Chapter 8

3.4K 183 44
                                    

Chapter 8 : Buhay Studyante

Ikumi's POV

Ilang linggo na rin ang lumipas. Ang bilis ng mga araw na nagdaan. Parang kailan lang unang araw palang ng pasukan ay late ako. Pero hindi na ngayon.

Malapit na ang long test namin sa ilang subjects, kaya kailangang magsunog ng kilay. Kailangan na hanggang matapos ang year na to, ako pa rin ang first honor para manatili ako sa scholarship na kinabibilangan ko.

Friday ngayon at kasalukuyan kaming nag-aaral ng asignaturang Filipino. Given na to sa mga studyante tutal pilipino rin naman sila. Tayo.

****************

Inatasan kaming magreport ngayon kasama ang 5 ka-grupo ko. Kung sino ang mga kahilera mong kaklase ay yun na rin ang magiging ka-grupo mo sa pagbibigay kaalaman, ayon kay mam.

At dahil pangmayaman ang school namin, kapag magre-report ka o ng ka-grupo mo, kailangan naming
i-present ito gamit ang projector at isang PowerPoint presentation.

Ang projector ang magpo-project ng isang lesson na ginawa mo mula sa iyong laptop. O di ba ang dami nilang kaartehan. Pwede namang isulat na lang sa board o kaya gumamit ng manila paper habang pinapaliwanag ang assigned report mo sa harap ng klase.

Hinati-hati ko na agad ang lesson na idi-discuss namin ngayon 1 week pa lang ang nakararaan para makapaghanda at maipaliwanag namin to ng maayos. Kung tutuusin, di na kailangang paghandaan dahil madali lang naman ang napuntang topic sa amin.

Sa mga Parts of Speech, Pang-abay at Pandiwa ang napuntang topic sa akin.

Maya-maya pa'y sinimulan na namin ang magandang talakayan.

"Mayroong sampung bahagi ng pananalita sa Filipino. Ito ang pangngalan, panghalip, pandiwa, pangatnig, pang-ukol, pang-angkop, pang-uri, pang-abay, pantukoy at pangawil o pangawing." Pagsisimula kong paliwanag sa klase.

"1.Pangngalan - (noun) mga pangalan ng tao, hayop, pook, bagay, pangyayari. Ginamit ito sa pagtawag sa pangalan ng mga hayop, tao, atbp.
Halimbawa: Barbara, bata, babae
At kung bagay naman ay sabon. At ang Pantangi nito halimbawa ay Safeguard.

2.Panghalip - (pronoun) paghalili sa pangngalan. Halimbawa: ako, ikaw, siya, atin, amin, kanya."
paliwanag ni Ryuu, isa sa ka-grupo ko.

"3. Pangatnig - (conjunction) ginagamit para ipakita ang relasyon ng mga salita sa pangungusap.
Halimbawa: dahil, maging, man, gawa ng, upang, nang, para, samantala atbp.

4. Pang-ukol - (preposition) ginagamit kung para kanino o para saan ang kilos." sunod na paliwanag naman ni Sylvie.

 At sunod na ibinahagi naman ni Nyx ang kaalaman nya sa topic na
Pang-angkop at Pauri. Habang Pantukoy at Pangawing o linker naman ang ibinahagi saming lahat ni Earl.


At pagtapos nya, ako na ang huling reporter. At nag-simula na akong magbigay ng leksyon sa kapwa ko kamag-aral.

"9Pang-abay - (adverb) naglalarawan sa pang-uri, pandiwa at kapwa nito pang-abay. At ang

10.Pandiwa - (verb) bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos.
Halimbawa:aw, tuwa, talo."

Mabilis kaming natapos dahil alam naman namin ang dapat na ipaliwanag.

"Very well said. So for your group Ms Ikumi, your grades are 95."
sambit ni mam samin.

"Yes ayos!" galak na tugon ni Ryuu.

"Nice work for our team!" sabi naman ni Nyxx. At nakipag-high five kami sa bawat isa.

3 grupo ang magre-report ngayon kaya't mataman lamang kaming nakinig.

-------------------------

Apat na subject ang lumipas at ..

*KRIIIIIIIIIIIIIIIING..

Oras na para mamahinga.

Nagpaalam na ko sa mga kaibigan ko.

"Bye mga bebest. Ingat tayo!" Paalam ko sa kanilang dalawa.
Niyakap ko sila ng mahigpit. At ginawaran din nila ako ng isang bebest hug.

"Susulat kayo ah. Mami-miss ko kayo." sabi naman ni Persephone.

"Haha sira! Akala mo naman habang buhay na di magkikita. E 2 days lang ako mapapayapa sa kakulitan mo bebest!" sagot ni Zaff kay Phony.

"CHE!" ganting sagot naman nya kay Zaff.

"O tama na rambulan. Tsupi na mga bebest. Haha bye girls!" at nagflying kiss ako sa kanila. At ginaya pa ko ng mga lola nyo. Mga loka talaga.

****************

Pagdating ko sa bahay dating gawi, ginawa ko ang mga household chores para relax na lang si mommy pag-uwi nya.

And after 3 hours..

Kinuha ko sa bag ang magic pen na bigay sakin ng diwata. At nagmuni-muni muna ako sa terrace. Iniisip ko ang susunod kong iguguhit.

"Hmm.. Ano nga kaya ang susunod na ido-drawing ko?"

*TIIIIIIIIIIING!

At waring may suminding ilaw sa ulo ko.

"ALAM KO NAAAA!"
naibulalas ko sa paligid. Nasiyahan ako sa naisip ko.

Author's Note:
Ikaw, alam mo ba kung ano ang susunod nyang drawing?
Sige, comment mo nga?  :)

Keep supporting me
through voting. Thanks..

Pentastic: The Magical Pen (COMPLETED yet UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon