Chapter 8
Nagsisimula nang magpanic si Emilia. Meet the parents? Iniisip niya pa lang ang mga kontrabidang mga magulang sa mga drama ay gusto na niyang mag-back out. Lalo na't anak mayaman ang lalaki.
Naisip niya agad na pobre ang mga ito. Iyon na ang inaasahan niya, sa yaman ba naman ng lalaki. Hindi niya tuloy mapigilan mag-isip.
"N-Ngayon na? Hindi ako ready! Saka nasa usapan ba natin 'to? Bakit agad-agad?" Sunod-sunod niyang tanong. Kinakabahan siya, hindi niya alam ang gagawin. Hindi niya alam kung paano umaktong mayaman at sosyal. Kahit noon pa man ay hindi niya talaga kayang makipagsabayan sa mga magagarbong tao.
She's very tensed at the moment.
"You sure ask a lot of questions. It's in the contract. You should cooperate in wedding preparations and act properly in front of the groom's family and colleagues. You're my fiancee now, after all." Nanlambot ang tuhod ni Emilia. She aggressively shook her head while clicking her tongue, silently hoping that his family is not what she expects them to be.
She doesn't want to mess this up. This is still her job, afterall.
Napatingin si Emilia sa malaking gate na bumukas. Napaawang ang labi niya sa laki ng front yard nito. Mayroong fountain at may mga hedges na nakapalibot dito. Sa tabi ng pathway ay ang malawak na lawn na may iba't ibang klase ng mga puno at picnic tables. There is a building made of glass which looked like a conservatory garden.
Mas lalo siyang namangha nang makita ang ekstruktura ng bahay. Moderno ang pagkakagawa nito. Isang mansiyon na ang kulay ay pinaghalo-halong shades ng brown at black, na maraming tinted glass. Napasara siya ng bibig nang bumukas ang pinto ng kotse.
Pagkababa niya ay sumalubong sa kaniya ang naka-extend na braso ni Sebastian. Tinitigan lang niya ito, hinihinuha kung ano ang ginagawa ng lalaki.
"Dense." Sebastian said as he grabbed her arm at inangkla ito sa braso niya. Muli niyang naramdaman ang kaba. She never expected this to happen so soon. Nagsimula nang manlalamig ang mga kamay niya, hindi niya ito napaghandaan, ni hindi nga niya alam kung bakit hindi niya naisipan ang bagay na ito.
She wondered how his parents are like. Ipapahiya ba siya nito? Pagkakatuwaan? Matapobre? Ganoon ang mga nasa teleseryeng napaood niya. Hindi rin naman iyon malayo sa totoong buhay. She silently wished not.
"P-P'wede bang mag-back out? Hindi ko yata kaya. Gusto kong maihi sa kaba." She asked nervously. May pakiramdam kasi siyang ipapahiya niya lang ang sarili. Nanliliit siya, ang layo ng agwat at ng antas ng pamumuhay ng lalaki sa kaniya. Tinitignan niya pa lang ang karangyaan nito'y natutunaw na siya. She doesn't belong here.
"Chill. You signed up for this. Nandito na tayo. I'll just help you out. It'll be over before you know it." Kahit papaano'y nabawasan ang kaba niya ngunit mas nangingibabaw pa rin ang kagustuhan niyang tumakbo na lamang palayo sa lugar na ito.
Bumukas ang malaking double door at bumungad sa kanila ang mga katulong na nakauniporme.
"Bonsoir!" Sabay-sabay na bati ng mga katulong na nakalinya sa gilid at sabay-sabay din ang mga itong nag-bow.
Nagtataka silang tinitigan ni Emilia at magalang na iyinuko ang ulo pabalik sa mga ito.
"What are you doing? Straighten up." Napataas naman ang mga kilay ni Emilia at gumiti sa mga ito. Naiilang siya, hindi siya sanay sa ganitong eksena. She's very intimidated with the place. It all reeks luxury and fortune.
BINABASA MO ANG
Bride for Hire
General FictionEmilia is just a 23 year old broke girl na desperadang magkatrabaho. Kaso ay walang tumatanggap sa kaniya dahil bukod sa mataas na nga ang standards ngayon, hanggang high school lang ang natapos niya. Wala rin siyang work experience. Hanggang sa ina...