Chapter 17: Saving u 'coz ily

49.2K 1.4K 767
                                    

Mckendall's.



Dalawang linggo na ang nakalipas matapos ang tournament, and back to basic na ako; pag-aaral na naman ulit ang iniintindi. Nakamove-on na rin agad ako sa mga kaganapan noong paligsahan, at isa lang ang natutunan ko...you can't win a game on a play that doesn't exist in the field. Kahit gaano pa kagaling o kahit gaano niyo pa kagustong manalo kung hindi naman talaga laro ang hangad ng inyong kalaban...your effort will just be wasted. But it's not about winning, though. If you were playing an unfair game, make them realize that they could never beat you in a real play because you were stronger than them in the ground. Just slay and slap their pride—manalo man o matalo.



Dahil nakakahinga pa ako ngayon at buhay na buhay, I'm assuming that Paradise got so disappointed and devastated about it. Alam kong hindi basta basta magtatapos sa court ang lahat, hindi nila ako tatantanan. They didn't get the satisfaction they wanted. Buhay ako, doon sila talo. And to make it short, their so called 'game' was not over yet.



(Phone's ringing...)



Today is Friday. Nakahiga lang ako ng tuwid sa kama habang nakatulala sa kisame. Bumabalot pa rin sa buong kaluluwa ko ang antok. Tanghali na at nakahilata pa rin ako. Kakagising ko lang matapos kong magpuyat kagabi dahil sa research paper naming next week na ang pasahan. Kahapon lang ipinaalam ng magaling kong kaibigan ang tungkol dito kaya ayon ako't nagmamadaling inumpisahan ang gawain kagabi hanggang sa abutin na ako ng madaling araw.



Wala sa sarili kong inihilig ang ulo sa gawing kanan para tignan ang cell phone kong nakapatong lang din sa kama katabi ko at walang tigil ang pagtunog. Gamit ang kanang kamay, sinagot ko ang tawag nang hindi man lang tinitignan kung sino. I put it on a loudspeaker as I bring my gaze back on the ceiling.



"Kenny tapos ka na ba sa topic mo?" Yon agad ang bungad niya. Sino pa nga ba? Wala naman akong ibang maingay at madaldal na kaibigan bukod kay Cyprixille. "Ang hirap pala ng sa'kin. Waah, ayaw ko na ng subject na 'to! Feeling major na naman. Nyemas!"



I sighed. Pumikit ako. Hinayaan ko lang siya. Tinatamad akong magsalita dahil sa antok.



"May training ka ba ngayon?"



"Nah."



Nabawasan na ang training ko for martial arts na kung noong mga nakaraang tatlong buwan ay halos araw-araw, ngayon nama'y dalawa o isang beses na lamang sa isang linggo. Nasa advance training na rin naman ako kung saan mas hinahasa ang kakayahan ko at sinusubok kung ano pa ang kaya kung gawin at kung hanggang saan ito. Sa ngayon, hangad ni lolo ang makapagfocus ako sa pag-aaral ko, at 'yon din ang gusto ko.



"Antok na antok ah. Kagigising mo lang ba?" Hindi ako umimik. Tumango lang ako kahit hindi niya nakikita. "Tanghaling tapat na madam, ano na? Galawin mo naman ang baso diyan baka isipin ng mga kasama mo patay kana."



"Baka nakakalimutan mong kasalanan mo 'to, Ms. Cyprixille Lee. Kahapon mo lang sinabi ang tungkol sa research research na 'yan. Anong gusto mo sarapan ko ang tulog ko?" Mahinahon pa rin namang sabi ko. Hindi ko kayang magsungit, mas malakas ang hatak ng antok ko. Gusto ko lang pumikit.



"Mosh, nakalimutan ko nga. Ano ka ba, ako nga hindi pa nagsisimula eh. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Bukas ko na lang siguro sisimulan sa free time natin sa school. At saka wala namang pasok sa Sunday. Sa bahay tayo gumawa tapos tulungan tayo. H'wag mo munang tapusin 'yang sayo."



Nailing ako.



Kaibigan ko nga talaga 'to.



Dinaldal niya lang ako nang dinaldal. Nagmulat ako ng mata nang mauwi siya sa pagkwento ng kung anu-ano, at maging ang tungkol sa tournament ay naibalik niya pa lalo na ang pagkatalo niya rin sa Paradise na mukhang ginawa na niyang sama ng loob. Napabangon ako at tinitigan ang cell phone ko. Kahit papaano'y nagigising na ang diwa ko dahil sa dami niyang chika.



LIVING WITH HER (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon