Chapter 25: A year with you

51.9K 1.1K 481
                                    

3 days before the family meeting between Ku's and Lacson's...



— FLASHBACK —



"Win, where are you?!" Napasimangot ako sa maingay na boses ni Amber na nasa kabilang linya. "Iniwan mo ako rito sa lab, alam mong natutulog ako!"



"Sino bang may sabi sayong matulog ka?!" Masungit na sagot ko.



"I'm sleepy nga, duh! Saan ka ba ngayon?!"



"Papunta ako sa parking area, kukunin ko lang ang laptop ko."



"Okay. Sana kasi ginising mo man lang ako. Wala tuloy akong kasama rito. Daanan mo ako rito pagbalik mo ah?"



"No, hindi na ako dadaan diyan. Pupunta pa ako sa office ni mommy to get my other stuff for our class activity later. Alam ko namang sa akin ka lang din aasa pagdating sa mga ganito," sabi ko pa sa kanya para ipamukhang ang tamad niya. "Kita na lang tayo sa next class. Bye."



I heard her sighing. "Sige na nga."



Hindi ko na siya sinagot at pinatayan na lamang. Pagbaba ng building namin ay kailangan ko pang maglakad ng mahaba-haba sa passageway na mas malapit papuntang main parking area kung saan ko iniwan ang sasakyan ko. Laging puno ang student parking lot kaya mas gusto kong pumarada sa main dahil malawak ang lugar na 'yon.



"Good afternoon, Ms. Ku." One of the faculty's admin greeted on the way.



I smiled and greeted back. "Good afternoon po."



Nagpatuloy ako hanggang sa makalabas ng pasilyo. Hindi ko alam pero parang dumami ang sasakyan sa area kumpara kaninang umaga nang dumating ako. Dahil ba may meeting si mommy with the board members outside? Nagkibit-balikat ako. Tinungo ko ang sasakyan ko at malapit na sana nang hindi sinasadyang marinig ko ang pagtawag sa akin. Hindi naman talaga ako tinawag, but I heard my last name. Someone mentioned it.



Nagpalinga-linga ako para hanapin ang nagsalita pero walang tao sa paligid. Hanggang sa may muli na naman akong narinig, they're just nearby. Two people are talking behind this white SUV next to where I am standing. Nasa kabilang gawi sila.



I had no plan to eavesdrop on the conversation if they didn't mention my family name and if one of them didn't say something that aroused my interest. Maingat akong lumapit sa sasakyan para mas marinig pa ang kanilang pinag-uusapan.



"He's in the office, having a discussion with Mrs. Ku." A woman's voice said. Tumaas ang kilay ko. "I guess it'll take time. We still need to wait a little longer than usual."



"What is big boss' plan?" That's coming from a man.



Masyado akong curious. Gusto kong silipin kung sino ang nag-uusap pero nag-aalala ako na baka mapansin o makita nila ako kaya mas pinili kong pakinggan lang sila. At isa pa, hindi maganda ang pakiramdam ko sa mga naririnig ngayon mula sa kanila.



"He wants nothing, but the Paradise. The place that Henry's also eyeing to get." I creased my forehead. Paradise? What Paradise? Paradise University?! The conversation became more intriguing. "Herman is willing to sacrifice Musculariatte University for one's own good. He wants to kill two birds with one stone. Idadawit niya ang paaralang 'to para bumagsak kasabay ng iba pa."



LIVING WITH HER (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon