Chapter 26: Team #PhoeMi ❤
(See the multimedia for the background music of this chapter.)
Ikumi's POV
Natapos ang 5 oras ng pagkatuto namin sa mga subjects na History at MAPEH.Nakapag-Lunch na rin kami at hinihintay nalang namin ang aming guro sa asignaturang MATH.
"Ano ba yan. Ang tagal naman ni Mam Sanchez. 46 minutes na syang late oh!" Rinig kong angal ng isa kong kaklase."Oo nga e. Darating pa ba yun? Baka mamaya umaasa lang tayo sa wala!" Pagda-drama naman ng babaeng kausap nya.
"Haha. Kayong dalawa, ang dami nyong alam! Maghintay pa tayo guys, baka may inasikaso lang sa office si mam." Panghihikayat ko sa kanila.
"Ms. President Ikumi, puntahan mo na kaya sa office. Tanungin mo kung pumasok si mam. Para kung sakaling hindi e maka-uwi tayo ng mas maaga!" Suhestiyon sakin ni Ludwig, isa sa mga kamag-aral ko at dating binasted ko.
"Oo nga!" Pagsang-ayon naman ng lahat.
"O sige para magka-alaman na kung may hinihintay ba tayo o wala." Sagot ko sa kanila.
Tumayo na 'ko at naglakad patungo sa pintuan. Papalabas na sana ako nang may humigit sa kamay ko..
"MASTER, sama ako!" Todo ngiti nyang paalam sakin."Haha ikaw na naman kulet?" Natatawang sambit ko kay Phoenix.
"HOY! Yung kamay ko Phoenix bitawan mo na, masyado ka naman atang nag-eenjoy!" Sita ko kay kulet."Ay sorry master Ikumi ko." nahihiya nya pang tugon sakin at kaagad na binitawan ang kamay ko.
"YIEEEEEEEEEEEEH!" Bigla na naman nilang panunukso samin ni Phoenix. Bakit ako na naman ang nakita nyo?
-___-"Naku. Tantanan nyo ko sa mga ganyan ha. Wala akong panahon sa mga Pag-i-Pag-ibig na yan!" Saway ko sa kanilang lahat.
"Alam mo Ikumi, bagay kayo ni Phoenix. Tingnan mo oh! Umaanggulo kayong dalawa. Humuhugis puso." At natawa sila sa sinabi nito.
"Basta team #PhoeMi kami!" Sigaw naman ng isa ko pang kamag-aral."Team Phoemi? Ano yun?" Takang tanong ko sa kaklase ko.
BINABASA MO ANG
Pentastic: The Magical Pen (COMPLETED yet UNEDITED)
Fantasy☆COMPLETED☆ WINNER OF BEST BOOK AWARDS 2017. 1st place in Fantasy. #144 in Fantasy. #208 in Fantasy. #229 in Fantasy. (12-25-17) Highest Ranking: #144 in Fantasy. Isang estrangherang matanda na kay talim ng titig at ubod ng sungit. At isang maga...