SANDY POV
"So what's your plan? " Tanong sakin ni Momo. Kwinento ko kasi sa kanya yung mga nangyari kagabi.
"To be honest as of now hindi ko pa alam, basta ang gusto ko lang mangyari ay mabaliw si dawn kakaisip kung totoong buntis ako" Tinignan niya ko ng masama, like what i did was wrong
Bakit ba?
"What?"
"I liked what you did to dawn but sandy you know what sa una pa lang ikaw na yung may mali. Pinagpilitan mo yung sarili mo sakanya alam mo namang mahal ni Nathan yung Imporkitang Isprikitik na Dawn yun. Nagpabuntis ka and worst buntis din si Dawn. Anong balak niyong dalawa? Hatiin si Nathan " Napabuntong hininga nalang ako sa sinabi niya, FYI lang hindi ko naman sinasadya na mabuntis. Nagkataon lang at lasing siya nung mga panahon na 'yon.
"Pero eto nands Seryoso na. Balak mo ba talagang sabihin kay Nathan yan?" Napaisip ako bigla, Should i tell him about his baby?
"I-i don't know."
"Then what about Bryle? Sandy Willing siyang maging ama sa anak mo. At least alam mong mahal ka ng tao. Hindi naman siya mahirap mahalin sands. Sooner or later pag nakasama mo siya Matutunan mo rin siyang mahalin. Hmm."
"But still it's not right, Hindi obligasyon ni bryle iyon. Ayoko magkaroon ng utang na loob sa kanya"
"Si bryle naman na mismo ang nagsabi diba? Kaya niya tanggapin ang bata. Hindi ka ba masaya don, But sandy be ready alam kong malalaman din ni Nathan 'yan. Kasi Sabi nga nila 'Walang Lihim na hindi nabubunyag' "
Napaisip ako sa sinabi niya. Well she's right. Alam ko naman na darating ang panahon na malalaman ni nathan 'to. Pero kung darating yung araw na 'yon. Hinding hindi ko na siya babalikan. Alam kong may sariling pamilya na rin ako.
"Hey Babe. Hi Momo Kain kayo may dala ako para sainyo " Speaking of Byrle nandito ulit siya.
"Hello Bryle. Mauna na pala ako may lakad pa ko." Kinindatan niya ako at nag salita siya ng pabulong 'Give Him a Chance! ' Sabay kindat sakin.
Abnormal talaga. Napangiti nalang ako
"Hmm. Ba't kaya masaya ka ngayon?" Sabi niya habang nakahawak sa Chin niya. Kunyari nagiisip.
"Baliw ang panget mo di bagay, Umayos ka nga Kumain ka nalang jan " Hinampas ko siya ng mahina sa balikat.
"Hmp. Si Baby nalang kakausapin ko. Bad si Mommy mo baby oh Inaaway yung Napakagwapo mong Daddy. Baby ko kamusta ka jan? Wag mo masyadong papahirapan mommy mo ah. Kapag pinahirapan mo yan. Ako mismo kukuha sayo--Aray naman Honey"
"Wag mo ko matawag tawag na Honey jan. Kung ayaw mo mawalan ng kayamanan Kausapin mo ng maayos yung bata jusmiyo " Tumawa lang siya sakin. Aba Damuho nga kainis
"Heto na nga kakausapin na ng maayos, Baby ko~ Ay este namin pala. Hahaha. Kumapit ka lang ng mahigpit kay Mommy. Lagi mong tatandaan na Mahal na mahal ka namin ni Mommy. Kahit di ako Love ni Mommy. Mahal na mahal ko naman siya. " Napatingin ako sa kanya. Kinindatan niya ako.
"So Tara na Kain na tayo "
"Tao Poooo! " Kakain na sana kami ng bigkangy may kumatok sa pintuan namin. Napalingon ako kay Bryle.
"Ako na bahala Sandy Umupo ka na diyan." Ngumiti ako at Tumango
"Sandy Si Nathan. Gusto kang Makausap. Importante daw " Kita ko ang inis sa muka ni Bryle.
Pero ba't naman niya ako kakausapin? at importante pa 'yun. Napahawak ako tiyan ko. Fuck.
Nagusap na kami kagabi ah. Letcheng problema ayaw ako tantanan.
To be continued...