Chapter 3 : Welcome to D.A.
Ikumi's POV
Pagkatapos ng mahigit kalahating oras na byahe, sa wakas! nakarating na rin ako sa school. Sa Dandelion Academy.Pagpasok pa lang ng gate, makikita mo agad na napakalawak ng paaralang ito at maraming nagtatayugang buildings. May green field sa bandang kanan para sa subject naming mga studyante na MAPEH o PE. Habang pagpasok at pagliko mo sa kaliwa ay doon naman naka-pwesto ang stage. At 4 ang canteen dito. Sossy.
At dahil 46 mins. na 'kong late, tumakbo ako ng ubod ng tulin. Wala na akong pakialam kahit pa may nababangga na kong studyante. Ang mahalaga, makahabol at makapasok pa rin ako sa klase.
"Tabiiiiiiiiii! Umalis kayo sa dinadaanan ko. Mga nakaharang!" sigaw ko sa kanila.
At gumilid sila. Haha mabuti na lang nadadaan sila sa sigawan.
Nang nasa tapat nako ng building ng room namin, walang tinging inakyat ko ang hagdan patungong ikatlong palapag. Dun pa kase sa itaas ang room ko.
Pagtapos ng dalawang minutong pag-akyat panaog, finally nasa third floor na rin ako.
Umupo at nagpahinga muna ako sa hagdanan ng ilang saglit.
"HAAAAAAAAAAAAAAAAAY!
nakakapagod naman ang mabilisang akyat sa hagdanan. Daig ko pa ang kalahok sa Marathon ah. I look like a mess! Ughhh.. Sana naman late ang teacher namin." Hiniling ko na lang sa sarili ko.
Sa dami ng pawis na tumatagaktak sakin ngayon ay nagmukha nakong basang sisiw.
Nang malapit na ko sa aming room, sumilip muna ako ng dahan-dahan palapit sa pintuan. Nagbabaka-sakaling late rin ang guro namin.
At Ola! Wala pa nga ang guro namin. Malamang late rin yun tulad ko.
"Kapag sinuswerte ka nga naman! Haha, akalain mong wala pang teacher." galak kong sambit.
Pagkaraan pa'y pumasok na 'ko sa loob ng room.
"Bebest dito!" tawag sakin ni Persephone, ang isa sa bestfriends ko.(ang pagbigkas ay persifoni )
Actually kase, tatlo kaming magkakaibigan. At isa pa sa dabarkads ko ay si Zaffrina o Zaff.
At tumakbo ako papunta sa pwesto niya. Nasa third row sya, sa bandang kaliwa. Malapit ito sa bintana.
Hahaha. Ako na lang at ang guro namin ang hinihintay ng klase.
Nang mai-ayos ko na ang aking bag at maka-upo, Interrogation agad ang sumalubong sakin.
BINABASA MO ANG
Pentastic: The Magical Pen (COMPLETED yet UNEDITED)
Fantasy☆COMPLETED☆ WINNER OF BEST BOOK AWARDS 2017. 1st place in Fantasy. #144 in Fantasy. #208 in Fantasy. #229 in Fantasy. (12-25-17) Highest Ranking: #144 in Fantasy. Isang estrangherang matanda na kay talim ng titig at ubod ng sungit. At isang maga...