Chapter 36

941 54 106
                                    

Chapter 36: #6 Draw

Dedicated to: Goddess_Of_Eden

Zaffrina's POV


Alas-singko pa lang ng madaling araw ay gising na 'ko para maagang maka-gayak at maka-pasok sa school.

Nang mapuno na ang drum na lalagyan ng tubig namin sa banyo ay napagpasyahan ko nang maligo. Matapos nito'y agad akong nagbihis ng uniporme ko.

****

Nang matapos ay dumiretso agad ako sa kusina para kumain ng agahan. Ham, scrambled egg, fried rice at kape ang menu para sa umagang ito.

Sinimulan at binilisan ko nang kumain. Ilang sandali pa'y kinuha ko na ang aking bag mula sa kwarto ko at dali-daling pumwesto sa sala. Umupo ako sa sofa at kaagad na hinanap sa bulsa nito ang magic pen.

At nang mahanap na ito'y...

"Ano naman kaya ang susunod na iguguhit ko? Hmm.." At muli ay napa-isip ako. 



At bigla nalang may sumaging dalawang tao sa isipan ko.


"Bruhang Ikumi! Huh! Tapos na ang maliligayang araw mo! And babe Phoenix, ito na ang pinakahihintay mong sandali." At waring kinilig ako nang ma-isip ko ang future boyfriend ko.


At tulad ng kahapon ay sinimulan ko nang muli ang pag-guhit.

"Gagana ka kaya ha magic pen? Hmm. Siguro oo, dahil naipamalas mo naman na ang kapangyarihan mo sa iginuhit ko kahapon.  AHH! 'Di na ako makapaghintay pa." galak kong tugon sa aking sarili. 

At gaya ng inaasaha'y muling nagliwanag ang papel na hawak ko. Ilang sandali pa'y...
"Gumana kaya? Hmm. Bakit parang walang nangyari? Hayaan ko na nga. Sa school ko naman malalaman kung talagang effective ang powers mo, pen." Sa loob-loob ko. 


Ang iginuhit at inisip ko nga pala ay...

Ang puso ni Phoenix at naka-sulat sa loob nito ay.. (Simula ngayon, ang girlfriend at ang tanging mahal at kilala mo lang ay si Zaffrina.)



Kasabay ng pagguhit ko kanina ay ang paghiling ko rin nito. Sana nama'y gumana. I can't wait to be called as Phoenix's babe. And I would be the happiest and the luckiest girl in the whole world.

Ang magic ay tila ginawa kong isang gayuma. Kung ito lang ang tanging paraan para mahalin niya ako'y gagawin ko. I will do everything just to be with him and to make him fall inlove with me. FOREVER!

Pagkatapos ay iniligpit ko na ang papel at ang magic pen ko. At maya-maya'y napagpasyahan ko na ring pumasok.

***

Quarter to 7:00 nang nakarating din ako sa school. I'm 1 hour earlier than expected.

"Nandito na kaya si Phoenix my love? Hmm." At palinga-linga ako dahil siya agad ang una at gusto kong makita. Gusto ko na rin kasing malaman kung tumalab ba sa kanya ang powers ng pen. Dire-diretso lang akong naglakad patungo sa silid-aralan namin. 

"Sana maabutan kitang mag-isa sa room babe Phoenix ko!" Naihiling ko nalang.

At pagkatapos ng ilang minutong lakaran..

Nasa tapat na rin ako ng classroom namin. At 'di na ako nag-atubuli pang pumasok.

At nang makapasok ako..


"YES! Wala pa ang ASUNGOT! Solo ko si babe Phoenix ko!" pagdiriwang ng puso ko.

Nasa dulong row sya ng mga upuan, nakatalikod sya sa akin, nakapatong ang kanyang mga braso sa desk at naka-dungaw lang ito sa bintana. Kaya naman..

"BABE PHOENIX KO!" At naisipan ko siyang tawagin.

Nang marinig nya ang kanyang pangalan ay otomatikong pumihit siya paharap sakin. At nang makita niya ako ay bigla siyang nagsalita...


A/N:
Cut-off ulet. Haha. (≡^∇^≡)
Gumana kaya ang 6th drawing
ni Zaff? Ano kaya'ng sasabihin
ni Phoenix? Abangan. ^^

Pentastic: The Magical Pen (COMPLETED yet UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon