SANDY POV
"Hindi naman talaga si bryle ang ama ng anak mo hindi ba? Anak 'yan ni nathan"
Nagulat ako sa sinabi sakin ni dawn.
"What are you saying? Na katulad kita? You're crazy" Kaya pala pinagmamasdan niya si ky kanina pa. Sinusuri niya pala ang anak ko.
"Wag ka nang magmaang maangan sandy. Kitang kita naman." Ayaw parin nito magpaawat.
"Epekto ba 'yan ng inanakan pero di alam kung sino ama nga anak niya kaya sa iba pinaangkin? You're pathetic" Ngumiti ito sakin.
"Kilala ko ang ama ng anak ko sandy, Ikaw alam mo naman bakit mo tinatago" Pang aasar nito sakin.
"You don't care." Sinara ko na ang pinto. Bwiset na 'yon lakas ng loob. Sabi na 'ko na, Mali ang desisyon na bumalik kami ng pilipinas pero eto ang hiling ng anak ko.
"Mom? I'm hungry na. Can we eat?" Tumango ako at pumunta ng kusina. Habang naghahanda ako nang makakain namin ay naalala ko na pupunta pala si chantall dito.
"Baby after this maligo ka ha? Pupunta sila tita chantall mo dito okay?"
"Yes mooom!" dali daling sumubo ang anak ko, pinagmasdan ko siya ng maigi.
Dawn's right. Hawig na hawig ni ky ang ama niya, pero anong magagawa ko. Ang dami kong hindi magandang pinagdaanan at ayoko ring dumating sa punto na pati anak ko pa ay madadamay.
Mayamaya pa dumating na din sila chantall at naikwento ko sa kanila na nagawi dito si dawn.
"Alam mo sandy dapat maging handa ka na sa mga possibleng mangyari. Wag mong antayin na mismong si nathan ang makapansin. Kasi I swear hinding hindi ka niya titigilan" Napatingin ako kay wendy.
Kinabahan ako.
"Eh kung bumalik nalang ulit kaming canada? Doon i'm sure na safe kami nang anak ko" Bigla naman akong sinapok ni momo.
"Tanga ka ba, kakapunta mo pa nga lang dito. Aalis ka agad"
"Eh kasi naman sa mga sinasabi niyo, Tinatakot niyo ako" Ngumiti sila.
"Don't worry sandy, We got you" Natawa nalang ako.
Hindi rin sila nagtagal kasi may kanya kanya 'din kaming lakad. Nakita kong papalabas ng kwarto ang anak ko.
"My, I'm ready na po" Sabay ngiti, tinawag ko 'to at tinignan ng mabuti.
No matter what happen, I'll protect you baby girl. Mommy will do everything.
To be continued...