Chapter 47: Decision
Ikumi's POV
Kinabukasan...
Kasalukuyan kaming nakikinig ngayon kay mam Lexie sa asignatura niyang History o Kasaysayan.
Parang kailan lang ay unang araw pa lamang ng pasukan. Sa sobrang bilis ng panaho'y 'di ko namalayan na Biyernes na ngayon at fourth periodical examination na lamang ang hinihintay at susulong na kaming muli sa panibagong yugto ng aming pag-aaral...ang pagiging isang third year high school student.
***
"That's all for today. You may now take your lunch. Goodbye class!" ma'am Lexie said. At pagkatapos ay
isinukbit niya ang kaniyang itim na bag sa kaniyang kaliwang braso habang ang mga ipinasa naman naming papel na naglalaman ng aming mga quiz ay nasa kanang kamay niya.Nang mai-ayos at na-iligpit na niya ang lahat ng kaniyang gamit ay nagsimula na itong maglakad palabas ng aming silid-aralan.
At maya-maya pa'y...
"Bebest...Come on, let's eat!" Masiglang paanyaya sa'kin ni Persephone sabay kapit sa kanang braso ko.
Ngunit imbes na sumagot ako'y nanatili lamang akong tulala at
walang imik."Bebest Ikumi...Hoy Ikumi Yasuhiro!" Panggugulat pa nito sa'kin sabay palakpak ng ubod ng lakas.
"Ay anak ng kalabaw! Bebest ano ba 'yan? 'Wag ka namang nanggugulat!" Naibulalas ko sa kaniya sabay lapat ng aking kaliwang kamay sa aking dibdib dahil sa sobra kong pagkabigla. At dahil dito'y inis na pinisil ko ng todo ang magkabila niyang pisngi.
"ARAY! Sorry na bebest. Ikaw kasi, ang sabi ko kain na tayo, hindi ko alam na hangin pala ang kausap ko." Sarkastiko pa niyang tugon sa akin habang iniinda ang namumula niyang pisngi. Gulatin ba naman ako.
"Sorry bebest Phony, may iniisip lang kasi ako," simpleng turan ko rito at pagkaraa'y ngumiti ako.
"Naku, alam ko na kung sino ang iniisip mo, tsk! Si Phoenix na naman? Bebest, kalimutan mo na siya." Muli nitong sermon sa akin.
"Hindi mo kasi ako naiintindihan bebest. May napanaginipan ako. At sa panaginip na iyo'y may importanteng bilin sa'kin si Ms. Ophelia patungkol kay Phoenix na siyang nagpapagulo ngayon ng isip ko." Matalinghaga kong sagot sa kaniya. At tinignan ko siya sa kaniyang mga mata.
"Edi ipa-intindi mo sa akin ngayon bebest Ikumi. What's your dream anyway? Saka anong bilin ba ang tinutukoy mo? At ang bongga ah, kasali talaga sa panaginip mo si Ms. Snow." Walang preno nitong tanong at komento sa'kin at pagkatapos ay humalukipkip ito.
"Basta...napaka-habang kwento. Mauna ka na sa canteen, susunod nalang ako. Mamaya ko nalang iku-kwento sa'yo ang lahat-lahat bebest 'cause right now, I need to do something," pagtataboy ko sa kaniya.
"Ay gano'n bebest? Makapag-palayas ka naman sa'kin. Wala naman akong nakahahawang sakit ah! Grabe ka. Sige mauna na 'ko," malungkot na wika sa'kin ni Phony. At pagkatapos ay ngumuso ito. Buti naman at 'di na siya nakipagtalo pa sa akin.
"Ang drama talaga ng bebest ko, manang-mana ako sa'yo." At ilang saglit pa'y tinawanan ko lamang siya.
"Hindi kita pinapalayas pero... simulan mo na kayang maglakad, no?"
BINABASA MO ANG
Pentastic: The Magical Pen (COMPLETED yet UNEDITED)
Fantasy☆COMPLETED☆ WINNER OF BEST BOOK AWARDS 2017. 1st place in Fantasy. #144 in Fantasy. #208 in Fantasy. #229 in Fantasy. (12-25-17) Highest Ranking: #144 in Fantasy. Isang estrangherang matanda na kay talim ng titig at ubod ng sungit. At isang maga...