Chapter 42: #7 Draw
Zaffrina's POV
Nasa loob ako ngayon ng aming paaralan. Alas-dos pa lang ng hapon ay natapos na agad ang aming klase kaya naman mabilis akong nagtungo rito sa field kung saan nagaganap ang fitness activities namin tuwing kasagsagan ng aming MAPEH o P.E. subject.
May mga iilang puno kang makikita rito habang ang kabuuan ay isang luntiang field.Ako lang ang nandito ngayon dahil ang ilang studyante ay nasa canteen habang ang karamihan ay nagpapaka-dalubhasa pa sa pag-aaral o di kaya'y
dumiretso na sa kani-kanilang mga tahanan."PERFECT!" Naka-ngiti kong wika sa aking sarili. Ito ang napili kong lugar dahil obviously, walang mahilig tumambay dito. Mas gusto kasi ng mga rich students na mag-relax sa mga well-ventilated na canteen. Fully-air conditioned kasi lahat ng mga facilities dito. Well, pwera nalang syempre sa open space like here at sa stage.
Umupo, sumilong at sumandal ako sa isang malaking puno na nandito. Ito ay isang Acacia.
Nagpa-hangin at nag-isip-isip muna ako ng ilang saglit at maya-maya pa'y...
Kaagad kong inilabas ang isang kwaderno ko at ang mahiwagang pen.
"I'll draw something fabulous! Well, just like me." Mahina kong sambit. Nang makuntento na 'ko sa ideyang naisip ko ay sinimulan ko nang gumuhit sa aking notebook.
Pagkatapos ng tatlong minuto...
"'Yan, kasing pretty ko na!" At nakuntento agad ako sa'king drawing. Gamit ang pen na ito'y parang pwede ka na ring maging isang pintor.
Ang drawing ko nga pala ay...
Samu't-saring mga collections and expensive designer's bags. Girls out there, gets n'yo naman siguro kung bakit ito ang sunod kong iginuhit, dahil for us, having a gorgeous and designers items make us feel that we're blessed enough to be a wealthy being. And the other reason is because this are just merely and will surely satisfy our wants. Remember, Bags are always present in our fashion statement.Maya-maya lamang ay mas lalo pang gumanda ang iginuhit ko.
"I love it! Kasing dyosa ko na 'tong mga cute drawings ko."
At napag-desisyunan ko nang ilapag ang notebook ko rito sa damuhan.
And as expected, bigla nalang pinalibutan ng matinding liwanag ang pwesto ko. Aba, dinaig mo pa ang araw ah!
Ilang minuto rin ang itinagal nito. At nang mawala na ito'y..."AAAAAAH! OMG! Is this real? You're so amazing, my pen!" Galak na galak kong sigaw sa paligid habang isa-isa kong niyakap ang mga expensive bags ko na nagka-totoo.
Iba't-iba ang kulay ng mga bags ko. Halos lahat na yata ng kulay sa rainbow ay nandito na. The sizes were varied also. The texture of all the bags here are smooth, some are rough and others are made from leather. And most of my purses are made from precious gems like diamonds, tourmalines, sapphire, gold and white gold.
BINABASA MO ANG
Pentastic: The Magical Pen (COMPLETED yet UNEDITED)
Фэнтези☆COMPLETED☆ WINNER OF BEST BOOK AWARDS 2017. 1st place in Fantasy. #144 in Fantasy. #208 in Fantasy. #229 in Fantasy. (12-25-17) Highest Ranking: #144 in Fantasy. Isang estrangherang matanda na kay talim ng titig at ubod ng sungit. At isang maga...