Chapter 5
Naalimpungatan si Emilia sa sunod sunod na katok na narinig mula sa pinto. She glanced at the wall clock, it says 10:17 AM. She yawned as she stretched her arms. Napasarap ata ang tulog niya. Sabagay, ang dami rin niyang iniisip kaya't napahimbing ang kaniyang pahinga.
Iniisip niya kung sino ang kumakatok ng ganito kaaga. Si aling Rosa ba o si Jaxson? Hiniling niya na si aling Rosa na lamang. Wala pa siyang enerhiya para harapin kay Jaxson, kung magkataon.
Nag-toothbrush siya at nagsuklay, pagkatapos ay naglakad siya papunta sa pinto at binuksan ito. Hindi niya inaasahan ang bumungad sa kaniya, ito ay ang fiancé ng kaibigan.
"Darius? Ba't ka napadaan?" Nagkukusot ng matang tanong ni Emilia. Napuyat siya kahahanap ng mapagtatrabuhan, katunayan ay inaantok pa nga siya. Hindi naman niya alam na dadating ito kaya't hindi rin niya napaghandaan.
Napakamot naman ng batok ang lalaking si Darius, ang kasintahan ng kaniyang kaibigang si Sheryl. "Naistorbo ko ba tulog mo? Pasensya na, may importante lang akong sasabihin." Nahihiya nitong tanong, matapos ay ngumiti ito nang makahulugan sa kaniya. Napakunot na lamang ang kaniyang noo, thinking kung ano ang nais iparating ng lalaki. Hindi naman niya ito ka-close. Sakto lang dahil nobyo ito ni Sheryl.
"Importante? Sige, pasok ka muna," Nilakihan ni Emilia ang awang ng pinto at pinapasok ang lalaki. Baka i-su-surprise na naman nito si Sheryl. Lagi siyang kakuntiyaba nito tuwing nais sorpresahin ang kaibihan. "Pasensya ka na, hindi pa ako nakakapaglinis. Kakagising ko lang rin kasi. Hindi mo kasi sinabing darating ka." Nahihiya niyang usal. "Kanina ka pa ba kumakatok?" Tanong pa nito. She feels flustered for she knows how she's hard it is to wake her up.
"Sus, para ka namang others. Medyo, mga half hour lang." Sabi naman ni Darius sa kaniya. Ngumisi ito at napatawa na lang si Emilia, she's still not fond of mornings. Pinaupo niya ang lalaki sa sofa.
Umupo naman si Emilia sa katabing upuan nito. "Nako, sorry ah. Nga pala, gaano ba kaimportante 'yang sasabihin mo at kailangan mo pa 'kong puntahan?" Nahihiyang napakamot ng batok ang lalaki. Lalo namang naguluhan si Emilia. It must be important, hindi naman siya nito sasadyain kung hindi.
"May i-o-offer sana ako sa'yong trabaho." Lumundag ang puso ni Emilia sa narinig. Kapag naririnig niya ang salitang trabaho ay kulang nalang ay magningning ang kaniyang mata.
"T-Talaga?!" Sabik na sabi ni Emilia. Darius chuckled at her reaction. She can't help but be surprised, she really needs a job right now. Nabanggit siguro sa kaniya ni Sheryl ang tungkol dito kaya't pati si Darius ay tinutulungan na rin siya.
"Hindi mo siguro nabasa ang text ni Sheryl." Napatayo naman siya at kinuha ang cellphone, matapos ay umupo muli sa tabi nito at binasa ang text ni Sheryl.
Sheryl
Emimimimi! Sorry, ngayon ko lang nabasa text mo. Sakto, may alam daw na trabaho si Darius, 'di ko lang alam kung ano pero dadaan daw siya mamaya. Mwaps.Alas-otso ito ng umaga nagtext kaya't hindi na niya ito nabasa. Napatingin siya sa lalaki nang may malaking ngiti sa mukha. "Anong trabaho? Kahit ano ah, basta 'wag ilegal!" Natatawang tumango si Darius sa kaniyang turan. She would accept any job that this man will offer, basta disente. Wala na siyang panahon para maging pihikan.
"Open minded ka ba sa business?" Napakunot si Emilia ngunit tinawanan lang siya nito, na siya naman sinuklian niya ng pambabatok. "Joke lang. 'Yung boss ko kasi, naghahanap ng asawaㅡ este bride daw." Napakunot ang noo ni Emilia sa narinig. Dating site ba ang kompanya ni Darius? Parang ang weird naman nitong inaalok niyang trabaho.

BINABASA MO ANG
Bride for Hire
General FictionEmilia is just a 23 year old broke girl na desperadang magkatrabaho. Kaso ay walang tumatanggap sa kaniya dahil bukod sa mataas na nga ang standards ngayon, hanggang high school lang ang natapos niya. Wala rin siyang work experience. Hanggang sa ina...