Chapter 25

1.4K 83 53
                                    

Chapter 25: LOVE is in the Air Part 2 ❤

Dedicated to: SsejnelReyb

Phoenix's POV


"Oy Phoenix 'the joker', nagugutom ako. Tara bili tayo ng pagkain sa canteen!" Pagyaya nya sakin.


"TAYO? Tayo na Ikumi?" Mangha at biro kong tanong sa kanya.


"Nagpapasama ako, okay! Walang tayo, baliw! Kung ayaw mo, bahala ka. Maiwan na kita dyan." Natatawa nyang sagot sakin at bigla itong naglakad palayo.


"Sama ako master. Hintay!" Pagkasabi nun ay tumakbo na 'ko sa kinaroroonan nya.

*****

Sa canteen..

Pumila agad kami ni master Ikumi para bumili ng makakain namin.

"Ano bibilhin mo master?" Panimulang tanong ko sa kanya.

"Hmm. Tocilog at cappucino. Sayo Phoenix?" Pabalik nya namang tanong sakin.

"Pareho nalang din ng iyo Ikumi!" Masigla kong sabi.

"Gaya-gaya!" Pang-aasar pa nyang sambit.

"Hindi. Mukhang masarap kasi yung in-order mo." Paliwanag ko sa kanya.

"Okay." nasabi nalang niya.

Pagkatapos maibigay ng in-order namin ay dinala ko na ang tray at naghanap kami ng bakanteng upuan.

"Phoenix dun o! Wala pang naka-upo. Tara!" Pagyaya sakin ni Ikumi.
Tumango lang ako at kaagad na sumunod sa pwestong tinuro nya.

Matapos kong ilagay ang mga pagkain sa lamesa ay nagdasal muna kami at pagkaraa'y nagsimula na kaming kumain.

"HMMM. Ang sarap!" Ganadong wika ni master habang kumakain.

"Oo nga master! Ang sarap nga." Masigla ko ring tugon sa kanya.

Pagkatapos ay uminom sya ng bahagya sa kanyang Cappucino.
At paglapag nya ng baso..

"Hahaha. Ang cute mo master!" Natatawang sabi ko sa kanya dahil may bakas pa ng whipped cream ang kanyang labi at ilong.

"Cute naman talaga ako ah

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Cute naman talaga ako ah." Walang kaalam-alam nyang sagot sakin.

"Haha oo alam ko master pero hindi yun ang dahilan kaya natatawa ako sayo." Paliwanag ko pa.

"Ewan ko sayo! Ginu-good time mo na naman ako kulet. 'Di na ko maniniwala sayo. Akala mo ah." Natatawa nyang banggit at pagkatapos ay sinamaan nya ko ng tingin. Hala totoo naman ang sinasabi ko. -___-

"Haaaaaays.. Eto oh!" Lumapit ako sa kanya, tinitigan ko sya sa kanyang mga mata, hinaplos ang kanyang pisngi at pagkatapos ay pinunasan ko ang naiwang whipped cream sa kanyang ilong gamit ang daliri ko.

"O ayan. Ang cute mo na lalo!" Naka-ngiting wika ko sa kanya.

Dahil sa ginawa at sinabi ko ay bigla syang nag-iwas ng tingin sa akin at muling namula.

"T-Thank you Phoenix!" Kabado nyang sagot.

"You're welcome master ko." Tugon ko naman.

Pagkatapos ng tagpong 'yon ay wala ni isa man samin ang naglakas-loob na magsalita. I think there's an awkward atmosphere here. Just right now. Naiiling ko nalang sabi sa aking sarili.

Nagpatuloy lang kami sa pag-kain. At pagkatapos ay nagtungo na kami sa aming classroom. Isang mahabang oras ulit ang guguggulin namin para sa karagdagang kaalamang matututunan namin ngayon.

A/N: Keep on reading
Pentastic's. TY.(=^__^=)

Pentastic: The Magical Pen (COMPLETED yet UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon