Chapter 46

1.3K 42 142
                                    

Chapter 46: Dream

Dedicated to: Hwayoungniqz

Ikumi's POV

Muli ay huminga ako ng malalim at umupo na 'ko sa aking upuan. Pinilit kong maging abala ang isip ko. Dumungaw ako sa bintana habang nakapangalumbaba ako gamit ang kanang kamay at braso ko at hinintay ko nalang ang pagdating ng susunod naming guro.

****

Hindi ko na masyadong namalayan ang oras sapagkat nalibang ako sa mga leksyong itinuro sa'min ngayon ng aming mga guro.

At nang dumako ang aking paningin sa orasang naka-sabit sa taas ng dingding ay napansin ko na ang maliit na kamay nito ay naka-turo na sa numerong '5' habang ang mahabang kamay naman nito ay kasalukuyan namang naka-turo sa numerong '10'. Papalubog na ang araw at nagsisimula na ring dumilim ang kalangitan. Nakalabas na ang aming guro matapos itong makapag-paalam sa amin. Muli'y oras na ng aming pamamahinga.

Kasalukuyan kong inililigpit ang aking kwaderno, ballpen at mga libro nang biglang may tumawag ng pangalan ko at pagkaraa'y kinalabit pa ako. Boses pa lamang ang naririnig ko'y batid ko na agad kung sino ito, walang iba kung hindi si Persephone.


"Ikumi...Bebest, tara sabay na tayo." Malumanay niyang paanyaya
sa akin.


Nang masiguro kong wala na akong naiwang gamit sa aking mesa ay agad akong lumingon at tumugon sa kaniya.

"Okay na! O siya, alis na tayo bebest." At binigyan ko siya ng isang magandang ngiti. Isinukbit ko na ang bag ko sa aking kaliwang balikat, pagkatapos ay kumapit ako sa kaniyang kaliwang braso at nagsimula na kaming maglakad patungo sa parking lot.

***

At nang makarating kami sa parking lot...

"Ihahatid sana kita bebest kaso naalala ko, may kotse ka na nga pala." Natatawa pa niyang sambit sa'kin.

"Haha oo nga e. Sayang tipid sana sa gasolina't pamasahe."

"O siya, gumagabi na, mag-ingat ka sa pagmamaneho Ikumi. Naku!" Parang nanay pa niyang bilin sa'kin.

"Opo. Parang ako lang ang magmamaneho ah? Ingat sila sa'yo bebest!" Biro ko pa. And I come closer to her just to give her a big hug.

And after that, both of us entered our own cars. Ofcourse, I put my seat belt first and start the engine. The next thing I knew was I was driving next to Phony's car.

And after a few minutes...

She waved at me and then we separated ways. And I just continue on traveling way back home.

****

Lagpas kalahating oras din ang ginugol ko sa byahe kani-kanina lang.
Saktong 6:35 nang makarating ako sa aming bahay.

Ilang sandali pa'y bumaba muna ako sa aking sasakyan para buksan ang gate. At nang magawa ko na ito'y muli akong sumakay dito para maiparada ko ito sa aming parking lot.

Nang mai-ayos ko na ito'y bumaba na rin ako at agad kong isinara ang aming gate. Pagkatapos ay nagdire-diretso na ako sa loob ng bahay.

***

Pagkatapos kong kumain ng hapunan ay napagpasyahan ko munang mag-relax sa sala at manood ng paborito kong programa sa telebisyon, ito ay ang discovery channel.

Pentastic: The Magical Pen (COMPLETED yet UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon