Chapter 2: Never be in good terms

62.5K 1.3K 349
                                    


McKendall's.



It's honestly a good day for those who had a good sleep but, not me. This will be another dull and boring day. Hindi pa man nagsisimula ang araw, ramdam ko na ang katamaran ng katawan ko.



Why do some mornings feel like this?



Maaga akong nagising para pumasok, kunwari'y masipag na estudyante sapagkat yun naman ang iniisip ng lahat sa akin. Hindi nila alam, napapagod din akong mag-aral. It's not like, magiging presidente ako in the future para magsipag ako at pagbutihin ang lahat. Kung wala lang akong pangarap na kailangang abutin baka matagal na akong sumuko. I'm physically and mentally exhausted, for real.



Ba't ang drama ko?



Because life is making me so dramatic.



Humarap ako sa salamin. Kumunot ang noo ko nang makitang hindi maganda ang guhit ng mukha ko ngayon. Hindi ko maipagkakaila sa sarili na iritado na naman ako, iritado na agad nang kay aga-aga. Alam kong sarili ko lang ang pinapahirapan ko kaso hindi ko mapigilan. Hindi talaga nakabubuti sa'kin ang taglamig na 'to. Hindi panahon ang tinutukoy ko, tao, tao! Palibhasa'y hindi nakatira sa kanila kaya kung saan-saan na lamang pumupunta. What am I complaining about? Umuwi lang naman kasi siya ng hating gabi at hindi man lang inabisuhan si nanay. Sa huli, ako na naman ang nagsuffer dahil hinintay ko siyang umuwi.



Sana nga hindi na siya umuwi o di kaya sana pala'y sinaraduhan ko nalang. Doon sana siya sa labas natulog. Tapos pagdating dito siya pa ang may ganang magalit. Ugh! Ang sakit niya sa ulo. Tutubuan ako ng ugat sa leeg dahil sa kanya!



Kendall, payag ka bang sirain niya lang ang araw mo ng ganyan kadali?



No! Pero iniisip ko pa lang siya...sirang-sira na ang araw ko!



To ease my morning frustration, naligo na ako and do my almost 30 minutes beauty rituals. One of the reasons kaya maaga ako kung gumising ay itong pagstay ko ng matagal sa banyo, like kulang nalang dito na ako tumira. Ganito talaga kapag maganda ka. Bakit ba ang hangin ko ngayon? After that, nagbihis na ako at isinuot ang aming department uniform na nagiging maganda lang kapag ako na ang may suot. Nasa nagdadala kasi yan. Kasalanan ko bang ang ganda ko kahit anong isuot ko?



Mayabang akong ngumiti sa sarili ko sa salamin matapos magbihis. "Muntik na kitang hindi makilala," sabi ko pa.



Inayos ko ang style ng buhok ko. Sinuklay ko ang may katamtamang haba nito na hanggang balikat at nilagyan ng kulot sa dulo. Inayos ko rin ang necktie ko na maluwag na nakatali para naman makahinga pa rin ako and to look more cool. Tinitigan ko ang sarili sa salamin, tinaasan ng kilay at saka nginitian. Nang makontento, dinampot ko na ang laptop kong nakapatong sa kama saka lumabas.



"Morning, nay." Bati ko kay nanay na naghahain ng agahan. Bumuntong hininga muna ako saka naupo at nangalumbaba.



"Good morning." Natatawang bati niya rin nang mapansing hindi na naman maganda ang awra ko. "Bakit ka nakasimangot? Ang aga-aga nakabusangot kana ng ganyan."



"Paano ba naman kasi, nay...yung magaling nating kasama rito sa bahay," halos pabulong kong sabi sa pagtukoy sa kanya. "Alam niyo po bang hating gabi na siya uwuwi? Tapos ang nakakainis pa, hindi man lang siya nag-obligang magpaliwanag. Kaya ito, sira na naman ang umaga ko dahil sa kanya."



"Bakit ako magpapaliwanag? I have nothing to explain to you!" Isang masungit na boses mula sa likuran ko. Hindi na ako nag-abalang lumingon. Alam naman nating lahat kung sino 'to. Napairap na lamang ako. "Again, it's none of your business!" Pagbibigay diin nito.



LIVING WITH HER (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon