Chapter 43: Rumor
Dedicated to: StacyPable
Ikumi's POV
A day had been elapsed...
Nakarating ako sa school gamit ang bago kong sasakyan na binili sa'kin ni mommy Evanna noong isang araw. Light blue ang kulay ng baby car ko. Mas ligtas at mapapanatag daw siya kung ba-byahe ako privately at hindi na sasakay sa mga PUV's. Also, she said that there's no assurance that you're really safe whenever you're traveling on your own, lalo na't iba't-ibang tao ang makakahalubilo ko at babae pa man din ako. Ako lang naman ang inaalala ni mommy kaya pumayag na rin ako sa gusto niya.Kung nagtataka pala kayo kung bakit 'di ko kasama si mi well simple lang, dahil abala siya ngayon sa bago naming family business. Nagtayo si mommy ng isang Cafeteria tutal hilig din naman niya ang pagluluto at ang pagma-manage. 'Yasuhiro's Cafeteria' ang pangalan nito to be specific. Hindi pa niya ako madalaw ngayon dahil opening palang sila at thankfully marami agad kaming customers at positive feedbacks na nakukuha mula sa kanila.
****
Nang mai-pasok ko na sa loob ng school ang aking kotse ay nagpatuloy lang ako sa pagmamaneho hanggang sa makarating ako sa parking lot.
Sa unahan at sa bandang kaliwa nalang ang natitirang espasyo kaya naman doon ko naisipang i-park ang sasakyan ko.
Nang mai-pwesto ko na ito ay bumaba na rin ako.
At nagsimula na 'kong maglakad patungo sa silid-aralan namin.
Aakyat na sana ako ng hagdan nang biglang...
"Nakita n'yo ba si Zaff mga bes?"
"O anong mayro'n sa kaniya?"
"Oo nga." Dagdag pa ng isa.
May narinig akong isang pamilyar na pangalan. Walang iba kundi si Zaffrina. Mukhang may kakaiba, kaya naisipan kong makinig muna sa kanilang tsismisan.
"May nakakita raw sa kaniya kahapon sa field, sobrang dami ng mga bag niya. Ang gaganda and take note, puro mamahalin!" Pagbibida pa niya sa kaniyang mga kasama.
"Weh? Magkano naman? Baka mamaya, puro fake naman ang lahat ng 'yon!" Kontra naman ng isa niyang kaibigan.
"She's right. Tsaka paano siya magkakaroon ng magagandang bags e hindi naman siya mayaman."
"Mahal pa sa mga buhay natin ang presyo girls. It's worth 1 million and up!"
"WHAT?! Are you freaking serious?"
Di na 'ko nakapagpigil pa, kaya...
"Uhmm ... Excuse me! Sino nga ulit ang pinag-uusapan n'yo girls? Tama ba 'ko ng dinig? Si Zaff ba ang tinutukoy ninyo?" Biglang singit ko sa kanilang usapan dahil kinutuban ako. Parang may mali e, kaso hindi ko pa matukoy kung ano 'yon.
"Hoy lagot kayo, kaibigan niya 'yan!"
"Wala akong kinalaman diyan!"
"Bye girls, may gagawin pa pala ako!" At biglang sumibat ang isa nilang kasama. Anong nangyayari sa mga 'to, nagtatanong lang naman ako?
"Let me clarify little things to you girls, hindi ko na kaibigan si Zaff. Narinig ko kasing pinag-uusapan n'yo siya, that's why I'm asking all of you." Paliwanag ko sa kanila.
Nagtinginan muna sila at pagkatapos ay sabay-sabay silang bumuntong-hininga.
Ilang minuto na ang nakararaan ngunit nanatili pa ring tikom ang kanilang mga bibig.
"Hello?! May kausap ba 'ko? Si Zaff ba kako ang tinutukoy n'yo?" Pangungulit ko pa sa kanila.
"Hoy, ikaw na'ng magpaliwanag!"
"Bakit ako? Ikaw naman ang nagkalat ng chismis kaya ituluy-tuloy mo na!" Sabi sa kaniya ng isa niyang kaibigan sabay tulak sa kasamahan niya palapit sa akin.
"WOW! THANK YOU HA?" Sarkastiko nitong sagot sa kasama niya.
"Wala bang magsasalita?" Tanong ko pa.
"Oo, si Zaffrina nga. May nakakita raw sa kaniya kahapon sa field, sobrang dami ng bags. And it's all worth Millions!" Pagtatapat sa'kin ng isang babae. Bag that were worth Millions? What the?
"Sigurado ka ba sa sinasabi mo miss?" Muli kong tanong dito.
"Oo." Tipid niyang saad sa akin.
Parang may mali talaga e. Nang makuntento na 'ko sa sagot niya'y...
A/N:
Haha keep on reading Pentastic's.
Thank you sa 10K reads.
Keep on voting also.
Palapit na tayo ng palapit.
Kapit lang. ↖(^▽^)↗
BINABASA MO ANG
Pentastic: The Magical Pen (COMPLETED yet UNEDITED)
Fantasy☆COMPLETED☆ WINNER OF BEST BOOK AWARDS 2017. 1st place in Fantasy. #144 in Fantasy. #208 in Fantasy. #229 in Fantasy. (12-25-17) Highest Ranking: #144 in Fantasy. Isang estrangherang matanda na kay talim ng titig at ubod ng sungit. At isang maga...