Chapter 40

9.8K 200 23
                                    

Chapter 40

Agad napaarko ang kilay ni Emilia. This girl is bad news, a total bad news for her. Sa lahat ng mga pagkakataon, hindi pumasok sa isipan niya na muli pag mag-ku-krus ang kanilang mga landas.

Hindi niya alam ang kaniyang i-re-react nang maalala kung saan niya ito nakita.

Maganda naman ito, maputi, matangos, itim at bilugan ang mga mata at may kulay brown na buhok. Mukhang foreigner ang itsura.

"Do you remember me?" The girl said with a mischievous smile. At that point, Emilia just wants to drag Sebastian out of the place and go home.

Itong ito pa rin ang babaeng nakilala niya sa bar sa Paris. Ang babaeng nakasagutan pa niya dahil kay Sebastian. Hindi niya inaasahang may ililiit pa ang kaniyang mundo.

Silence. There was a moment of silence, which the girl broke with a high-pitched laugh. "I remember you very well! Especially you." She says the last line with a low and sultry voice while twirling her hair. Her eyes landed on Sebastian, not to mention the seductive smile on her lips. Emilia knew she was still flirting with him at this point. 

Sa dinami-dami ba naman ng organiser, 'eto pa ang nakuha ni Valentino.

"Let's get into business, shall we?" Emilia said with a straight face. Napapa-English tuloy siya ng wala sa oras. If only she could roll her eyes at this moment. Ngunit alam niyang kailangan niyang maging kaswal lamang. She is trying hard to not make a big deal out of this.

"Of course. But let me introduce myself first." Naupo ito sa head na upuan. Napansin pa ni Emilia ang bahagyang pagdasog nito papalapit kay Sebastian.

"I'm Ana Hadley Duval but you can call me Hadley," May ngiti nitong sabi na sa paningin naman ni Emilia ay peke. Matapos ay kagat labing lumipad ang paningin ng babae kay Sebastian. "Or you can just literally call me." Kumindat ito at dahan-dahang idinausdos ang calling card sa harapan ni Sebastian. Doon na napairap si Emilia ng tuluyan. Talagang mapupuno na siya nito.

Tinignan niya si Sebastian at inobserbahan kung ano gagawin nito. Agad umaarko ang kaniayng kilay nang dinampot nito ang calling card.

Ngumiti nang matagumpay si Hadley na sinuklian na lamang ni Emilia ng matalim na tingin. "Thanks, I'll call you if we have any concerns regarding the event." Usal ni Sebastian sa kaniyang pang-business na tono.

"You can call me if you need anything." Makahulugang sabi ni Hadley na kumagat pa muli sa labi.Emilia is getting really pissed at this point. Kung kanina ay naiinis siya sa pag-aantay dito, ngayon ay tila sasabog na siya dahil harap-harapan itong nagpapa-cute sa kaniyang asawa.

"Kung magsimula na kaya tayo, para matapos kaagad?" Sheryl said sarcastically, halatang naiinis na rin ito. Agad naman siyang inakbayan ng nobyo para pakalmahin.

Hadley leaned on the table. Isa- isa niyang tinignan ang mga ka-mesa, huminto ang paningin kay Sebastian at saka ngumiti. Bukod sa pagpapaganda ng babaeng 'to kay Sebastian, this girl is making everything slower than it already is.

"Right. Buti pinaalala mo. So, ano nga ba? What theme would you like?" May himig pa ng pagkabagot nitong sabi. Napa-igtad ang mga kilay ni Emilia. Iniisip niya tuloy kung isa nga ba talaga ito sa mga best na organisers sa mundo. Taliwas kasi ang inaakto nito, tila ba hindi propesyonal.

Sheryl sighed deeply bago magsalita. Maski ito ay hindi inaasahan ang inaasal ng organiser na nakuha ni Sebastian.

"You're welcome," Sheryl said with a bitter tone. "Gusto ko ng beach wedding, with a touch of boho." Napangiti naman roon si Emilia. Alam niyang ito ang pinapangarap o iyon ngang dream wedding ng kaibigan. Masaya siya na matutupad iyon ng kaibigan, kahit na nakaramdam siya ng inggit.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 28 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bride for HireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon