Unfaithful 41

6K 92 34
                                    

SANDY POV

"Sandy, I want you back" Nagulat ako at napabitaw sa pagkakahawak niya, Tumayo ako at umalis seriously ang kapal ng muka niya para sabihin sakin 'yon. After ng nangyari samin, ang panloloko at pang gago niya.

"Teka sandy wait" Pagpipigil niya sakin. Hanggang dito sa parking lot sinundan niya ko.

"Tangina ka nathan, pumunta ako dito dahil akala ko importante 'yang sasabihin mo. Wala naman palang kwenta, Parang ikaw. Pwede ba tantanan mo ko sa kagaguhan mo. Kung dati nadadala mo ko sa mga ganyan pwes ibahin mo ngayon" Pasakay na sana ako sa sasakyan ko pero hinawakan niya ang kamay ko.

Kita ko sa mga mata niya ang pagmamakaawa pero hindi, hindi na dapat ako madala sa paganyan-ganyan niya. Nangako na siya kay bryle at mahal niya ito.

"No please. Alam kong nagkamali ako before but I'm willing to change. Magbabago na ko para sa atin just trust me. I waited for you to comeback, Nagulat ako nalaman ko nalang sa mga kaibigan mo na umalis ka na. Gusto na kitang kausapin non dahil-" Di na ko pinatapos yung sasabihin niya dahil alam ko na ang dahilan.

"Dahil what? Nalaman mo na hindi mo tunay na anak ang dinadala ni dawn? At hindi natuloy ang kasal niyo ganon ba? Karma mo 'yan. And kahit malaman ko man yan ng mas maaga hinding hindi na magbabago ang isip ko. Hindi na kita mahal nathan. Masaya na ko sa pamilya ko ngayon at kung ikaw ay hindi? Well sorry to tell you pero it's your fault. Sinayang mo ko" Pagkatapos kong sabihin 'yon ay hinigit ko na ang kamay ko, pumasok na ko sa kotse at umalis.

Pilit niya 'kong pinipigilan pero wala na din siyang magagawa. Tumigil muna ako saglit sa tabi para makapagisip. Tangina niya kung kailan okay na ko. Tsaka siya babalik? Kung kailan kasal na ko sa iba tsaka sa babalik?

Kung 'di niya ko pinagpalit at sumama sa iba. Sana kami ang magkasama, Sana nakilala ni Ky ang tunay niyang ama pero hindi. Ayoko nang bumalik sa taong may dahilan kung bakit ako nasaktan ng sobra noon.

Dumaan muna ako sa mcdo para bumili ng pagkain para kay Ky at Bryle. At para di niya mahalata kung saan ako nanggaling.

Bigla akong may naramdaman na may nang vibrate sa pocket ko. Tinignan ko kung sino ang nag message.

From: 092341*****

I'll win you back sandy. I will take you away from your fucking husband. And you will become my wife again. I promise you that.

Muntik ko 'nang mabitawan ang hawak hawak ko dahil sa nabasa 'ko. I know nathan He will do everything para makuha ang gusto niya.

Pero hindi ako papayag. Kapal ng muka niya.

--

"Where have you been?" Bungad na tanong ni bryle sakin. I knew it talagang tatanungin niya ko buti nakapag handa ako.

"Well uhm nag crave kasi ako sa mcdo so since tulog pa kayo ni ky, Ako nalang bumili magisa. " Ngumiti ako at inabot sa kanya yung pagkain.

"Sandy, I will be gone for 3 months pinapunta ako ni dad sa canada para tapusin yung trabahong naiwan 'ko doon. And if you want pwede kayong sumama sakin" Napabitaw ako sa pag hahanda ng pagkain. What? for 3 months?

"Bakit ang tagal bryle?" Kakauwi lang namin babalik agad kami 'don?

"Natambak kasi lahat ng kailangan 'kong gawin 'don. I'm so sorry sandy hindi kita masasamahan, You know my dad mahalaga sa kanya ang kumpanya" Tumayo ako at niyakap siya. Oo kilala ko ang dad niya sobrang strict when it comes to work.

"So i guess wala naman akong magagawa. I'll wait nalang for you hindi naman kami makakasama kasi kakauwi lang din natin diba? Mom is expecting me to stay here for good na. And she wants to meet ky" Nalungkot ang muka niya.

"Just promise me one thing, don't talk to nathan. Keep your distance away from him. I know that he's planning to get you back. Pero hindi ako papayag you're mine now. " Biglang nagseryoso ang muka niya

"I know hindi 'rin naman ako papayag. Just trust me okay. Kailan alis mo?"

"Tonight." Nanlaki ang mata ko.

"TONIGHT?" Tumango siya.

"Mom? Why are you shouting?" Napalingon ako sa anak ko na kinukusot pa ang mata mukang kakagising lang.

"Nothing baby, Come to mama dali. I have something to tell you" Dali daling lumapit sakin ang anak ko. Tumingin siya sakin at sa papa niya.

"Aalis si papa mo. Babalik siya sa canada for work and tayo dito lang muna we will wait here" Nagtataka siyang tumingin sakin.

"It's okay just bring pasalubongs to us. I want chocolates and dresses papa"Ngumiti naman ang papa niya at hinaplos ang buhok niya.

"Copy that, Take care of your mama okay? Pag may lumapit na ibang guy sumbong mo sakin." Tinignan ko lang 'to ng masama.

Talaga ba naman pati bata idadamay pa.

----

Kinabukasan nagising ako dahil may kumakatok sa pinto ko. Si bryle ba 'yon? Pero nakaalis na 'yon kagabi ah.

"Sino 'yan-- Dawn? Anong ginagawa mo dito, May kailangan ka?" Bumungad sakin ang babaeng may dahilan kung bakit nagkanda letche letche na ang buhay ko.
Napansin kong may bata sa likod niya ito siguro ang anak niya.

"Uhm. I just want to talk to you sands" Malumanay niyang sabi, pinatuloy ko siya sa bahay at inalok ng kape.

"About what?" Pinagmasdan ko 'yung bata may kahawig siya pero di ko masyadong mamukaan. Her eyes, her lips may kapareho.

"How are you sands. I heard that you and bryle are married? Since when?" Nagtaka naman ako dahil parang naging interesado siya sa lovelife ko.

"Yes, 3 years ago. Why are you asking?" Ngumiti naman siya sakin.

"Nothing. By the way congrats " Napansin kong panay tingin niya sa pinto ng kwarto namin.

"Why? Is there something wrong?"

"Where's bryle?" Napatingin naman ako sa kanya ng kakaiba.

"He's in canada. " Sagot ko nalang. Aba mukang si bryle nanaman ang puntirya ah.

"Mommy sino po sila" Napalingon ako sa anak kong kakagising lang. Tinawag ko siya para ipakilala at lumapit naman ito at ngumiti sa kanila.

"Baby, She's tita dawn at ang baby niya" Binati ni Ky si dawn at ang anak nito.

Pansin ko ang kakaibang tingin ni dawn sa anak ko. Para bang pinagmamasdang mabuti ang muka ng anak ko.

Pero hindi ko na 'yon binigyang pansin. Madami na din kaming napagusapan ni dawn ng maisipan na niyang umuwi. Hinatid ko siya sa pintuan. Pasarado na sana ang pinto ng tawagin niya ko.

"Hindi naman talaga si bryle ang ama ng anak mo hindi ba? Anak 'yan ni nathan"

To be continued...

My Unfaithful HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon