Dedicated to: SsejnelReyb
(My dearest bebest)Chapter 9 : #2 Draw
Ikumi's POV
"Hmm.. Ano nga kaya ang susunod na ido-drawing ko?"
*TIIIIIIIIIIING!
At waring may suminding ilaw sa ulo ko.
"ALAM KO NAAAA!"
naibulalas ko sa paligid. Nasiyahan ako sa naisip ko.Kailangan ko ng dagdag pangmatrikula at kagamitan sa tuwing may projects kami kaya naman ang iguguhit ko ay ..
(Drums rolling..)
PERA. Tama pera, para matulungan ako nito sa mga ilan ko pang gastusin sa school at para di na rin dumoble kayod si mommy para samin. At yung ibang matitira, ilalagay ko sa savings namin sa bangko at ang iba naman ay ido-donate ko sa isang orphanage na nadaanan namin minsan ng mga kaibigan ko. Siguradong matutuwa ang diwata nito at may matutulungan akong mga kapus-palad na bata, tulad ko.
Nasa terrace pa rin ako. Napagpasyahan ko nang umupo sa sahig. Kumuha ako ng kapirasong papel. At nagsimula na kong mag-drawing.
Sa una'y mukhang likha pa rin ito ng isang grade 1. Di ako pwedeng maging Graphic artist nito. Natawa ako sa isiping iyon.
Maya-maya, tulad ng inaasahan ko ay
muling gumanda ang iginuhit ko.At inilapag ko ito sa sahig.
Ilang saglit pa'y ..Nagliwanag ang bungkos-bungkos na perang iginuhit ko. Tila may fireworks display mismo sa harap ko dahil sa dala nitong matinding liwanag.
Ayoko pang mabulag kaya't hinarang ko ang mga braso ko sa aking mukha.
At pagkawala ng liwanag,
ang tumambad sakin ay.."WOOOOOOOOOOOOOW!
Oh My Gulay. Ang daming pera!
MAYAMAN NA KAMI!" galak at mangha kong sabi sa sarili ko habang pinagmamasdan ang milyung-milyong salaping nasa harap ko. *o*"Ano kaya ang panibagong reaksyon ni mi. Sana naman di na sya magalit. Sabagay, alam nya naman na ang tungkol sa mahiwagang pen kaya di na yun mabibigla." pagpapalakas ko sa aking sarili.
********************
May ingay akong narinig. Mula iyon sa aming gate.
"Mukhang naka-uwi na si mommy." sambit ko.
Pagpasok pa lamang nya sa gate ay kaagad ko na syang tinawag at kinawayan.
"Mi! May surprise ulit ako sayo." sigaw at kaway ko kay mommy at baka di nya ko marinig dahil nga nasa taas ako.
"Ano naman yan? 'Kaw talagang bata ka. Ginamit mo na ulit yung magic pen mo no?" pabalik nyang tanong sakin.
At nag-sign language ako na pumasok na sya sa loob para mas magka-intindihan kami.
Kaagad akong bumaba para salubungin si mi at ipakita ang sorpresa ko.
"Mi tara po sa taas, may ipapakita ako." excited na paanyaya ko sa kanya.
"Ano na naman yan ha bunso? Siguraduhin mong magugustuhan ko yan kung hindi naku .."
tanong at pagbabanta ni mi sakin. Haha grabe to si mommy."Maganda to mi, Basta. Tara na po!"
Hinawakan ko sya sa braso at dali-dali kaming umakyat sa hagdanan.-------------------
"Teka, sandali! Dahan-dahan lang bunso, baka mapatid tayo sa pagmamadali mo." suway nya sakin.
"Ooooppsss. Haha sorna mi, excited lang po talaga ko." at nag-peace sign pa ako sa kanya. ✌
At nang makarating na kami sa terrace ..
******************
"OH .. MY .. GOSH! Ang daming pera nito anak." mangha nyang sabi sa akin.
"SURPRISE!" sabi ko pa.
"Mi, kahit di na po kayo mag-trabaho mabubuhay na tayo nito. Magtayo po kayo ng kahit na anong negosyo na gusto mo dahil may puhunan naman po tayo. Yung iba po is-save naten sa bangko at y-yung--"
Di ko na natapos ang sinasabi ko dahil bigla akong niyakap ni mommy. Ang swerte ko talaga dito.
"Anak.. Ikumi, bunso ko. Salamat sayo at dyan sa pen na yan. Maipagpapatuloy mo pa ang pag-aaral mo. Hindi mo na kailangang tipirin at pagkasyahin ang maliit mong baon. Makakapagtapos ka na, at higit sa lahat .. Mayaman na tayo anak. At makakatulong na tayo sa kapwa natin mahihirap. Salamat talaga. Alam mo bunso, napaka-swerte ko dahil ikaw ang naging anak ko." mahaba nyang tugon at paglalambing sakin.
Lumalabas na naman ang pagka- balat-sibuyas ko. Si mommy kase e, ang drama. Yan tuloy, nahawa ako. T__T
"Mali ka mommy. Ako po ang pinaka-swerteng anak sa buong mundo dahil kahit mahirap tayo, mayaman naman ako.. sa pagmamahal at pag-aaruga mo mi. Napaka-swerte ko dahil kayo po ang naging mommy ko. Salamat po." mahaba kong sambit kay mi at ginawaran ko sya ng isang matamis na halik sa kanyang pisngi at isang mainit na yakap. Yakap ng isang mapagmahal na anak.
Nang pareho na kaming mahimasmasan sa drama moments namin ay manghang hinawakan at ipinaypay ni mi sa kanyang sarili ang mga pera. Masaya kaming nagkukulitan at nagtatawanan sa mga oras na 'to. Oras na unti-unti nang tinutupad ng mahiwagang pen ang mga pangarap ko.
Author's Note:
Keep on reading guys.
Thank you so much.😊💜
BINABASA MO ANG
Pentastic: The Magical Pen (COMPLETED yet UNEDITED)
Fantasy☆COMPLETED☆ WINNER OF BEST BOOK AWARDS 2017. 1st place in Fantasy. #144 in Fantasy. #208 in Fantasy. #229 in Fantasy. (12-25-17) Highest Ranking: #144 in Fantasy. Isang estrangherang matanda na kay talim ng titig at ubod ng sungit. At isang maga...