Chapter 12 : #3 Draw
Dedicated to: ZeroSaExam
(My little brother/solid reader)Ikumi's POV
"Ano nga kaya ang susunod kong iguguhit? Hmmmm.." tugon ko sa aking sarili habang nakatulala sa kisame."Na-iguhit ko na ang 2 bagay na mahalaga samin ni mommy, ang bahay at syempre pera. Ang hirap namang mag-isip ng importanteng bagay na kailangan kong
i-drawing!" reklamo ko sa sarili ko sabay gulo ng aking buhok.Kahit na mahirap ay pinilit ko pa ring mag-isip. Sana naman ay may maisip na 'ko.
Makalipas ang 5 minuto ..
"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAH! ALAM KO NA! Tutal wala naman na kaming mahihiling pa dahil may bahay naman na kami. Ito na lang ang iguguhit ko." tugon ko sa aking sarili.
Ilang saglit pa'y sinimulan ko na ulit mag-drawing. And for the third time, as usual pangit ang umpisa ng drawing ko. Pero nang matapos ko na ito, kaagad ding gumanda ang drawing ko, waring guhit ng isang pintor.
Ang drawing ko nga pala ay isang ..
Tao! You read and heard it right, isa ngang tao. Boy in particular.
Syempre 'di naman ako magaling magdrawing kaya stick man ang kinalabasan nito sa una. Salamat na lang sa magic pen dahil isipin ko lang ang magiging itsura ng tao o anumang bagay na iguguhit ko ay napaka-ganda agad ng output ko kahit pa drawing pa lamang ito. At mas bongga pa ang kalalabasan kapag nagkakatotoo na ito.
At kung tatanungin nyo ako kung bakit ko naisipang gumuhit ng tao? Actually, hindi ko rin talaga alam. Haha. Yes unnecessary sya pero anong malay nyo, baka mamaya ang taong iguguhit ko e nasa kanya na pala lahat ng qualities ng aking "Dream guy."
"Sorry po diwata Ophelia! Bahay lang naman po ang pinaka-mahalagang bagay samin ni mommy. Sobra naman po kasi ang 7 magic drawings. Patawarin nyo po ako sa susunod kong iguguhit." sabi ko sa paligid. Nagbabaka-sakaling marinig ito ng diwata tutal nama'y lagi nyang ginagabayan ang lahat ng mga tao.
Pagkatapos ay inilapag ko na ito sa sahig. At maya-maya'y nasa harap ko na naman ang naka-bubulag na liwanag na syang dahilan ng muli kong pagpikit.
At pagmulat ko ..
"OH....M.....G!" o__o
"Totoo ba itong nakikita ko?
Idol at crush ko 'tong singer ah?
Bakit may gwapong nakatayo sa harapan ko?" sabi ko sa aking sarili habang nakatulala at literal na naka-nganga sa gwapong nilalang na nasa harap ko ngayon.At maya-maya pa'y nakipagsabayan din ito ng pagtitig sakin. Tila nagtataka at pilit nyang inaalala ang mukha ko.
Author's Note:
Eto na guys. Si Mr drawing/mysterious. Keep reading po.
Thank you. 😊
BINABASA MO ANG
Pentastic: The Magical Pen (COMPLETED yet UNEDITED)
Fantasía☆COMPLETED☆ WINNER OF BEST BOOK AWARDS 2017. 1st place in Fantasy. #144 in Fantasy. #208 in Fantasy. #229 in Fantasy. (12-25-17) Highest Ranking: #144 in Fantasy. Isang estrangherang matanda na kay talim ng titig at ubod ng sungit. At isang maga...