Epilogue

3.1K 65 232
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

After three years

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

After three years...


Persephone's POV

Napagpasyahan kong lumapit sa mga walk-in closet ko at kinuha ko ang lahat ng mga naka-hanger kong dress, ini-lapag at inihelera ko ang mga ito sa aking kama.

Kasalukuyan akong naghahanap ngayon ng magandang damit na babagay sa toga ko.

"Ano kaya ang mas magandang suotin? Ito kayang light green cocktail dress, fushia pink o itong black dress? Hmm..." I whispered. Pagkatapos ay isa-isa kong kinilatis, ini-angat, ipinatong ang mga damit sa aking sarili at pagkaraa'y humarap ako sa salamin. "All are fabulous. Hays...ang hirap namang pumili. Mommy yaya Emy!"

At agad kong tinawag ang isa sa aming mga kasambahay. Itinuturing ko na rin itong pangalawang mommy ko dahil bukod sa napaka-bait at napaka-maalalahanin nito'y 20 taon na rin itong naninilbihan sa amin. Parang pamilya na ang trato namin sa lahat ng aming mga maids.

Ilang saglit pa'y nasa harapan ko na ito.

"Ano 'yon baby Phony?"

"Mommy Emy, patulong naman po. Ano po ba'ng mas bagay sa'kin, ito o itong isa?" wika ko. Maya-maya lamang ay itinaas at ini-harap ko sa kaniya ang samut-sari kong mga kasuotan.

"Naku anak, lahat naman ay bagay sa iyo dahil napaka-ganda mong bata." Sagot nito sa akin.

"E mommy Emy, isa lang po. Hindi naman pwede na suotin ko ang lahat ng 'to para sa isang okasyon." Pagdadahilan ko pa. And I pouted.

"Ano nga ba?" At ilang sandali pa'y nag-isip-isip ito. "Kung itim ang pipiliin mo, magmumukha ka namang makikiramay anak. Kapag light green nama'y para kang nature lover...pero maganda naman sa paningin at pink kung gusto mong magpaka-kikay. Ah... mas bagay sa'yo 'yang kulay ng kalikasan!"

Pentastic: The Magical Pen (COMPLETED yet UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon