Chapter 30: Endearment
Phoenix's POV
Sa canteen..Nakapag-order na kami at kasalukuyan kaming kumakain kasama ang kaibigan ni master na sina Phony at Zaff.
"Phoenix congrats. Naks, ang galing ng pagkaka-gawa mo sa card mo ah. Swerte." Bati sakin ni Zaffrina.
"Ah salamat." Simpleng sagot ko rito.
"Master, pwedeng magtanong?" Pangungulit ko kay Ikumi.
"Nagtatanong ka na kaya. Ano yun Phoenix?"
"Pwede ba 'kong manligaw?" Sabi ko.
Biglang umubo at nahirinan si Ikumi.
"Oh master!" Sabay abot ng isang basong tubig at kaagad nya itong ininom.
"Oh, anong nangyari sayo bebest? Ayos ka lang?" Tanong sa kanya ni Phony.
"Ah oo ayos lang bebest, salamat. Bumara lang yung kinakain ko kanina." Paliwanag nya rito at hinawakan nya ang braso nito pagkatapos.
"Dahan-dahan lang kasi sa pagkain bebest!" Sita ni Zaff sa kanya.
"Opo mommy." Biro pa ni Ikumi.
******
"Sorry master kung binigla kita." Paumanhin ko kay sunget.
"Okay lang." Simpleng sagot nya.
"Master uulitin ko yung tanong ko. My princess, pwede ba kitang ligawan?" Bulong ko sa kanya.
Napatitig at natahimik sya ng ilang sandali. Maya-maya'y muli itong nagsalita.
"Hindi pwede. Bawal pa kong magka-boyfriend Phoenix, alam mo yan." Direkta nyang sagot sakin.
"Hindi mo naman ako kailangan sagutin agad. Maghihintay ako sunget ko. Basta payagan mo lang akong ligawan ka." Paliwanag ko sa kanya.
Habang kumakain, muli syang nanahimik, tila nag-iisip ng isasagot nya sa akin.
1 minuto na ay di pa rin sya nagsasalita kaya naman..
"Uy master, ano na sagot mo?" Pangungulit ko pa.
"Bebest ko, may tanong sakin si Phoenix!" Sabay baling kay Persephone.
"Ano yun Phoenix?" Takang tanong nya sa akin.
"Ah, pwede ko bang ligawan ang kaibigan nyo?" Kabado kong tanong sa kanya.
Maya-maya'y nanahimik din ito at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Tumikhim muna at pagkaraa'y nagsalita..
"Hmm.. Drawing ka naman ni bebest ko kaya I think matino ka naman. Gwapo, matalino. Sakin okay lang bebest. Pasado sya para sayo." Naka-ngiti nitong wika samin ni master.
"Ikaw bebest Zaff?"
"No. Bagsak ka para sakin Phoenix. Nag-aaral pa ang best friend namin. Iba nalang ang ligawan mo." Straight to the point nyang saad sakin.
"Hoy bebest, sobra ka naman." Sita sa kanya ni Phony.
"Bakit totoo naman ah." Pagdadahilan pa nya.
"O, may sagot na ang best friends mo master. Sagot mo nalang ang hinihintay ko." Sambit ko kay Ikumi.
"Bakit kapag ba humindi ako lulubayan mo ko ha kulet?"
"Hindi rin master." At tumawa ako pagkatapos.
"Nagtanong ka pa. Haha edi ganun din. Bahala ka!" Tanging sagot nya sakin.
"Bahala ako? Yes! Salamat sunget ko." Galak kong tugon sa kanya. And I kissed her cheek.
"Hoy Phoenix ang sabi ko bahala ka, hindi ko sinabing pwede mo kong i-kiss." Reklamo nya sakin.
"Opo. Sorry master haha sobrang saya ko lang talaga! Dapat may tawagan tayo sunget ko." Wika ko kay Ikumi.
"Pauso ka na naman. Yan ah, kulet tawag ko sayo, hindi pa ba tawagan yan?" Pagdadahilan nya sakin.
"Hindi. Dapat yung mas sweet." Pagkontra ko sa kanya.
"E anong tawagan naman, aber?" Nakatingin lang si master sakin na tila naghihintay ng isasagot ko.
And after 1 minute..
"ALAM KO NA! Sweetie sunget ko ang tawag ko sayo habang Sweetie kulet ko naman ang tawag mo sakin. Okay?" Masayang sambit ko kay Ikumi.
"Yiiiiiiiiieh. Kayo ah may cs pang nalalaman. Aaaaaaaah. Ang cute." Pang-aasar samin ni Phony.
"Che! Ang baduy naman Phoenix! Pwede bang wala nang tawagan?" Angal sakin ni master.
"Bakit ang panget ba? Sige wag nalang pala master." At pagkatapos ay sumimangot ako.
"Uy Phoenix! Psh. Ang arte naman. Ang bilis magtampo. Fine. Payag na 'ko."
At pagkasabi nya nito ay otomatikong napatingin ako sa kanya.
"Talaga? Yes. Salamat Sweetie sunget ko!" Panimulang paggamit ko sa bago naming endearment.
"Your welcome. S--sweetie kulet?" Mahina nyang tugon sakin.
"Ang pag-ibig ko'y tanging sayo lamang." At bigla kaming kinantahan ni Persephone.
"Hahahaha. Abnormal ka bebest."
At nagtawanan lang kami.Tinapos na namin ang aming pagkain at pagkatapos ay bumalik na kami sa classroom para sa huling subject na pag-aaralan namin.
A/N:
Malapit nyo nang malaman
kung sino ang nasa likod ng
Mysterious POV natin.
Keep on reading at pa-vote
rin po. Salamat.💓
BINABASA MO ANG
Pentastic: The Magical Pen (COMPLETED yet UNEDITED)
Fantasy☆COMPLETED☆ WINNER OF BEST BOOK AWARDS 2017. 1st place in Fantasy. #144 in Fantasy. #208 in Fantasy. #229 in Fantasy. (12-25-17) Highest Ranking: #144 in Fantasy. Isang estrangherang matanda na kay talim ng titig at ubod ng sungit. At isang maga...