Chapter 39: Oh No!
Ikumi's POV
(Insert: NO by: BTS)
"I love you Phoenix. But I'll have to get over from you." Tanging bulong ng isip ko kahit pa hindi ito ang nais ng pasaway kong puso.
Isang makabuluhang araw muli ang lumipas..
****
Naka-uwi na ako at kasalukuyang nagkukulong sa kwarto ko.
"Haaaaaaaaaaays.. Nakaka-stress na maghapon naman 'to." At maya-maya'y napagpasyahan ko nang matulog at niyakap ko ang isang unan. Ngunit..
"AAAAAAAAARGH! HINDI AKO MAKA-TULOG!" Sigaw ko pa. Kung anu-ano na'ng pwesto ng paghiga ang ginawa ko. Diretso, naka-side view, kulang nalang magpagulung-gulong na 'ko sa kama. Pero wala pa rin. 'Di pa rin ako dinadalaw ng antok.
Kaya napagpasyahan ko munang umupo at sumandal sa headboard ng kama ko.
"Hmm.. Medyo matagal na rin nung huli akong nakapag-drawing." Kaya naisip kong kunin mula sa bag ko ang magic pen.
At sinimulan ko nang halungkatin ang bag ko. Maya-maya'y..
"Hala, sandali, dito ko lang yun inilagay. Bakit wala?" Mangha ko pang tanong sa sarili ko.
Dahil sa sobrang pagka-taranta ko ay napagpasyahan ko nang itaob at itaktak ang bag ko sa kama. At mas nanlumo ako nang mapagtanto kong..
"OH NOOOOOOOOOOO! This can't be! MY MAGIC PEN IS MISSING!" Tanging naibulalas ko.
Kaagad akong tumayo at hinalughog ang buong bahay.
"Juice colored! Saan ako magsisimulang maghanap e ang lawak na nitong bahay? Oh my gulay!"
Sinimulan ko nang kalkalin ang mga drawers, silipin ang ilalim ng kama, study table, pasukin ang lahat ng silid dito, maski banyo ay hinalughog ko na rin. Ngunit bigo ako. Wala ang pen dito.
"Naku pen, nasa'n ka na ba? Last time pa-hard to get ka, ngayon naman pa-hard to find ka! Ano ba, taguan ba ang gusto mo? Waaaaaaaah.. Malalagot ako nito kay Ms. Ophelia nyan e." Paghihimutok ko.
Tumayo muna ako ng ilang saglit at pagkaraa'y nag-isip.
"Teka, nasa'n lang ba ako lagi? Ikumi, isipin mo yung mga huling pinuntahan mo!" Pagpapalakas ko pa ng aking loob.
TIIIIIIIIIIIIIIIIIIING!
At maya-maya'y may sumagi rin sa isipan ko.
"Bukod sa school, hmm.. Tama! Sa bahay nila Phony. Nung birthday party nung isang araw. Baka di ko namalayan na nahulog yun sa mansyon nila."
Kaagad kong kinuha ang phone ko na nasa ibabaw ng table na kinalalagyan mismo ng lampshade. Mabilis akong nag-dial ng numero at pagkaraa'y tinawagan ito.
Calling.......
Bebest Phony
And after 3 mins. ay sinagot niya na rin ito.
"Hello? Sino ba 'tong tumatawag ng dis-oras ng gabi?" At tila inaantok pa ang boses niya.
"Hi bebest ko. It's me, Ikumi. Sorry, naistorbo ko ba ang tulog mo?"
"Hindi, hindi. Kasalukuyan lang naman akong nananaginip nung tumawag ka. Ano ba yun?" Walang paliguy-ligoy niyang tanong sakin.
"Bebest, nawawala kasi yung magic pen na bigay ni Ms. diwata. E di ba last time, nandyan tayong lahat? Remember? Yung sabay na birthday blow-out ninyo samin ni.. bruha." It makes me feel awkward whenever I remember her or just even saying her name. Aaaaaargh. I don't know.
"WHAAAAAAAAAT?!" Sigaw ni Phony mula sa kabilang linya. Haha oa nitong babaeng 'to.
"ARAAAAAAAAY NAMAN BEBEST! Kung maka-sigaw ka naman dyan. Makabasag-eardrums." Saway ko sa kanya.
"Sorry naman bebest. Nakaka-gulat naman kasi talaga yang sinabi mo."
"Yeah, I know. Yun na nga, nagbabaka-sakali lang ako na baka nahulog dyan sa mansyon nyo yung pen ko." Paliwanag ko pa rito.
Ilang saglit pa'y bigla siyang nanahimik. Kaya naman..
"Uy bebest! Still there?"
"Yup. I think wala rito ang hinahanap mo bebest, kasi nung naglinis yung mga maids namin wala naman silang napansing pen." Saad pa niya sakin.
"Bebest Phony, can you do me a favor?"
"Yes, anything bebest. Ano yun?"
"Can you accompany me to find that pen tomorrow? Mahigpit na bilin kasi sakin ni Ms. Ophelia na ingatan ko raw yun at huwag na huwag kong hahayaan na mapunta ito sa masamang tao. Pero wala na, nangyari na ang kinatatakutan niya. I lost the pen that she cared most and it's all my fault! Masyado akong naging pabaya. Masyado akong nag-focus sa damdamin ko and I never imagined and noticed that it was already gone."
"Sure bebest. I'll help you find your pen." Mabilis niyang tugon sakin.
"Really? Salamat talaga bebest ko. Naku, 'di ko na alam ang gagawin ko kung wala ka!" I said it with a cheerful voice.
"Wala yun bebest. That's what friends are for, a helping hand with each other. Uhmm.. Bukas na natin ituloy ang chikahan, medyo late na rin oh kung mapapansin mo. Hahaha, I have a sleepy head right now." Pagtatapat pa niya.
"Oh sorry bebest. Haha ikaw kasi, ang daldal mo rin. Bukas may isasama rin pala ako na willing tumulong sa gagawin nating paghahanap. Secret muna sa ngayon. O siya, good night na bebest kooooooooo!" Pagpapa-alam ko sa kanya.
"Night night bebest. See you tomorrow!" At nang makapag-paalam na rin siya'y in-end call niya na ang kanyang cellphone. And I do the same thing also.
"Kailangan ko na ring magpahinga. I need a lot of energy! Energy and a very long patience in finding the pen. Hindi pwedeng mapunta ito sa kung sinu-sino lang." Humiga na rin ako at pagkatapos ay unti-unti na ring naka-tulog.
A/N:
Sorry, yan lang napiga
ni brainy. Hahahaha.
Keep on reading Pentastic's.
ㄟ(≧◇≦)ㄏ
BINABASA MO ANG
Pentastic: The Magical Pen (COMPLETED yet UNEDITED)
Fantasy☆COMPLETED☆ WINNER OF BEST BOOK AWARDS 2017. 1st place in Fantasy. #144 in Fantasy. #208 in Fantasy. #229 in Fantasy. (12-25-17) Highest Ranking: #144 in Fantasy. Isang estrangherang matanda na kay talim ng titig at ubod ng sungit. At isang maga...