Chapter 41

1K 46 78
                                    

Chapter 41: Good News or Bad News?

Dedicated to: moonstar_262002

Ikumi's POV


Nang maka-alis na sila'y dali-dali kaming sumakay ni Phony sa kanyang kotse. At ang direksyong pupuntahan namin ngayon ay kila Zaffrina. Few houses apart lang naman sila mula samin. That girl! At mabilis niya itong pinaandar. Gumamit pa kami ng sasakyan, samantalang pwede naman nang lakarin. At natawa lang ako sa isiping 'yon.

****

Kaagad naming kinatok ng napaka-lakas ang gate nitong si.. Zaff.

"Sandali! sino ba yan?" Sigaw niya sa amin at pagbukas niya ng gate ay tumambad kami sa kanya.

"Well, well, well! Anong ginagawa nyo rito ha?" Pagtataray niya sa'min.

"'Di na 'ko magpapaliguy-ligoy pa. Tell me, ikaw ba ang kumuha ng pen ko?" Bungad kong tanong sa kanya.

"Huh! Ang kapal din ng mukha ni'yong sumugud-sugod dito tapos pagbibintangan nyo pa ako? May pera ako at 'di ko kailangan ng cheap mong pen! GET IT?" Naku, kung pwede lang! Matagal ka nang umaanod ngayon sa ilog! Huminga ako ng malalim at pinilit kong pakalmahin ang sarili ko.

"Mas makapal ka kaya! 'Di ba ahas ka?" Sagot naman nitong si Phony. Kaya mo na yan!

"LUMAYAS KAYO RITO! O BAKA NAMAN GUSTO N'YO PANG KALADKARIN KO KAYONG DALAWA?" Malakas niyang sigaw at pagtataboy sa amin.

"Naaamoy mo yun bebest? Tsk! ANG BAHO! Tara na nga, umalis na tayo rito!" Muli kong pang-iinsulto kay Zaffrina. Napaka-sama niya talaga!

"GET OUUUUUUUUUUT!" And she keeps on screaming.

At lumayo na kami sa kasumpa-sumpa nilang bahay. Hindi pala, ang mismong may-ari pala ng bahay ang isinumpa. Isinumpa sa sobrang sama ng ugali niya. Kaya bumalik na kami sa tapat ng aming bahay.

****

Pagkatapos nang 10 oras.

Muling lumitaw sa harapan namin sina Rei at Janray. At ilang minutong pa'y bumalik na rin sina Kenneth at Kenrou.

"Kamusta ang paghahanap n'yo?" Bungad kong tanong sa kanila.

"Mammen, binigo ka namin. Wala kaming nahanap." Malungkot na sagot sakin ni Kenneth.

"Wala rin sa park, Pati na rin sa daanan." Pahayag naman sa'kin ni Janray.

"Kayo, nahanap n'yo ba?" Pabalik na tanong naman sakin ni Rei.

"No. Bigo rin kami!" Sabay naming saad ni Persephone at pagkaraa'y umupo kami sa gilid ng kalsada.

"Bebest! Paano yan? Ano na'ng gagawin mo?" Nag-aalalang tanong sakin ni Phony.

"EWAN KO! Hindi ko na rin alam!" At nanlumo ako sa mga nangyayari ngayon.

"Wag kang mawalan ng pag-asa Ikumi! Mahahanap mo rin 'yon." Pagpapalakas-loob nila sa'kin.

"Sana nga!" Tanging nasambit ko.

"O siya kailangan na naming umalis." Pamama-alam samin ni Janray. 

"Mammen! Don't lose hope. Gotta go!" Dagdag pa ni Kenneth.

"Sige mag-iingat kayo. At salamat sa tulong n'yo!" Tumayo ako at pagkatapos ay isa-isa ko silang kinamayan.

"Bye guys. Salamat sa pagtulong n'yo kay bebest!" At maya-maya'y kumaway siya sa mga ito.

"We're glad to help everyone." Seryosong wika naman samin ni Kenrou.

Nang makapag-paalam na kami sa isa't-isa'y kumapit silang lahat kay Rei at..

"Rez!" Ilang segundo pa'y naglaho na silang muli at bumalik sa kanilang lugar.

****

"Bebest Phony, pahinga ka na. Dumidilim na!" Paalala ko sa kanya.

"O sige. Bye bebest ko!" Nang makapagbeso-beso na kami'y sumakay na rin siya lulan ng kanyang sasakyan. Pinaandar niya na ito. At hinatid ko na lamang siya ng tingin.

Nang mawala na ang kotse niya'y nanghihina akong pumasok sa bahay. Wala na! Tuluyan nang nawala ang pen!


A/N: Enjoy reading..
Don't forget to vote. ^

Pentastic: The Magical Pen (COMPLETED yet UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon