Chapter 11 : Ang Ganda Mo Girl!
Ikumi's POV
Pagkatapos ng pamamasyal naming magkakaibigan ay kaagad din kaming umuwi.
Pagkaraan ng ilang araw, pasukan na ulit. Lunes ngayon at naghahanda kaming lahat sa subject naming Science.
Ayon kay sir Zick Vermon, may group experiment kami ngayon. But unfortunately ilan sa ka-grupo ko ay ang grupo ni Blossom na tinaguriang #PrettyKissmetKikays. Sus #PrettyKissmetKikays, ang sabihin mo team talanders. Maryosep, ang ingay, puro paganda at ang lalandi. E kung imbes na magmake up sila, unahin nilang make up-an ang mga grades nila na nagpupulahan. Nagpupulahan sa mga line of 7.
73, 75, 76, 77.Nasa loob kami ngayon ng science lab o laboratory.
********************
Pagkalipas ng ilang oras..
Ang sunod na subject namin ay ang History.Naka-upo na kaming lahat at si mam na lang ang hinihintay.
Lumipas ang 30 minuto ngunit wala pa rin si mam Lexie. Wala man lamang kahit na anino sana nito. First time mangyari to, dahil di ugali ni mam ang pumasok ng late sa kanyang klase.
Unti-unti nang gumugulo at umiingay ang klase.
"Sana absent si mam Lexie."
rinig kong sabi ng isa kong kaklase."Oo nga. Magdilang anghel ka friend." dagdag pa ng isa.
"Tama! At kung sakaling late naman sya dapat bawal na sya pumasok, kasi pag late nga tayo sinasarado nya ang pinto. Dapat mahigpit din tayo sa kanya. Ang unfair naman kung sya lang ang pwedeng ma-late di ba?"
sambit pa ng isa.At tawanan ang sumunod.
"Haha, mga loko-lokong 'to. May karapatan ang mga gurong ma-late. Maybe may emergency sa bahay nila, and guro sila in the first place kaya wala silang karapatang magreklamo." natatawa kong bulong sa sarili ko.
Maya-maya pa, may isang teacher na biglang pumasok sa room namin. Hindi ito si mam Lexie. At bigla itong nagsalita.
"Hi class. Please listen attentively.
I have an announcement.
Pinapasabi ni Ms. Natividad na hindi raw sya makakapasok ngayon dito sa klase. May emergency sa bahay nila and it's a private matter so I hope na maintindihan nyo siya. You may now take your break and wait for your next teacher. Is that clear?" mahabang paliwanag at tanong ng stranger teacher sa harap namin ngayon. Stranger dahil hindi pa namin sya nagiging guro for the past subjects and years."Yes ma'am." magalang naming sagot.
At pagkaraa'y lumabas na rin ito.
Nang mawala na ito sa aming paningin ay lalong nagka-gulo sa loob ng klase. Nagtayuan sila at naghihiyawan dahil nagwagi sila sa kanilang panalangin. Panalangin na may dalawang oras kaming pahinga sa pag-aaral.
BINABASA MO ANG
Pentastic: The Magical Pen (COMPLETED yet UNEDITED)
Fantasy☆COMPLETED☆ WINNER OF BEST BOOK AWARDS 2017. 1st place in Fantasy. #144 in Fantasy. #208 in Fantasy. #229 in Fantasy. (12-25-17) Highest Ranking: #144 in Fantasy. Isang estrangherang matanda na kay talim ng titig at ubod ng sungit. At isang maga...