Chapter 5

5.2K 265 216
                                    

Chapter 5 : #1 Draw

Ikumi's POV

Nang lumabas ang guro namin sa History, pinalibutan ako ng mga kamag-aral ko.

"Ikumi ang galing mo naman sa History, paturo naman?" puri at tanong ng kaklase ko sa akin.

"Oo nga." dagdag pa nilang lahat.

"Salamat. Sure, walang problema." Naka-ngiti kong tugon sa kanila.

At muli silang nagpakawala ng masigabong palakpakan sa akin.
Haha mga naloloka.

"Sisteret, famous ka na ah, pinalibutan ka ng mga fans mo." Biro sakin ni Zaff.

"Haha loka, fans ka dyan? Hindi ah." natatawa kong sagot sa kanya. Isa pa to e no?

Pagkatapos ay lumabas na rin sila at pumunta sa canteen. May allotted recess time kasi kami na 20 mins.

Pagbalik nila sa room, nagsimula na ulit ang klase. PE naman ang sunod.

Ayon kay sir, pumunta raw kaming lahat sa field.
Ang P.E. namin ngayong first grading ay table tennis.

*****

And after two hours na pagpapa-pawis, nagpunta kaming lahat sa cr para maghilamos at makapagpalit ng damit. Naka-PE uniform kasi kami ngayon at kapag other subjects, kailangang naka-school uniform kami or else, hindi kami papapasukin.


At ito na ang pinaka-hihintay kong subject sa lahat, ang Math.

Nagsolve lang kami ng polynomials. Hinahanap ang x at y. Ano ba yan, Pati ba naman sa subject di pa maka-move on sa x. Si mam talaga.

One minute ko lang sinagutan ang 10 item Quiz namin, habang ang iba kong mga kaklase ay parang mga biyernes santo ang mga mukha. Hindi kasi nila alam ang solution, at ang mas malala pa, nagkokopyahan sila ngunit hindi rin sigurado sa sagot ang mismong kinopyahan nila. Mabuti na lang at di sila nahuhuli ng guro namin kung hindi, diretso guidance sila.

Salamat naman at perfect 10 ang score ko.

Pagkatapos ng tatlong subjects...


*KRING.

Maaari na kaming umuwi. 

"Babye bebest! Kitakits na lang tayo bukas." masigla paalam sakin ng mga kaibigan ko. Pagkatapos ay binigyan nila ako ng isang mahigpit na yakap.

"Bye Bye! Ingat kayo ah." bilin ko sa kanila.

"Oo naman, ikaw din." sabay nilang sagot sa akin.

At ginantihan ko rin sila ng isang mahigpit na yakap.

Muli akong nagtungo sa sakayan ng jeep.

Maya-maya'y bumyahe na rin ito.

Pentastic: The Magical Pen (COMPLETED yet UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon