Chapter 40

1.1K 48 114
                                    

Chapter 40: Team Work

Dedicated to: ZeroSaExam

Ikumi's POV

Kinabukasan...

Maaga akong nagising mula sa higaan ko dahil walang dapat na masayang na oras. Kailangang mas maaga naming simulan ang paghahanap ng magic pen dahil mahirap mangapa sa dilim. Mas matatagalan ang pagsisiyasat lalo na kung gabi na at ang magsisilbing liwanag na magagamit mo ay ang buwan, bituin at ang flashlight kung sakali.

Nakapag-bihis na 'ko at kasalukuyang hinihintay si Persephone sa labas ng aming bahay.

"Ang tagal naman ni bebest! Nasaan na kaya 'yon?" Bulong ng isip ko.

At ilang saglit pa'y biglang nag-vibrate ang phone ko mula sa aking bulsa. At nang kunin ko ito.

"O si bebest pala. Malapit na ako diyan bebest. Just wait me there, okay?" Bungad na text niya sakin. Kaya naman kaagad akong nag-reply.

"Yeah. I'm waiting outside as of the moment." At nang matapos ako'y muli ko itong ibinalik sa aking bulsa.

And after 20 mins.

"BEEP BEEP!" Pagbusina ni Persephone mula sa kanyang sasakyan. Kaya napa-lingon ako mula sa kinaroroonan niya. At nang huminto siya sa tapat mismo ng bahay namin..

"O bebest, tara na! Mahaba-habang paghahanap 'to." Wika pa niya sa'kin sabay bukas ng pinto ng kanyang kotse.

"Wait lang, mamaya na tayo umalis bebest! Bumaba ka muna dyan." Tugon ko pa rito at sinenyasan ko siyang bumaba at lumapit sa akin.

"Nakakaloka ka bebest. Pinapunta-punta mo 'ko ng maaga rito tapos maghihintay din pala tayo ng matagal. Ewan ko sayo girl!" Reklamo pa niya sa'kin at umismid siya pagkatapos. Kahit na labag sa kanyang damdamin ay kaagad din niyang sinunod ang sinabi ko. Mainipin ka talaga Phony.

"Gaga! Hindi ba ang sabi ko kagabi, may kasama pa tayo sa paghahanap ng pen. And I'm sure that they will be a great help for us. May mga powers yun!" Bulong ko pa sa kaniya.

"Woah really? As in parang powers lang ni Ms. diwata?" Mangha pa niyang pag-uusisa.

"Mas higit pa dun. Kaya just relax and learn how to wait, okay?"

"Okay, as you wish bebest!" Tanging na-isagot nya. At maya-maya lamang ay humalukipkip ito.

And after 10 mins.

"O, nandito na pala sila!" Naibulalas ko. At sabay kaming napatingin sa apat na taong papalapit sa amin. At nang makalapit na sila'y...

"Hi! Ako nga pala yung nagsadya sa school ninyo nung isang araw.
Sa Ace Academy. By the way, I'm Ikumi, and this is Persephone. And you are?" Pagpapakilala ko sa kanila sabay lahad ng kamay ko.

"Janray nga pala."

"Oh mammen! Haha I'm Kenneth."

"Kenrou, and I'm the mighty one!" Pagyayabang ng isa pa.

"Anong mighty yang pinagsasabi mo tol? Hahaha ano ka sigarilyo? Rei nga pala. And we are willing to help. Teka, Ms. Ikumi, right? Parang may kamukha ka, kaso di ko matandaan kung sino." At bigla nalang niya akong tinitigan. Hala kuya, wala namang ganyanan. Tinatakot mo 'ko!

Pentastic: The Magical Pen (COMPLETED yet UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon