Chapter 16
"Mama!" Ibinaba ni Emilia ang kahon na naglalaman ng mga picture frames at agad na kumaway kay aling Rosa.
Nakapagpalipas na siya ng isang gabi sa condo. At ngayon nama'y kinukuha niya ang mahahalagang gamit niya na naiwan sa apartment para mailipat sa unit niya ngayon.
Agad niyang nilapitan ang ale. Ilang linggo na silang hindi nakakapagusap nito, at sobra niya na itong namiss. Masiyado palang demanding ang nakuha niyang trabaho. "Oh hija, saan ka pupunta?" Niyakap niya ng mahigpit ang matanda. Naging masiyado siyang abala at hindi na sila nakakapagusap nito gaya ng dati.
Sabagay, a lot of things changed mula nang ma-engage kuno siya kay Sebastian. Her environment is so new, ibang iba sa nakasanayan. Maski nga si Sheryl ay hindi na niya nakakausap hanggang ngayon. Umuuwi lamang siya sa apartment kapag tapos na ang araw, kung kailan ubos na ang kaniyang enerhiya.
"'Lika 'ma!" Pumasok sila sa loob ng bahay ni aling Rosa, at doon kinuwento ni Emilia ang trabaho, mula sa alok ni Darius hanggang sa kasunduan at pagpayag niya dito. May tiwala naman siya sa matanda na hindi nito sasabihin kahit kanino, at wala rin naman sigurong magtatanong dito.
"Susmaryosep! May ganoon palang trabaho?!" Tumango-tango si Emilia. She expected that kind of reaction, so similar to hers the first time she heard about it.
She pursed her lips before answering. "Basta 'ma, kayo lang makakaalam nito ah." Aling Rosa sighed deeply. Iniisip nito kung ano ang pumasok sa kokote ni Emilia para tanggapin ang trabaho. Pero ano pa nga bang magagawa niya bukod sa suportahan ito. She always treated the lady like her own daughter.
"Sige, nako. Ikaw talagang bata ka. Basta dumalaw ka pa rin ah." Hinaplos ng matanda ang kaniyang buhok na nakapagpangiti sa kaniya. Kapag siya'y libre ay dadalawin niya ito. Malaki ang naitulong nito sa kan'ya, she's forever grateful for that.
Niyakap niya ito muli ng mahigpit bago magpaalam. Iniayos na niya ang kahon sa trunk ng kotse pati ang maleta't bag na naglalaman ng mga damit niya.
Bago siya pumasok sa loob ng kotse ay tinitigan niya muna ang apartment. Mabuti naman at ibinalik ng driver ang pinto, napailing iling na lamang siya habang nakangiti nang maalala ang eksena. It seems so absurd, kakaiba talaga anh pagiisip ng lalaki.
"Emi! Emi!" Napaharap siya at tumingin sa babaeng tumatawag sa kan'ya. Ito ang may-ari ng apartment, ang landlady. Ngayon lang niya napagtanto na apat na buwang na ang kaniyang utang dito!
"A-Ah. Tita Gina!" Kinurot naman siya nito sa tagliran habang pinanlalakihan siya ng mata. Hindi niya tuloy maiwasang mapangiwi.
"Tita Gina tita Gina ka d'yan. Hindi kita pamangkin!" Nakapaymwang nitong saad. "Akin na 'yung utang mo. Balak mo pa pala akong takbuhan ngayon ah!" Mas lalo siyang napangiwi sa bulyaw ng babae. She totally forgot about it.
"Tumatanggap po ba kayo ng... credit card?" Nagba-baka sakali niyang tanong. Wala siyang cash ngayon, tanging ang card lamang na binigay ni Sebastian ang mayroon siya.
"Credit card?! Aba'y kumecredit card ka pa ngayon. Tigilan mo ako Emilia ha, nakapundar ka ng kotse at credit card pero wala kang pambayad ng apartment?!" Alanganin siyang napangiti at napakamot ng batok. Kung alam mo lang. Kuwan niya pa sa isip. Mahirap ipaliwanag ang kaniyang situwasyon.
Pabiro siyang umakbay dito, sinusubukan kung gagana ang kaniyang pang-uuto. "Alam mo kasi Tita G, hindi na uso cash ngayon. Pa-swipe-swipe na lang!" May action pa nitang kuwento. Tumaas naman ang dalawang kilay ni Gina at tinanggal ang nakakawit na braso ni Emilia.
"Cash ang kailangan ko, Emi! Aba ilang buwan na kitang pinagbigyan ah." Napakamot ng batok si Emilia, mukhang wala siyang takas dito.
"Bukas. Bukas mag-wi-withdraw nalang ako!" ...sa bank ko na si Sebastian. Dagdag niya sa isipan. Hindi naman siguro masamang bumali, hindi ba?
BINABASA MO ANG
Bride for Hire
General FictionEmilia is just a 23 year old broke girl na desperadang magkatrabaho. Kaso ay walang tumatanggap sa kaniya dahil bukod sa mataas na nga ang standards ngayon, hanggang high school lang ang natapos niya. Wala rin siyang work experience. Hanggang sa ina...