Chapter 4 : Second Day of Class
Ikumi's POV
Kinabukasan .."Mi, pasok na po ako!"
paalam ko kay mommy."Ingat Ikumi bunso. Galingan mo sa school ha?" habol pa nyang bilin sakin.
"Hehe syempre naman mommy, ako pa?" pagmamayabang ko pa.
At dating gawi.
Nag-commute lang ako patungo sa paaralan namin.
Di tulad ng nakararami na hinahatid sundo ng kanilang parents sakay ng magagara nilang kotse.Di tulad nung first day, inagahan ko na ang pasok ko ngayon dahil mahirap na umasa na lang sa panalangin ..
Sa walang katapusang sana. Hahaha.
Na sana late ang teacher, sana di na lang ako late at blahblahblah.
At baka malasin pa ko at sa labas ng pintuan ako pulutin.Ayokong walang matutunan. Sayang ang paghihirap sakin ni mommy ma-enroll lang ako sa yayamaning school na 'to. At kailangang maintain ang mataas kong grades dahil sa scholarship lang ako kumakapit.
Huwebes ngayon kaya tatlo lang ang subjects namin. Ito ay ang mga sumusunod: Una ang History, MAPEH at ang huli ay ang favorite subject ko na kinamumuhian ng mas maraming studyante. Walang iba kundi ang Math.
At dahil konti lang ang mga asignaturang pag-aaralan namin, 3 pm pa lang ay maaari na kaming umuwi. Maaga kaysa sa ibang araw naming pasok. Kapag M-W-F kasi ay hanggang 5 kami ng hapon sa loob ng silid-aralan.
Maya-maya pa'y nakarating na rin ako sa school. Hehe medyo maaga pa kaya iilan pa lang ang makikita mong studyante ngayon dito.Naglakad na ako patungo sa classroom namin. At pagdating ko, dalawa pa lang kami ni Blossom sa room.
"Sa dinami-rami ng makakasama ko bakit itong impakta pa na to na sagad sa buto ang kaartehan! Talaga naman, tsk, tsk." dismayadong kong bulong sa sarili ko.
"May sinasabi ka ba?" tanong nya sakin.
"Wala! Sabi ko ang lamok. Ang sarap patayin." saad ko sa kanya at kunwaring may pinapatay na lamok sa pamamagitan ng mabagal na pagpalakpak. Hahaha. Di nya lang alam na sya ang lamok sa isip ko.
Mabuti naman at nananahimik ngayon ang witch na to. Haha ayos yan.
Pagkaraan ng 30 minuto, nagdadatingan na rin ang iba ko pang mga kaklase. Si mam at 30 mins. nalang ang hinihintay upang magsimula na ang leksyong dapat naming matutunan.
Umalingawngaw na ang bell. At nagsimula na ang una naming klase.
"Good morning everyone!" masayang bati samin ni mam Lexie, guro namin sa Kasaysayan.
BINABASA MO ANG
Pentastic: The Magical Pen (COMPLETED yet UNEDITED)
Fantasy☆COMPLETED☆ WINNER OF BEST BOOK AWARDS 2017. 1st place in Fantasy. #144 in Fantasy. #208 in Fantasy. #229 in Fantasy. (12-25-17) Highest Ranking: #144 in Fantasy. Isang estrangherang matanda na kay talim ng titig at ubod ng sungit. At isang maga...