Chapter 48

1.5K 50 178
                                    

Chapter 48: Ordinary Day

Dedicated to: Yuki_The_Cat

Ikumi's POV

(Insert: Almost is Never Enough
by: Ariana Grande)


"Nasaan ako?" Tanong ko sa aking sarili habang pinagmamasdan ko ang buong paligid. Nasa langit na ba ako? Bakit puro puting kulay ang tanging
nakikita ko? Sa pagkaka-alam ko ay nasa silid-aralan ako kanina ah kaya't papaanong-

"Bebest!" Sigaw sa'kin ni Persephone.
Naputol ang pag-iisip ko nang marinig ko ang napaka-lakas at napaka-tinis niyang tinig. At pagkatapos ay bigla nalang niya akong niyakap ng napaka-higpit.

"Thanks God at gising ka na! Nasa clinic ka ngayon. Ano bang nangyari sa'yo ha bebest? Nadatnan kitang walang malay sa classroom kanina. May masakit ba sa'yo ha?" Aligaga pa niyang tanong sa akin habang tinitignan niya ako.

"Aray ko naman! Oo, sumakit tainga ko sa'yo. Grabe ka maka-sigaw e magkatabi lang naman tayo. But honestly speaking, wala namang masakit sa'kin bebest Phony." tugon ko. At may isang taong biglang sumagi sa isip ko. "Si Phoenix, nakita mo ba siya? Kasama ko siya kanina. Naaalala na niya 'ko!"

Pagkasabi ko nito'y nagpupumilit akong bumangon ngunit...

"AH!" sigaw ko habang namimilipit ako sa sakit na nararamdaman ko.
Sobrang sakit ng ulo at ng aking katawan. Mapipilay na ba ako?

"Bebest magpahinga ka nga muna! Hindi pa kaya ng katawan mo. And also the nurse suggested that you must take a bed rest for a couple of days. Kapag kaya na ng katawan mo, doon palang natin siya pwedeng hanapin, okay?" Sermon at paalala pa nito sa akin at pagkaraa'y inihiga niya akong muli sa kama.

"Hindi pwede. Kailangan ko nang umalis. Kailangan ko pang hanapin si Phoenix!" Pagmamatigas ko pa sa kaniya at muli'y nagpupumilit akong bumangon kahit na pilit pa rin niya akong pinipigilan.

"Calm down bebest! Ano ba'ng nangyayari sa'yo ha? 'Di ka naman ganiyan nang iniwan kita kanina sa room." Naguguluhan pa nitong tanong sa akin.

"Hindi...hindi pwede. Hindi pwedeng iwan niya 'ko bebest. HINDI KO KAYA!" Singhal ko. At muling bumalik sa alaala ko kung paanong unti-unti siyang nilamon ng matinding liwanag at ang unti-unting paglalaho nito sa aking paningin. Dahil dito'y nag-uunahan na sa pagpatak ang aking mga luha. Hanggang dito nalang ba talaga kami ni Phoenix?

At niyakap akong muli ni Persephone.

"Bebest, tahan na." Dumukot siya mula sa bulsa ng kaniyang palda at inilabas niya ang kaniyang panyo. Maya-maya'y pinahid niya ang luha ko. Mababakas ngayon sa kaniyang mga mata ang labis na pag-aalala. "Maaari ko na bang malaman kung anong nangyari sa inyo kanina?"

Huminga muna ako ng malalim bago ko napagpasyahang magsalita.

"Bebest...sinunod ko ang panaginip ko. Ang payo sakin ng diwata'y halikan ko si Phoenix at baliin ang magic pen upang matanggal ang sumpa...ang sumpang si Zaffrina mismo ang may gawa." Pagsisimulang paliwanag ko rito.

"WHAT? 'Yong ahas na naman na 'yon? I KNEW IT!" 'Di makapaniwala niyang sagot sa akin. "O sinunod mo naman pala e, ano pang problema?"

Pentastic: The Magical Pen (COMPLETED yet UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon