hit it right. Nagsitawanan ang mga kaklase ko at ang iba'y kanya-kanyang react pa. Malamang hindi magpapahuli ang magaling kong kaibigan.



"Ouch yon, mosh. Hindi ka naman spanish pero ba't parang ang hilig mo sa spain?" Bungisngis ni Cyprixille. "...silent s."



"Ayan oh, kitang-kita. Kapag usapang kalokohan ang active niyong lahat pero kapag tinawag at pinasagot wala na kayong mga bibig!" Nanahimik sila. Nauwi na naman sa sermon si sir. Nakakaloka. "Ilan lang sa inyo rito ang iniisip kong interesado sa klase ko. Anong bang mahirap sa math?"



"Lahat," mahinang sagot ng lalaking nasa likuran ko lang nakaupo. Hindi na yon narinig pa ng aming guro.



"Mckendall, please answer question number four and explain. I want you all to listen and pay attention to her!"



Omg! Me na naman?



Nastress ako ng very light sa binigay sa problem pero naitawid naman. I just don't like explaining, like how did I come up with that certain solution where obviously I just followed the given formula. Hindi ko pinapahirapan ang sarili kong mag-isip at magpaligoy-ligoy kung may susundan naman. You just have to think logically, I guess.



LIVING WITH HER (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon