Chapter 12: You Love who? ILY

33.3K 1.1K 322
                                    


"Have you seen, Lacson?" Tanong ko sa isa sa mga kaklase ni Mckendall.



"Ah si Kend? Wala siya rito. Minsan na lang siya pumasok."



My brows furrowed. "What do you mean minsan na lang?"



Kanina pa ako palakad-lakad sa campus para hanapin siya only to find out that she's not around. Tama nga ang hinala ko na hindi siya pumapasok. Kailan pa siya natutong umabsent? Hindi ko lang siya naisabay kanina dahil sinundo ako ni Justine kaya nakalusot ang loka. I can't even ask her bestfriend dahil baka magsumbong sa kaibigan niya at isipin ng babaeng yon na masyado akong concern. Bakit hindi ba? Hindi. Naiinis lang ako kung bakit wala siya. Ano na lang ang sasabihin ng magulang niya.



"Hindi ko rin alam pero baka alam ni Cyprixille." Sagot niya pa.



I nodded. Hindi ko alam kung bakit ako nahihiyang lumapit sa kaibigan niya. For sure alam non ang tungkol sa fake relationship namin ni Lacson. Ayaw kong pagtsismisan nila akong dalawa dahil sa paghahanap ko sa kanya ngayon.



Napagpasyahan ko na lamang pumunta sa office ni mommy kaysa hanapin ang taong missing in action. Napapansin ko nga na iniiwasan niya ako. Hindi na siya kagaya ng dati na sinasabayan ako sa kasungitan, madalas na siyang tahimik at hinahayaan lang ako kaya hindi na rin kami nag-aaway pa. Minsan na lamang siya magsungit at pumatol sa mga sinasabi ko. Kung dati'y binibigyan niyang pansin kahit maliliit na bagay na ginagawa ko dahil sa inis, ngayon naman ay papansinin niya lang ako sa tuwing ginagabi ako ng uwi. Magtatanong lang naman kung bakit ako ginabi.



Alam ko namang nag-aalala siya at gusto ko yon. Gusto kong may pakialam siya sa'kin. Gusto kong concern siya.



"Hi mom!" bati ko pagpasok. She's busy facing on her computer. Ngumiti lang siya pagkatapos akong sulyapan at binalik ang atensyon sa ginagawa.



I sighed. I leaned my back on the swivel chair. Saan kaya pumunta si Lacson? At bakit hindi na siya pumapasok?



"May problema ba?" Mom asked.



"Have you seen Mckendall?" Sulyap ko sa kanya.



Napangiti si mommy sa naging tanong ko. Napaangat siya ng tingin at itinigil muna ang ginagawa. "Nope. Baka may klase. Why?"



"Wala siya. She's nowhere to be found. Hindi na raw siya pumapasok but she's wearing her uniform when she left earlier."



"I see," she nodded that made me furrowed. "So, bakit nga? Bakit mo siya hinahanap?" And now, she's restraining her smiles. Hindi ko na lamang binibigyang pansin.



I looked away. "Nothing. Hindi ko kasi siya naisabay pumasok."



"Sinasabay mo na siya?!" gulat na tanong niya. Tumango naman ako. Ilang beses na rin at puro sapilitan pa sa sobrang arte ng babaeng yon. "Nag-aalala ka siguro sa kanya," nakangiting dagdag ni mommy.



Halos magdikit ang mga kilay ko dahil sa narinig. Napaupo ako ng maayos mula sa pagkakasandal. "No...I——uhm. I don't know. I'm not worried mom, okay? Why would I, anyway?!"



Mas lalo lang siyang natawa sa narinig na sagot mula sa'kin. She shakes her head gently. Biting her lower lip to hold back her smile. "Okay, honey."



"Whatever, mom."



Bumalik ako sa pagkakasandal at inikot ang upuan. I feel exhausted, mentally exhausted. Kinuha ko mula sa bulsa ko ang cell phone ko, and I groaned when I realized I don't have her number. Ayaw ko rin namang hingin ang number niya at baka isipin niyang gusto ko na siyang maging friend. Manyak na nga, assuming pa. I still hate her and I don't want to be friends with her.



LIVING WITH HER (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon