Chapter 21

1.8K 95 58
                                    

Chapter 21: Make Love, Not War

Ikumi's POV


Pagdating ko sa bahay ay dumiretso agad ako sa kwarto ko.

"Haaaay. Masyadong nakaka-pagod ang araw na 'to. Nasa'n na kaya si Phoenix? Sana ayos lang sya. Bukas ko nalang itutuloy ang paghahanap ko sa kanya. I badly need a rest." Pagkasabi nun ay humiga na 'ko at pagkaraa'y agad akong naka-tulog.

**********

Kinabukasan ..

Maaga akong nagising dahil hahanapin ko pa si Phoenix at may pasok pa 'ko sa school pagkatapos.

--------------------

Pumunta muna ako sa kusina para makapag-luto sana ng almusal at maka-kain na rin. Kailangan ko ng lakas para sa paghahanap kay Phoenix 'kulet'.

Kumuha ako ng mga ingredients sa fridge para sa lulutuin ko. At nang isarado ko ito ay ..


"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH! Phoenix? Anong ginagawa mo rito akala ko?----" gulat at napa-sigaw kong tanong sa kanya. Dahil dun ay nabitawan ko lahat ng mga dala ko. Naka-upo kasi sya ngayon sa dining chair. Akala ko minu-multo na 'ko. Hindi ko na naituloy ang sinasabi ko nang bigla syang magsalita.


"Akala mo nawawala ako? Hindi, nagpa-hangin lang ako kagabi." Kaagad nyang tugon sakin.


Dahil sa sobrang pag-aalala ko sa kanya ay dali-dali akong pumunta sa pwesto nya at kaagad ko syang niyakap.


"WOW ha? Grabe namang pagpapa-hangin yun! 5 hrs. Ano hinigop mo na ba lahat ng hangin sa labas?" sarkastikong tanong ko kay Phoenix sabay hampas sa braso nya.

Ngunit imbes na magalit ako sa kanya, mas nanaig pa rin ang pag-aalala ko para rito.

"Saan ka ba kasi nagpupu-punta ha Phoenix? Alam mo bang pinag-alala mo 'ko ng husto? Alam mo ba na dahil sayo muntik pa 'kong mapahamak kagabi, MAHANAP ka lang?" mahabang pagsasalaysay ko sa kanya.


"HINANAP mo 'ko Ikumi? Nag-aalala ka? SAKIN?" Mangha nyang tanong sakin.

"OO! I'm worried about you. Hinanap kita. Baka kasi kung ano nang nangyari sayo. Di na kasi ako mapakali rito sa bahay!" pagtatapat ko pa.

"Sorry, pinag-alala pa kita. Nasa park lang ako kagabi. Nagpapa-hangin at nag-iisip lang ako ng paraan nun kung pano huhupa ang galit mo sakin." paliwanag ni Phoenix sakin.

"Bawasan mo lang ang pagiging hyper o kakulitan mo, ayos na yun sakin. Di na 'ko magagalit sayo." Payo ko sa kanya.

Ilang minuto rin akong nasa bisig
nya. At nanaig samin ang katahimikan.

Maya-maya'y ..

"OH MY GOSH! What am I doing?" Nang ma-realize ko ang katangahang ginawa ko kani-kanina lang ay agad akong kumalas sa pagkaka-yakap.
Lupa kunin mo na 'ko ngayon,
please. -___-

"Phoenix, yung mga si-sinabi ko at y-yung g-ginawa ko, FORGET it!" Natataranta kong bilin sa kanya.

"Alin Ikumi? Yung sinabi mong nag-aalala ka sakin at hinanap mo 'ko?" Inosente nyang tanong sa akin.

"Sige, simulan mo na naman Phoenix! Wala ka nang matutuluyan!" Pagbabanta at iritado kong wika sa kanya. Haist! Kahit kailan, saksakan ka talaga ng kulet. -___-


"JOKE! Sabi ko nga master tatahimik na 'ko. Di na 'ko magiging makulet, slight na lang." masaya nyang sagot sakin.

"Promise?" paninigurado ko.

"Promise master Ikumi!" mabilis nyang tugon at itinaas pa nya ang kamay nya para mas lalo akong maniwala.

"GOOD! E kung lagi kang ganyan magkaka-sundo tayo." sabi ko pa.

"Master, ang pangit ng simula natin. Pwede bang ulitin natin ngayon yung araw na nagkilala tayo? Kunwari di muna tayo magka-kilala ngayon." Suhestiyon nya sakin.


"Hahaha, oo ba Phoenix!" Natatawa kong sagot sa kanya. Pwede ka naman palang ganyan.

"Hi anong pangalan mo? Phoenix nga pala." Galak nyang wika sakin sabay lahad ng kanyang kaliwang kamay.

"I'm Ikumi. Ikumi Yasuhiro." Sagot ko naman.

"Pwede ba tayong maging mabuting magkaibigan?" Dagdag nyang tanong sakin.

Ako naman ang nangulit sa kanya. Haha akala mo ah.

"HMMMM.. Pag-iisipan ko muna!" seryoso kong sagot sa kanya pero deep inside pinipigilan ko lang tumawa.

"Akala ko ba bati na tayo?" Pagkasabi nun ay biglang lumungkot ang kanyang mukha at kaagad na yumuko.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHA! Joke. Sure, friends." At nakipag-shake hands na rin ako sa kanya.

Dahil sa sinabi ko ay kaagad nyang ini-angat ang kanyang ulo at rumehistro ang kasiyahan sa kanyang maamong mukha.

"Hahaha. Pina-kaba mo ko dun Ikumi. Akala ko nagda-dalawang isip ka talaga na kaibiganin ang tulad ko." Seryoso nyang sambit sakin habang mataman nya 'kong tinitingnan.

Na-conscious tuloy ako bigla. Kung maka-tingin naman kasi sya e parang may dumi ako sa mukha.

"Hindi ah. Binibiro lang kita. Sinasabayan ko yang kakulitan mo!" Pag-amin ko sa kanya.

At nang dahil sa sinabi ko ay bigla nalang..

"Ang CUTEEEEEE mo talaga master Ikumi!" At pinisil nya ng todo ang magkabilang pisngi ko.

"Aaaaah. Aray ko naman kulet!" Angal ko kay Phoenix.

Pagkatapos ay nagtawanan lang kami. Ayos din pala yung ganito. Yung wala kang kagalit. Yung ganitong wala kang ka-away at sa halip, nagkaroon ka pa ng bagong kaibigan.


AN: Enjoy reading &
don't forget to vote
Pentastic pips. Thanks.😊♡

Pentastic: The Magical Pen (COMPLETED yet UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon