Chapter 6 : Katotohanan
Ikumi's POV
"AHH!"Napabalikwas ako sa aking higaan ng may narinig akong sumisigaw.
"Sino ba 'yon? Teka bakit parang pamilyar ang boses?" sabi ko sa sarili ko habang pupungay-pungay pa ang mata ko sa kaantukan.
At biglang nagflashback sa isip ko ang lahat ng mga pangyayaring naganap dito sa bahay kagabi.
"SHOCKS.. Si mommy yun!" at taranta kong tinakbo ang kanyang silid.
Pagdating ko, nakita ko si mommy Evanna na nakatayo at ginagala nito ang kanyang paningin. May bahid ng pagkabigla, pangamba at pagtataka ang anyo ng kanyang mukha. o_o
"Mommy bakit po? Ano pong nangyari sayo? Ayos lang po ba kayo?" pag-aalala kong tanong sa kanya at kaagad ko siyang nilapitan at pilit na pinapakalma.
"Bunso naliligaw ba tayo ng bahay? Nasa'n ako? Bakit nasa ibang kwarto ako?" walang preno nyang tanong sa akin.
"Mommy, relax po. Inhale .. Exhale!" suhestiyon ko kay mommy at sinunod naman nya ito.
"Mi Evanna, hindi po tayo naliligaw ng bahay, sa halip ay nandito po tayo sa tahanan natin. Ito po ang kwarto mo." pagsisimula kong paliwanag rito.
"Bunso, hindi pa ako bulag para di malaman ang kabuuan ng kwarto ko. Hindi ito ang silid ko! Halika na, umuwi na tayo, bilis!" utos ni mommy sa akin at hinila na ko palabas.
"Mommy sandali!" sigaw ko at napatigil ito sa paglalakad at paghila sakin.
"May kailangan po kayong malaman." sambit ko sa kanya.
"A-ano y-yun?" utal at kinakabahan nyang tanong sa akin.
Kaya ko ba 'tong sabihin kay mommy? Bahala na.
"Wala na po ang dati nating apartment."
"ANO? Anong nangyari? Pinalayas na ba tayo ng may-ari? Nagbabayad naman tayo sa oras ah!" tugon nya sa akin.
BINABASA MO ANG
Pentastic: The Magical Pen (COMPLETED yet UNEDITED)
Fantasy☆COMPLETED☆ WINNER OF BEST BOOK AWARDS 2017. 1st place in Fantasy. #144 in Fantasy. #208 in Fantasy. #229 in Fantasy. (12-25-17) Highest Ranking: #144 in Fantasy. Isang estrangherang matanda na kay talim ng titig at ubod ng sungit. At isang maga...