Chapter 13

2.5K 135 92
                                    

Chapter 13 : His Name?

Dedicated to: _missingpiece

Ikumi's POV


"Totoo ba itong nakikita ko?
Idol at crush ko 'tong singer ah?
Bakit may gwapong nakatayo sa harapan ko?" sabi ko sa aking sarili habang nakatulala at literal na naka-nganga sa gwapong nilalang na nasa harap ko ngayon.

At maya-maya pa'y nakipagsabayan din ito ng pagtitig sakin. Tila nagtataka at pilit nyang inaalala ang mukha ko.

************

Ilang saglit pa'y binasag nya ang nakabibinging katahimikang pumagitna sa amin at pagkaraa'y nagsalita sya.

"S-sino ka? Nasaan ako? At sino ako?" tuluy-tuloy nyang tanong sa akin.

Hala, wala syang pangalan? Di nya kilala ang sarili nya? Tatawa na ba 'ko sa corny joke nya? My goodness.
-___-

"By the way, I'm Ikumi Yasuhiro. Nandito ka ngayon sa bahay namin. Ikaw, anong pangalan mo?"
Pabalik kong tanong sa kanya.

"Pangalan? Ano yun? Pagkain ba yun?" inosente nya pang tanong sa akin.

"Whaaaaat? Pangalan lang hindi mo pa alam? Pangalan, yun yung pagkakakilanlan mo na bigay sayo ng parents mo nung isinilang ka.
Like for example, pangalan ko Ikumi. Ikaw, anong tawag sayo ng mga kakilala mo? Don't tell me Alien ka? Pero sandali lang .. ang gwapo mo namang alien pag nagkataon."
naguguluhan kong tugon sa misteryosong lalaking nagmula sa pagguhit ko. Pinagmasdan ko sya ng mabuti habang nakakunot ang noo ko. Naku po, akala ko pa naman perfect guy yung kalalabasan, yun pala ulyanin guy hmp.

"Ah ganun pala! Wala akong pangalan. Haha." pagtatapat nya sakin ng may malapad na ngiti. Aba't natuwa pang wala syang pangalan.

"Weh? Hindi nga? Tigilan mo na ko sa di nakakatuwang biro mo. Ano nang name mo, dali?" Pangugulit ko pa sa kanya. Nauubos na ang pasensya ko rito.

"Wala nga akong pangalan. Haha ang kulet mo ateng maganda!" Ulit nyang sagot sakin at pinagtawanan pa nya ako. Aba talaga naman!

"Patay tayo dyan! Seriously whether I believe it or not mukhang nagsasabi ka nga ng totoo, wala ka nga atang name. So bibigyan pa pala kita ng bagong pangalan. Pangalan na pwede mong gamitin kahit san ka pa magpunta." Naiiling kong sambit sa kanya.

Saang planeta ba 'to galing? Sa Jupiter, sa Mars?  SAAAAAN?!
Confirm! Di nga tao 'tong iginuhit ko. May tao ba namang walang pangalan? E kung bugbugin ko kaya 'to. Ang gulo mo tol, promise.  -___-

"Ano nga kayang name ang bagay sayo? Hmmm.." At nagsimula na 'kong mag-isip ng pangalang fit sa kakisigan nya.

"Draven? Colin? Kirk? Axel? Tsk. Ang pangit, masyadong common at di bagay sayo. Ano pa kaya?"
Naguguluhan kong bulong sa sarili ko.

Pentastic: The Magical Pen (COMPLETED yet UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon